Chapter 3

6 3 0
                                    

Kasalukuyan napapangiting sumakay siya sa taxi. Pakiramdam niya ay naiwan sa loob niyon Ang mainit na pag upo ng babae dito sa upuan. Heto na naman ako ba't ko ba iniisip ko yun.... Ganoon naman siya palagi. Madali kasi siya ma- attract sa magandang babae kapag may nagustuhan siya ay nililigawan agad niya. Kapag in love na sa kanya Ang Isang babae ay unti unti naman siyang nakakadama Ng kahungkagan. Palagi kasi siyang may hinahanap na kakulangan na Hindi niya alam kung ano Ang pupuno sa kanya.
Sometimes, he thought he was a fool.

" Saan ho ba tayo boss?? " pukaw sa kanya Ng taxi driver.
" Sa Santa Mesa sa may G. Tuazon." sagot niya.
Pinaandar na nito ang taxi at tiningnan siya nito sa Rearview.
" boss, Ang ganda no??" waring nabasa nito Ang laman Ng isip niya.
" Sino?" kunwaring tanong ko.
" Yung pasahero ko kanina ". Sabi Ng taxi driver.
Tumawa siya. at tumawa rin ito
" Nakita ko nang sundan mo siya ng tingin ". Saad Ng Sabi nito sa akin.
" Natural lang na humanga Ang isang lalaki sa Isang magandang babae, hindi ba?? Sabi ko.
" Oo naman ho,, Ako nga rin sobrang na gandahan din sa kanya. Pero hanggang pag hanga lang Ang pwede Kong gawin. Kahit siguro ano Ang gawin ko Hindi Ako papatulan ng mga ganon kagandang babae". Saad nito sa kanya..

" bakit naman? tanong ko. Hindi niya alam kung bakit nasisiyahan siyang pag usapan Ang babaeng hindi niya kilala.
Iniliyad nito nang bahagya Ang tiyan nito " Hindi lang Ang pisikal na Ang problema boss, Dukha ako at saka may asawa at mga anak na ako kaya hanggang sa pag hanga na lang talaga ako" seryusong sabi nito.

kaya tumawa uli siya. he liked the driver's sense of humor. Para din itong si Romy magaan kausap.

" Ikaw boss, maari ka pa nun magustuhan" Saad nito sa akin.
" Regular passenger mo ba Siya?" tanong ko. May mga kakilala Siya na may sucking taxi driver gaya na Lang Ng sekretarya niyang si Debra.

" Hindi boss. Sa Greenbelt five Siya sumakay doon sa bagong condominium." sagot nito
Tumango- tango siya. Gusto na niyang mainis sa sarili kung bakit kailangan niyang pag tuunan Ng pansin Ang babaeng iyon gayong mas marami siyang dapat na iniisip. Attracted lang Siya at eventually ay mawawala rin yon.

Natuon ang pansin niya sa car floor. Napansin niya Ang Isang leatherette notebook doon. kinuha niya iyon at tinitigan. Brown iyon na may strap kaya naisip niya na baka pag aari iyon ng babae. Pero medyo luma na iyon,, kaya tinanggal niya Ang strap at nakakunot Ng noong binuklat- buklat niya Ang mga pahina niyon. Mukha ngang diary iyon na nabasa Ng tubig dahil medyo kumalat Ang tinta Ng ginamit na ball pen. But it was still readable pa naman.
  Binuklat- buklat uli niya Ang mga pahina. Mayroon din dates Ang bawat entry niyon pero walang nakalagay na taon Kung kailan iyon isinulat. Sa unang pahina ay nakasulat in bold letters Ang mga katagang My endless love
Hindi niya maintindihan kung anong hiwaga Ang bumalot sa kanyang ka- tauhan. There was a strong force that was telling him to read the diary. Pero nag dalawang isip pa siya dahil pag aari iyon Ng ibang tao. Maaaring Ang babaeng bumaba Ng taxi Ang may Ari niyon o maaaring baka sa ibang tao na naging pasahero din Ng taxi driver bago Ang babaeng iyon. Walang pag kakakilanlan Ang may Ari na iyon maliban sa inisyal na S.F na nakalagay sa ibabang dulo Ng unang pahina. Siguro iyon ay Ang inisyal Ng pangalan Ng may Ari na iyon.

Pwede niyang ignorahin Ang diary at Iwan na lamang iyon sa taxi o kaya ay ibigay iyon sa driver, pero minabuti na lang niyang kunin iyon. Dahil nabuhay Ang interes niyang basahin iyon kahit batid niyang Mali iyon kaya inilagay na niya iyon sa kanyang brief case.

Nakalimutan na niya iyon pag dating sa kanyang opisina.
Sinalubong siya ng kanyang sekretarya na si Debra. Isa isang sinabi nito Ang mga appointment niya sa akin. Gaya ni Romy ay mag lilimang taon na rin itong nag tatrabaho sa kanya. Debra was very efficient. Palibhasa Kasi ay engineer din ito kaya na sasabayan nito Ang takbo ng isip niya. Hindi ito pasado sa board pero dahil mahusay ito ay Malaki Ang ipina- susuweldo ko sa kanya. Kamukha nito na artista na si Debraliza-- medyo payat nga lang ito nang kaunti kaya ganoon Ang tawag dito kahit Deborah talaga Ang totoong pangalan nito. tagA Nasugbu Batangas ito.

" Iko- confirm ko ba Yung dinner meeting mo mamaya sa KGC HOLDINGS?? kanina pa sila tawag Ng tawag" Sabi nito.
" Of course,," sagot niya. Umupo na siya sa kanyang swivel chair. Nakatambak Ang mga blue prints at kung anu anong papeles sa ibabaw Ng mesa niya. Binuklat niya ang Isa roon. "Dumating na ba si Romy?" tanong niya
"Hindi pa boss" sagot nito
" Pero sinabi niya sa text na Hindi raw kayo magkasama dahil sa ipinagawa niya yung sasakyan niyo. Aalis din daw agad kayo pag dating niyo dito" Sabi ng kanyang sekretarya.
Nagtaas Siya Ng tingin dito at kumikislap Ang mga mata nito at napangiti siya,, Open book sa kompanya Ang matagal nang relasyon nito at ng driver niya bagay na ikinatuwa niya..
" Kumpleto na pala Ang instruction sa iyo Ng sweet heart mo", Sabi ko na magaan na boses. At namula Ang pisngi nito.
" Siyempre. hehe by the way you want coffee?" tanong sa kanya
Umiling Siya. " No thanks" Sabi ko.
Binuksan niya Ang brief case at inilabas niya Mula room Ang diary na napulot niya sa taxi.
" Attend ba kayo sa event mamaya sa The Fort?" tanong nito.
" Importante bang nandoon ako?" Sabi ko sa kanya habang binubuklat buklat niya Ang mga pahina Ng diary.
" Kung ayaw mong ma disappoint si Liz , dapat ay nandoon ka. Mamaya Ang Launching Ng mga bagong creations. Since Ikaw Ang nag design Ng boutique niya at espesyal ka sa kanya Ikaw pa siguro ang special guest niya" Sabi sa akin.
He smiled. Liz was too serious to get involved with and he had dated her twice. She was wild and aggressive. Baka mapasubo pa Siya rito Kapag itinuloy niya Ang pakikipag date dito kaya minabuti niyang dumistansya rito. Ilang tawag na nga nito nang Hindi niya sinasagot.
" Kapag tumawag Siya pakisabi na Lang na out of town ako. Wala ako sa mood na umattend Ng party niya" sabi ko pero sa diary pa rin nakatuon Ang atensiyon niya.
" What's that" tanong ni Debra.
" Diary, napulot ko Kasi sa taxi" sagot niya
" boss naman mayaman ka na pero bakit namumulot ka Ng basura? tanong niya.
" Ewan ko ba kung bakit interesado ako rito" ibinalik niya na sa loob ng brief case Ang diary"
" Bakit?"
Sumandal na Siya sa kanyang upuan. "baka soul mate ko na Ang may Ari" biro niya
Nanlaki Ang mata nito "kailan pa kayo naniwala sa soul mate? Hindi na yun uso ngayon boss with your status--- I mean magandang lalaki ka mayaman pa at successful-- kahit sinong babae ay mag kakandarapa sa iyo kaya Hindi mo na kailangan Ng soul mate" Saad nito
tumawa Siya Kung may mangilan ngilang tao na nag papagaan sa araw niya Isa na dito si Debra sa mga iyon dahil komportable sila sa isa't Isa nilang mag kaibigan at mag amo.
Bumukas Ang pinto at humihingal na pumasok doon si Romy.
" Oh hayan na Ang soul mate mo" biro niya Kay Debra.
" Sorry boss, na traffic ako pwede na tayong umalis" Sabi sa kanya ni Romy. Naka ngiting tiningnan nito si Debra at saka iniabot nito Ang isang prutas.
" Okay lang, inaliw naman ako nitong soul mate mo" Sabi niya at tumayo na siya hindi nakaligtas sa kanya Ang malagkit na tinginan Ng dalawang ito.

Nainggit Siya sa mga ito dahil napakasimple Ng Buhay Ng dalawa pero ramdam niya na totoong nag mamahalan Ang mga ito. Bakit kaya Hindi pa niya nararamdaman Ang totoong pag ibig? kailan kaya niya matatagpuan Ang babaeng kokompleto sa kanyang pag katao?...

If Love is Not EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon