Prologue

740 21 1
                                    

THE BADGIRL'S OBSESSION

PROLOGUE

Nakagapos ako ngayon sa isang silya. Maraming lalaking naka-itim ang nakapaligid sakin. Wala naman akong ginawang masama.

"Masyado kang pabida!" sigaw ni Chris.

"A-ano bang kasalanan ko sa inyo? Ba't niyo ako ginapos? Ano ba, pakawalan niyo ako" saad ko sa kanila.

"Ano kami? Bobo?" tanong niya. Bobo naman talaga kayo!

"Tapusin niyo na yan. Para makaganti na tayo kay Francine. Alam kong mahal ka ni Francine, kaya pag pinatay ka namin...... masasaktan siya! Babagsak siya! Sorry, Blaze pero....... tapusin niyo na yan!" sigaw niya sa mga tauhan niya.

W-what? Si Francine, gusto ako? Hindi ako naniniwala. Bakit niya naman ako magugustuhan? Isa akong nerd samantalang siya isang badgirl.

"Bakit niya naman ako magugustuhan?" tanong ko.

"Aba, ewan ko sa kaniya. Siya yung may gusto sayo eh, siya yung tanungin mo" sagot niya.

Paano ko siya matatanong kung papatayin na nila ako? Mga Bobo talaga!

Akmang hahampasin na sana ako ni Chris ng dos por dos ay biglang may sumuntok sa kaniya.

"Wag niyo siyang idamay. Kawawa naman siya, wala siyang kalaban-laban. He's just a fvcking weak and useless nerd!" pang-iinsulto niya sakin.

Di ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Niligtas niya nga ako pero ininsulto din naman.

Hindi ko na namalayan na natalo na niya ang mga kalaban niya. Tumutulo kasi luha ko. Ang sakit-sakit marinig ang mga salitang yun. Confirmed! Hindi niya ako gusto, nagsisinungaling lang si Chris. Kasi kung gusto niya ako, hindi siya gagawa ng ikakasakit ng dibdib ko. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kaniya. She's a Badgirl! Walang makakatalo sa kaniya. Mapagmura, basagulera at palaging nagcu-cutting. Wala nga siyang line of 7, wala din naman siyang line of 9. Hindi ko nga alam, bakit siya napasali sa star section.

Kinalagan na niya ako.

"Umiiyak ka? HAHAHAHA. apaka weak mo talaga no? Kalalaki mong tao!" saad niya. Bawal bang umiyak ang lalaki?

"Itigil mo na yang pag-iiyak mo, ligtas ka na" dagdag niya pa.

"Ang sama mo!" sigaw ko.

Tumayo ako. Mas mataas ako sa kaniya kaya tumitingala siya sakin.

"Tinulungan na nga kita, ako pa yung masama? Well, yeah! Masama ako! Kaya nga, badgirl diba?" she sarcastically said.

"Kaya, kaya mong pumatay ng tao? Tignan mo ang ginawa mo sa kanila? Ganyan ka na ba talaga ka-demonyo? Apaka demonyo mo! Ka-ano-ano mo ba si Satanas huh?!" ani ko sa kaniya.

Hindi naman talaga sila Chris yung concern ko kung hindi yung pang-iinsulto niya sakin.

Nabago ang emosyon niya. Biglang dumilim ang awra niya. Sa bilis ng pagkilos niya ay hindi ko namalayan na naisandal niya ako sa pader at tinititigan ng masama.

"Tangina mo! Walang utang na loob! Nakakawalang gana ka! Weirdo, nerd, useless, weak, gago,.... pakyu!. Oo, masama ako pero hindi ako ganun kasama kagaya ng iniisip mo! Akala ko pa naman, magpapasalamat ka! Iinsultuhin mo lang pala ako! I HATE YOU!" sigaw niya at dali-daling umalis. Ininsulto niya din naman ako ah?

She's Francine Marie Ferrandez, The Badgirl and I'm Blaze Ajay Dela Costa, The Nerdy.

And our story begins.......

3

2

1

Now!

@mszeang

The Badgirl's Obsession (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon