Chapter 6

297 13 0
                                    

Chapter 6

Francine's POV

"Sa mga libro, masama daw si Marcos pero yung totoo. Hindi naman talaga siya masama" ani niya.

Huh?

"Paano naging hindi masama? Diba pinapaniwalaan dapat ang libro?" tanong ko.

"Meron kasing nagmamanipula. Sinisiraan si Marcos para sila yung tawaging bayani" ani niya.

"Let me ask you something...... magiging bayani ba ako pag binaril lang ako sa airport?" tanong niya.

"Oo, kasi mahal kita kaya para sakin bayani ka" ani ko. Halos di maipinta ang mukha niya. Seryusong-seryuso kasi siya sa buhay niya.

"Yung totoo?" tanong niya. Luh? Katakot ka naman, babe.

"Hindi. Sino ba kasing tanga ang gagawing bayani ang binaril lang sa airport?" ani ko.

"Si Cor—"  di ko siya pinatapos.

"Shhh, baka i-salvage ka nila" ani ko.

"Paano na ako? Di pa nga nagiging tayo, mawawala kana? Mahal kita tas hindi mo pa ako mahal tapos isasalvage ka nila? Wag kang mag-alala, dalawa tayong magpapasalvage" ani ko.

Napatampal nalang siya sa noo niya at huminga ng malalim, napahawak sa kaniyang sentido.

"Anong mahal? Pinagti-tripan mo lang ako!" saad niya.

"Di kita pinagti-tripan" ani ko.

"Maging seryuso ka nga, Francine. Ano ba talaga ang meron tayo?" tanong niya.

"Walang tayo......... pero mahal kita. And I'll do everything to make you fall in love...... with me" sagot ko sa kaniya.

"Pero feeling ko inlove kana sakin. Selos ka nga, kahapon eh. Sabi mo pa, ang unfair naman kung..... bla bla bla" ani ko.

"Sinabi ko lang yun dahil unfair naman talaga" saad niya.

"Unfair o nagseselos ka?" tanong ko.

"Nagseselos ka din naman" ani niya.

"So, nagseselos ka nga?" tanong ko.

"Unfair nga kasi dapat fair tayo!" he insisted.

"Ahhh, gusto mo fair tayo?" tanong ko.

"Yes!" sagot niya.

"So, dapat mahalin mo din ako kasi mahal kita. Sabi mo dapat fair tayo, mahalin mo na kasi ako, Blaze" ani ko at kumindat.

Napalunok siya. Parang hindi mapakali.

Blaze's POV

Hindi padin mawala sa isip ko ang simabi ni Francine. Okay, inaamin ko. May pagtingin ako sa kaniya. Ewan ko nga bakit ko siya nagustuhan. Eh, ibang-iba ang ideal girl ko pero bakit ganun? Nawawala ba talaga ang ideal type once na mainlove ka?

Pero bakit sa kaniya pa? Bakit ba kasi ang pa-fall niya!

Mahalin mo na kasi ako, Blaze!

Mahalin mo na kasi ako, Blaze

Mahalin mo na kasi ako, Blaze

Mahalin mo na kasi ako, Blaze

Mahalin mo na kasi ako, Blaze

Argghhh! Oo na, mahal kita!

Gusto ko lang naman matulog pero ginugulo ako ng isip ko.

Mahal nga kita, Francine pero hindi naman ata ako ang para sayo. Mahirap ako tas ikaw mayaman. Hindi tayo bagay.

Magsisikap muna ako bago kita ligawan pero paano pag may nakauna na sayong manligaw tas mahuhulog ka sa kaniya? Paano kung ligawan kita?

Arghhh! Sakit na talaga ng ulo ko!

(aling ulo, Blaze?)

Tumahimik ka, author. Bastos mo!

(dirty-minded ka!)

I'm not! Ikaw yun!

(ikaw yun!)

Sino bang palaging nagbabasa ng Possessive Series ni Inang?

(silence)

I never heard silence quite this loud!

@mszeang

The Badgirl's Obsession (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon