Title : Can I Be Her?

"Uy anong ginagawa mo ? " tanong sakin ni Cyrick , ang bestfriend ko

"Di ba obvious? Nagsusulat ! " inis na sabi ko

"Ayy hala! Galit agad?" Sabay pacute sakin

"Ohh, alam ko yang tingin na yan. May kailangan ka ? " tanong ko

"Ahh ehh diba kakilala mo si Lexi?...balak ko sana siyang ligawan eh. " maligalig na sabi niya , umiwas ako ng tingin sa kanya

"Oh tapos?" Tanong ko ng hindi parin nakatingin sa kanya

"Abi tulungan mo naman ako oh please" nagpuppy eyes siya

"Okay " walang ganang sabi ko

"Talaga? Thank you ! " tapos yinakap niya ako

"Sige na shoo alis na " inis kong sambit

"Sige bye"

Si Cyrick ang bestfriend ko mula nung bata palang . Siya yung naging protector ko nung mga panahong nabubully ako. Siya yung nagiging sandalan ko sa nalulungkot ako. Siya yung nagiging punching bag ko pag galit ako. Siya yung kasama ko sa masasayang nangyari sa buhay ko . Wala kaming tinatago sa isa't-isa , lahat ng secrets niya alam ko . Pero ako ? May sekreto ako . I'm inlove with him . Yes , I'm inlove with my bestfriend .

Lumipas ang ilang buwan at ngayon ay tinutulongan ko si Cyrick sa surprise niya kay Lexi na sa kasalukoyan ay niligawan parin niya. Hinihiling ko nga na sana ako nalang si Lexi . I wish I can be her. Can I be her? Pero alam kong hindi ako magiging siya

"Nandito na si Lexi!"sigaw ni Jordan, kaibigan ni Cyrick

"Andito na siya! Do I look good?" Kabadong tanong niya

"O-oo naman" sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya

"Salamat ah" may galak na sabi niya , tumango lang ako

Ilang sandali pa ay nasa harapan na namin si Lexi , ang ganda niya no wonder kung bat nahulog si Cyrick sa kanya

"Hi "sabi ni Lexi samin... o kay Cy lang kasi sa kanya lang siya nakatingin eh

"Uhm Abi may aasikasuhin ka pa diba?"taboy sakin ni Cy

"Ahh oo,sige una na ako" sabi ko sabay takbo sa di kalayuang bahay kubo at nung makarating na ako dun ay tinanaw ko sila

Ang sweet nila at mukhang mahal na nga nila ang isa'tisa

"Yes?!" Puno ng sayang tanong ni Cy kay Lexi at tumango naman ito

Di ko namalayang tumulo na yung luha ko .Nung nakita ko kung gaano siya kasaya bigla kong naisip , maybe I have to let go of this feelings kasi makita ko lang siyang masaya kahit hindi ako ang kasama , masaya na din ako and I know, masaya siya kay Lexi . I'm letting him go

Short Story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon