Chapter 4

299 16 0
                                    

Chapter 4

Blaze's POV

Hindi pa din ako nakapaniwala. Hinalikan ako ni Francine. Nanginginig ako. Bakit naman kasi ganun! Siya yung first kiss ko!

Habang tinititigan ko siya kanina, napag-isip-isip ko na maganda pala talaga siya. Maangas na maganda.

Hindi ako dapat magpadala sa damdamin ko. Dapat hindi ako mainlab sa kaniya! Paano kung pinangti-tripan niya lang ako? Ayokong masaktan. Baka ma-depressed ako, kailangan ako ni Mama at Ate.

Andito ako ngayon sa bahay. Nagrereview at gumagawa ng notes ni Francine para may mapagstudihan siya.

"Kumusta yung si Ma'am Francine, okay ba?" tanong ni Ate Gabby.

"Ano kasi, ate....... Hinalikan niya ako" pagsusumbong ko sa kaniya. I'm her baby at lahat ng sikreto ko dapat kung sabihin sa kaniya. Mahal na mahal ako ni Ate at mahal na mahal ko din siya. Pangalawang ina ko kasi si Ate.

"Talaga? Oh my God! Yiieeee! Ship! Ship! Ship!" tili niya. Huh? Akala ko kasi magagalit siya.

"Hindi ka magagalit? Diba yung nasa grade 7 ako tas may humalik sakin sa pisnge, sinapak mo? Anyare sayo, ate? Asan na yung protective kong ate?" tanong ko sa kaniya.

"Dong, okay lang sakin pag si Ma'am Francine. Mas gusto ko pa siya para sayo kaysa naman dun sa mga feeling inosente mga plastik naman pala..... You know what, Dong? I really admire, Ma'am Francine. Mapagbigay siya. Kung tutuusin, matalino naman talaga siya diba? Pero pinagbigyan niya yung iba para maging top. Tsaka sa yaman ng pamilya nila, pwede nilang bilhin yung grades niya pero di niya ginawa. Badgirl nga siya, mapagbigay naman. I know may soft side din ang babaeng yun" paliwanag ni ate. Maybe, its true. Mapagbigay naman talaga siya. Kanina nga, lahat ata ng pagkain sa mesa nila pinakain sakin. Tsaka bibigyan niya pa nga ako ng pera para daw kay Mama pero di ko tinanggap.

"Sino? Ako?" biglang sabat ni Margaux. Anong ginagawa niya dito?

"Hindi ikaw!" saad ni Ate.

"May gusto kana, Blaze? I thought, ako yun? Diba may gusto ka sakin?" tanong niya. Huh? Gusto ko siya? Hindi! Ayoko!

"Hindi ka gusto ng kapatid ko! May iba na siyang gusto. Yung hindi masyadong pa-inosente, hindi plastik at higit sa lahat hindi attention seeker!" saad ni Ate. See? Apaka protective niya sakin pagdating sa ibang babae pero pag kay Francine, okay lang?

"Ate, stop. Ahhm, Margaux. Tara, hatid na kita sa labas" saad ko.

Hinatid ko na siya sa labas.

"Ba't ganyan yung ate mo? Ba't ayaw niya sakin? Paano nalang pag tayo yung nagkatuluyan?" tanong niya.

Huh? Tang—.... huminga ako ng maluwag.

"Margaux, were just friends" ani ko sa kaniya.

"Dun naman nagsisimula ang lahat diba?" tanong niya.

"Dun magsisimula at dun din matatapos. Kaibigan lang talaga ang turing ko sayo. Tsaka, sorry sa sinabi ni ate. Sige, balik na ako sa loob" saad ko at umalis sa harapan niya.

Nakakatakot naman yung mga sinasabi niya! Nakakakilabot! I can't imagine myself having a relationship with her! Mas gusto ko pa si Francine..... wait! Ba't ko ba yun naisip?

Francine's POV

Damn it! The fuck! Arghhhh! Walanghiya! Sino ba kasi yung babaeng yun? Makalapit kay Blaze parang higad! Wala siyang karapatan! Dapat ako lang dapat ang hahawak ng ganun kay Blaze!

May relasyon kaya sila? What about me? Akala ko ba, okay na kami? Akala ko, bati na kami.

Ngayon lang ako nasaktan ng ganito.

Arghhhh! I'll gonna take what is mine! Blaze is for me! Blaze is mine! Papatayin ko yung putanginang babaeng yun! I hate her!

Arghhhhhh!!!!!!!

Ganito ba pag inlove? Shitttt! Shit talaga!


@mszeang

The Badgirl's Obsession (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon