Sol and Luna
Patuloy kong itatanong kay Bathala
Kung bakit kahit saang banda
Ako'y hindi mo nakita
Patuloy kong itatanong ang bakit
Bakit hindi ako ang napili
Kahit ako ang malapit
Bakit lumampas ang tingin sakin
At sa iba ay tuluyang tumitig at nagpahiwatig
Bakit hindi ako ang pinili
Matapos ang lahat ng aking pananatili.
Napa buntong hininga na lamang ako matapos kong sulatin ang tula na siya na naman ang paksa. Ilang buwan na nga ba ang nakakalipas simula nung nawala sakin ang taong minahal ko ng lubusan ngunit wala naman pinatunguhan. Andito na naman ako sa paborito kong tambayan simula nung nangyare yon. Pilit ko mang iwasan pero hindi ko mapigilan ang bumalik sa simula, bumabalik yung lungkot kapag naaalala ko na wala na ngang talaga.
Kumusta ka? Sa bawat litratong nakikita ko, kitang kita ko kung gaano ka kasaya. Miss na kita, miss ko na yung dating tayo na alam kong hindi na natin pwedeng ibalik pa.
"Malungkot ka na naman."
Napalingon ako sa taong nagsalita mula sa tabi ko.
"Sol." Bangit ko sa pangalan niya at unti unting napangiti na lang. "Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya.
"Kakadating ko lang din. Pinuntahan kita sa unit mo kaso wala naman sumasagot sakin, so nag assume na lang ako na andito ka, and voilà andito ka nga." Sabi niya. Napatingin siya sakin sabay sabi na "Malungkot ka na naman. Siya na naman ba?" tanong niya.
"Sino pa ba?" natatawang napa buntong hininga na lang ako sa pag sagot sa tanong niya. Unti unting umihip ang malamig na hangin at dahan dahan ko din namang niyakap ang sarili ko. Tahimik lang si Sol sa tabi ko habang nakatingin sa kawalan. Andito pa rin kaming dalawa sa roof top ng building ng unit namin, nakatingin sa papalubog na araw na tila bang kay ganda ngunit may sakit na dala.
"Nag sasawa ka na bang makita akong ganito?" mahina kong tanong sa kanya. Simula kasi nung nakilala niya ako, parang sa ganitong eksena na niya lang palagi ako nadadatnan.
Napatingin siya sakin at napa buntong hininga na lang.
"Sa totoo lang gusto kong sabihing oo. Kaso parang hindi naman tama. Gusto kong isumbat sayo na bakit ganyan ka pa din hanggang ngayon samantalang halos isang taon na din naman ang nakakalipas, o kelangan ko bang intindihin na ganyan ka pa kasi halos isang taon pa lang simula nung nangyare yon." Napatingin siya sakin matapos niyang sabihin yon. Napaisip din naman ako sa sinabi niya. Masyado na bang matagal o masyado pang maaga para ako'y muling maka ahon. "Ayokong kwestyunin ka Luna. Alam kong may iba iba tayong paraan at proseso na pinag dadaanan para makalimot sa isang bagay na sobra tayong sinaktan. At sa totoo lang, I can't wait for you to smile again. For you to finally give me that genuine smile that I once saw in you. I'll wait Luna."
Hindi na ako sumagot sa kanya. Sol was and still here for me always since that thing happened, and I just can't thank him enough for being with me. For choosing to be with me even though I am this messed up. Minsan na gu-guilty na din ako, kasi feeling ko napaka selfish kong tao. Ramdam ko naman yung pagmamahal na binibigay sakin ni Sol, hindi naman ako bulag at lalong hindi naman ako manhid para hindi maramdaman lahat ng yon. Maraming beses ko na siyang ipinag tabuyan at sinabing hindi ko naman siya kelangan pero maraming beses na din naman niyang napatunayan na iba pa din pala sa pakiramdam ang meron kang isang tao na handang makinig sayo ng walang hinihinging kapalit, na hindi ka huhusgahan at hindi ka iiwan kahit paulit ulit lang naman ang dahilan na iyong binibigay kung bakit hanggang ngayon ay patuloy ka pa ring nasasaktan.
BINABASA MO ANG
Choices And YOU
Storie d'amoreHi I am Luna, once hurt and broken hearted. But finally in peace and happy with the choices i made.