CHAPTER 22

2 0 0
                                    

Nakatitig lang ako sa ceiling ng kwarto ko at iniisip pa din ang ginawa ni Tres kanina. Sa bawat araw na lumilipas, palalim ng palalim ang nararamdaman ko sa kanya. And I want to acknowledge this feeling.

I was about to fall asleep when my phone rang. It was Tres whose calling. I answered it immediately.

"Still up?" sabi niya sa kabilang linya.

"Yeah, hindi kasi maalis sa isip ko ang ginawa mo kanina," biro ko. I heard him giggled.

"Want me to do that again?"

"Hmm, maybe next time." nakangisi kong tugon. We just kept talking until I didn't realised I fell asleep while the call is still ongoing.

Week have passed and naging busy kaming lahat for the finals. Nanggigigil ako sa mga Professors na nantatambak ng projects kung kailan midterm exams na.

Imbis na magpakalugmok sa mga kailangang tapusin, pinilit kong magpakaproductive kasi baka hindi ko pa matapos agad ang mga 'to at mahirap nang hindi makapagreview ng maayos para sa exams na two days nalang from now.

Todo cram kami ni Mari buong magdamag. Sinabihan ko na din si Tres about my midterm exams and pati ata sila ay naging busy.

Mabuti na lang talaga at gumagana ang koolfever patch kapag inaantok ako, ito ang nilalagay ko sa noo ko. Nakita ko lang ito sa series na napanood ko before and effective talaga siya. Nakatulong ito noong mga nakaraang gabi na nagpupuyat ako para tapusin ang ibang projects ko.

Ngayon, tatlo nalang ang kailangan kong tapusin and I think mamayang gabi ay tapos ko na 'to.

Kapag ganitong may exams kami, nagpapadala ng helper si dad sa amin para naman makapagfocus kami sa pag-aaral at the same time mamaintain pa din ang paglilinis sa condo.

Mabilis ko lang natapos ang isang book analysis kasi romance naman ang story, dito lang talaga sa sunod kong ginagawa.

Napakacomplicated ng sequences. Inabot ata ako ng halos dalawang oras sa pagbabasa nito saka ako nakapagsimulang gawan ito ng simple synopsis.

After n'on, nauna na akong maghapunan kay Mari. May kinocompute ata siya kaya hindi ko na inistorbo.

Binusog ko muna ang sarili ko kasi pakiramdam ko natuyo lahat ng likido sa katawan ko, uhaw na uhaw ako.

After kong kumain, bumalik ako sa harap ng panghuli kong project na gagawin. Self Portfolio para sa isa kong major subject. Medyo madali lang ito since pwede lang naman daw na basehan ang resume na nagawa na namin before. It took me almost an hour to finish the project kasi may dinagdag pa akong mga informations.

"Atlast!" bulalas ko at napasalampak sa kama ko. Bukas na lang ako magsisimulang magreview at ramdam ko na talaga ang antok.

***

Papunta na ako sa huling subject para magtake ng exam. Last day na din ito ng exams namin. Kahit na hindi ito major subject ay kinakabahan pa din ako kasi terror ang Prof namin sa subject na 'to.

Pagdating ko sa loob ng room ay marami-rami na sila. We still have 15 minutes pa naman bago magstart ang time schedule para sa subject na 'to and besides wala pa si Sir kaya nakipagchikahan muna ako sa mga classmates ko.

Minutes have passed and kumpleto na ang lahat, nandito na din ang Prof kaya nakinig na kami sa instructions tapos isa-isa kaming binigyan ng test questionnaire.

An hour have passed and atlast, tapos na ako. After kong isubmit sa harap ang papers ko, lumabas na ako ng room. Where am I going? Sa condo. Babawi ako ng tulog kasi napuyat ako kakareview kagabi.

Fingers CrossedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon