Chapter 6

5 2 0
                                    

Nakatuon Ang atensiyon ni TJ sa hawak na diary. Tinanggal niya ang strap na iyon at ibinalik din niya. Why would he waste time reading it? Ibinalik niya iyon sa kanyang brief case at kapagkuwan ay lumabas na siya Ng kwarto para sabayan sa pag hahapunan ang kanyang dad.
He made it a point to always dine with his father when he was home. Iyon lang ang pag kakataong nakakapag usap sila nito.
Pagkatapos mag hapunan ay bumalik siya sa kanyang kwarto. Hindi na niya napigil ang sarili ng ilabas niya Ang diary. Parang may nag pwersang nag uutos sa kanya na buksan ito at basahin iyon. Sumandal siya sa head board at tinanggal uli niya ang strap ng diary.
Puro quotations about love and life ang mga nakasulat sa unang pahina. Napangiti siya because some people were born romantics. Aminin man niya o hindi sa sarili ay alam niyang may romantic side din sa kanyang pag katao. He liked caring people and he loved sweet women iyong mga babaeng maalaga at mapagmahal. Hindi pa nga lamang niya marahil natatagpuan iyon. he was not a perfectionist but he knew he was looking for someone who had qualities beyond beauty.
Pakiramdam niya ay gumaan ang pakiramdam niya sa mga quotations na nabasa niya. He flipped the second page and read it.

January 9

Dear diary,
  Ito Ang kauna unahang pag kakataong isusulat ko ang aking nararamdaman. I'm inlove Kasi Isang bagay na hindi ko inaasahang tao at sa isang hindi ko inaasahang pagkakakataon. Wala akong mapag sabihan ng aking nararamdaman ko kaya ko isinusulat dito.
  Pakiramdam ko ay sasabog na Ang dibdib ko sa kaligayahang pumupuno sa aking puso. Hindi ko kasi akalaing sa sitwasyon ko ito ay may darating na isang lalaking mag papatibok sa aking puso at mag sasabing ganoon din Ang nararamdaman niya para sa akin. matagal ko Ng hinintay ang pagkakataong umibig at ibigin.
  Kailan kaya uli ako dadalawin ni Tomas? Sana ay bumalik na siya sa lalong madaling panahon. At sa pag babalik niya may aaminin ako sa kanya na aking nararamdaman. I love him with all my heart.

Napalunok si TJ because he felt very strange. Kapangalan pa niya ang lalaking nabanggit sa diary. Thomas Jose Ang buong pangalan niya kaya TJ ang palayaw niya. Jose Ang pangalan ng kanyang dad. Dito isinunod ang pangalan niya at hindi niya alam kung saan nang galing ang Thomas na name niya.
He knew it was a mere coincidence, but an unexplainable feeling engulfed him. binuklat niya pa Ang sumunod na pahina .

January 10

Dear diary,
  Malungkot ako ngayon dahil hindi bumalik si Tomas. Naisip ko na baka nag hihintay lang ako sa wala baka awa lang Ang kanyang nararamdaman niya para sa akin kaya niya sinabing gusto niya ako. Imposible nga siguro na ang kagaya niyang may sinasabi ay magugustuhan ang Isang gaya ko. Mahirap pa lang umibig at umasa but I missed him so much.

Sa mga sumunod na pahina ay puro hinanakit at sama Ng loob ang nabasa niya. Nakaramdam siya ng awa para sa may Ari Ng diary. Napaisip siya dahil kagaya rin ba siya ni Tomas nagpapaasa ng babae? Umiling iling siya kaya nga lumalabas agad siya sa isang relasyon ay para hindi siya makasakit ng babae. Naaawa siya Kay S.F kasi mahal nito si Tomas puro hinagpis lang ang isinukli ng huli sa pagmamahal na iyon.
Isinara niya ang diary at ipinatong iyon sa bedside table. Bakit ba niya pinag aaksayahan ng oras na basahin ang diary na yun?. Bumigat tuloy ang kanyang pakiramdam. Hinila niya ang switch Ng lamp shade saka siya humiga sa kama. Ipinikit niya nang mariin ang kanyang mga mata. Kung anong uri ng hiwaga ang nararamdaman niya na hindi niya maunawaan.
Why was he feeling that way? Pabaling baling siya sa kama niya. Hindi siya dalawin Ng antok. kailangan pa man din niyang gumising nang maaga dahil kailangan siya sa site ng isang building na itinatayo nila sa taguig. Nang hindi makatiis ay binuksan niya ang lamp shade at sumandal sa head board. Parang may nag tulak sa kanyang isipan na ipatuloy ang pagbabasa niya ng diary. Kaya binuklat uli niya Ang diary sa bandang gitna ng pahina.

May 28

Dear diary,,
    Wala nang papantay sa kaligayahang nararamdaman ko ngayon. Dahil hindi ko pinag sisihan na inialay ko kay Tomas ang aking sarili. Ngayon ang ikalawang buwan ng Anibersaryo namin. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. I love him so much. And I'm willing to give him everything..... even my life.

If Love is Not EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon