CHAPTER 12

9 4 0
                                    

Days have passed mula noong gabing 'yon. That was the last time I saw Tres. Bumalik kami n'on sa club pero hours later, nag-aya na silang umuwi kasi may mga pasok pa kami kinabukasan. Sa condo lang kami ni Eli nagsleep-over n'on.

Nandito ako sa condo ngayon at nagbabasa ng libro. It's Sunday today.

Si Mari, may kinacalculate. Kanina pa nga 'yan, e. Panay pa pagcrumple niya ng paper kaya hindi ako makapagfocus sa pagbabasa. Ayan, she crumpled another one.

Isang pang pagkusot ng papel, babatukan ko na—

“Crassandry Mari!” napaupo siya ng maayos dahil sa sigaw ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Bumuntong-hininga siya tapos pabagsak na nilapag ang ballpen.

“Ang hirap magcompute!” bulalas niya.

“Ginusto mo 'yan. Get a grip.” asik ko tapos tumayo at pumasok sa loob ng kwarto ko.

Pinipilit kong magconcentrate sa pagbabasa kaso hindi na ako makapagfocus.

I closed the book at kinuha ang phone ko para mag-online.

Nakita kong may IG story si Royal. Picture ito ng magulo niyang study table tapos may caption na 'Its time for a table cleanup! 😉'

Siya lang ang may story so far. Ang boring naman! Wala akong magawa!

Matawagan nga si Eli.

Tatawagan ko na sana si Eli nang may matanggap akong notification sa IG.

Velindrej accepted your follow request.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga. I think, minsanan lang kung gumamit ng Instagram si Jino kasi noon pang papunta kami ng Bicol ako nagsend ng follow request tapos ngayon niya lang na-accept.

Agad kong inistalk ang account ni Jino. I viewed his following accounts.

Good thing he followed Tres. I looked at his account and I was shocked. He doesn't have any following accounts! As in, zero!

Tapos, halos 20k na ang followers niya kahit private ang account niya. Of course, I sent him a follow request.

I'm not expecting that he's gonna accept my request tho. And, ang nakalagay sa bio niya is ito,

'01011001011000010110010001101001'

Iyan lang. Wala na.

What does that even mean?

Bumalik na lang ako sa account ni Jino to see kung may photos ba silang kasama si Tres. Out of 24 posts ni Jino, only 2 of it ang nandoon si Tres. Puro stolen pa at nasa background lang.

Hays, kailan niya kaya ia-accept ang request ko…

Char, ang drama. Mabuti pa't magshopping na lang ako. Tinext ko muna sina Eli at Royal para ayain sila. Pass daw muna si Royal kasi may pending plates pa daw siyang kailangang tapusin. Si Eli naman, magsusurprise visit sana dito sa condo kaso naunahan ko na siyang ayain papuntang mall kaya on the way na daw siya.

Lumabas ako, “Mari, I'm gonna go shopping with Eli. May ipapabili ka ba?” I said.

“Yes, please buy me a box of pilot ballpen and some food.” sabi niya tapos inabot ang credit card niya. Tinanggap ko ito.

“This is not a food service, you know.” pamimilosopo ko. Sinamaan niya ako ng tingin sabay hagis ng pillow sa akin. Binalik ko naman ito sa couch at lumabas na. Kotse lang ni Eli ang gagamitin namin since wala namang pakialam sa presyo ng gas 'yong babaeng 'yon.

Naghintay lang ako sa lobby. Minutes have passed ay dumating na si Eli at papasok na ng condo.

Aba't outfit na outfit ang lola niyo. Nakafitted white silk fit dress tapos red leather boots na hanggang below the knee ang length. Of course, she's wearing a sunglasses.

Fingers CrossedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon