Title: Until The Sun Sets

Paalam, yan ang salitang kinakatakutan ng lahat na marinig, well except for me, sanay na ako na magpaalam... not until I found  her 

Sun set na at naalala ko na naman siya, nung una kaming magkakilala

*Flashback 3 months ago*

Summer at andito kami ngayon sa beach for the last day vacation kasama ang mga barkada ko

"Kyle, pre halika nga muna dito at mag enjoy tayo't kanina ka pa tahimik jan." Sabi ni Josh at inakbayan ako

"Di ka pa na sanay jan eh lagi naman yang tahimik."  Sabi naman ni Marjuryl , ang tanging babae sa barkada, na ewan, tibo ata kasi mas lalaki pa siyang kumilos samin

"Oo nga, Josh, di ka pa na sanay."  Sabi naman ni Gray

Well, what do they expect? I'm an introvert and I don't really socialize kaya nga tatlo lang silang kaibigan ko.

"Magjowa ka na kaya pre? Lagi ka na lang mag-isa eh. "Suhistyon ni Josh habang naglalakad kami sa buhangn malapit sa dalampasigan. Hapon na ngayon kaya wala na masyadong tao dito

"Oo nga."  Sang-ayon naman ni Marjuryl

'Eh ano naman?' Sabi ng isip ko.

"Uy, may chix dun oh." Lumingon kami sa  tinuturo ni Gray

Paglingon ko ay may kakaiba akong naramdaman . Parang naglaho lahat ng taong nasa paligid at tila ang babaeng iyon lamang ang nakikita , bumubilis at parang gustong kumawala ng puso ko. Ito na ba yun? 

"Bro." Tinapik ni Josh ang balikat ko na nagpabalik sakin sa reyalidad. "Okay ka lang?"
Tanong niya

"Alam mo kung gusto mo siya, lapitan mo na." Natatawang sabi ni Gray

"Oo nga, lapitan mo na."Sabi naman ni Marjuryl. "Napakatorpe mo talaga."

Nakita kong umupo sa buhangin ang babae. Ewan ko pero gusto ko siyang lapitan kaya naman wala sa sariling humakbang ako palapit sa kanya. Kinakabahan man ngunit gusto kong subukan.

"Hi." Sabi ko sa mala anghel ang ganda na babaeng nasa harap ko.

"H-hello." Sabi niya na nakatingala at parang nagulat sa presensya ko.

"A-anong ginawa mo dito ng mag-isa? Wala ka bang kasama?" Tanong ko at umiling ito. She looks away at the sea shore. "Okay lang ba sa'yo kung samahan kita?

"Okay lang naman." Sagot niya ng may pagaalinlangan

Umupo na ako sa tabi niya. Di ko alam pero gusto ko siyang kausapin kaya naman ginawa ko iyon, kinausap ko siya.

"Ako nga pala si Kyle, Kyle Salazar. Pagpapakilala ko at nilahad ang kamay

"Ahm Kiss Medina" sabi niya at tinanggap ang aking kamay

Sa paglapat ng kamay namin sa isa't isa , may parang kuryente na dumadaloy mula sa kamay hanggang sa puso . Parang hindi ako makahinga.

"Nice name." Sabi ko na lang saka binitawan ang kamay niya

Hindi kami nagimikan. Nang ilang segundo pa ang nakalipas ay na ay nagsalita na ako.

"Do you love to see how the sun sets?" Tanong ko at lumingon sa kanya

Yes...because it reminds me that even if we struggle at times , we will shine again tomorrow" sabi niya habang katuon ang atensyon sa sunset

Nakatitig lang ako sa kanya . Ang ganda niya, para siyang anghel, pero yung mga mata niya parang may kulang.

Nagusap lang kami hanggang sa di namin namalayang nakalubog na pala ang araw

"Gabi na pala di ko man lang namalayan." Sabi niya at tumayo na "Alis na ako, salamat sa pag sama sakin." Tumakbo na siya 

"Sige, magìingat ka.'' Sabi ko at kumaway .

Pakalipas ng isang buwan ay hindi parin siya mawala sa isip ko nakatulala ako ngayon habang iniisip ko ang napakagandang mukha ng babaeng bumihag sa puso ko .Hinananap ko siya sa lahat ng lugar na naiisip kong pwedeng puntahan ng mga babaeng tulad niya. Hinanap ko din ang pangalan niya sa Facebook pero walang nag-match kaya naman naisipan kong magpatulong sa mga kaibigan ko

"Nahanap ko na siya." Sabi ni Marjuryl na nakapagpabuhay sa buong sestema"...  kanina sa ospital kaya sinundan ko siya pag uwi niya"

"Bakit siya nasa ospital?" Tanong ko

"Aba! Malay ko."  Sarkastikong sagot niya

"Ano bang address niya?" tanong kong muli at kumuha siya ng papel at ballpen at nagsulat

"Oh,yan yung address." Pagka-abot niya ng papel sakin ay tumayo agad ako para pumunta  doon

Habang nasa biyahe ay kinakabahan ako. Nae-excite akong makita siyang muli. Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay mas lalo akong kinabahan. Ano bang sasabihin ko pag nagkita na kami? What if pagkamalan niya akong stalker? Ay bahala na. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at bumaba

Nag door bell ako sa bahay nila sakto namang siya ang nag bukas ng pinto

"Hi" Bati ko sa mababang tuno ng boses

"H-hello." Sabi niya. Kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. "S-san mo nakuha ang address ko? Anong ginagawa mo dito?" Sunod-sunod na tanong niya

"Ahm di ko na sasabihin kung saan ko nakuha ang address  mo , tsaka nandito ako para sabihing liligawan kita."  Diredetso kong sabi na tiyak kong ikinabigla niya. "I didn't ask because I know what you're going to say. I just wanna let you know. " napaawang ang labi niya sa sinabi k

"Okay." Parang wala sa sariling sabi niya

Pagkalipas ng isang buwanng panliligagaw ay wala paring nangyayari, I mean may progress naman pero  parang nagaalangan pa rin siya sa panliligaw ko , na para bang may pumipigil sa kanyang mahalin ako.

"Hey may sasabihin ako sayo." Kinabahan ako sa tuno ng boses niya. "Itiigil mo na to," madiing sabi niya

"B-bakit?" Tanong ko naman

"Kasi ayoko na" Mahinahong sabi niya. "Mahal na kasi kita at natatakot ako na baka balang araw  iiwan din kita" A-anong ? Bago pa man ako napagreact ay nagsalita ulit siya " Thank you for making me feel loved pero hanggang dito nalang talaga. Goodbye, see you until the sun sets...again " Umiiyak na sabi niya at tumakbo papalayo sakin at ako naman ay nakatulala lang habang panag mamasdan ang pag layo niya

Pagkalipas ng ilang araw ay hindi ako tumigigil na subukan  siyang kausapin . Pinuntahan ko siya sa bahay nila pero ang sabi ng mga kapit bahay nila wala na daw sila dun. Tinawagan ko din siya pero walang sumasagot

Pagkalipas ng limang araw ay may tumawag sa phone ko at gamiit niya ang number niya. Kaya naman sa pagbabakasaling makita siyang muli ay sinagot ko iyon

"Hello." Sabi ko

"Hello, is this Kyle Salazar? " tanong ng hindi pamilyar na boses sa kabilang linya

"Opo, bakit po?" Nagtatakang tanong ko

"Ako nga pala si Rhea, ate ni Kiss at gusto kong sabihin sa'yo na... Kinakahan ako sa kung ano mang pwede niyang idugtong. "...she's gone Inatake siya sa puso due to her  cardiomyopathy, wala na siya Kyle ." Pagkasabi niya nun ay nabitawan ko ang cellphone ko at dahan-dahang napaupo sa sahig

She's gone. Even if i can't accept it, wala akong magagawa. She's gone. Forever gone

Short Story CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon