Chapter 1

15 3 0
                                    

Warning: This work may contains many typos and wrong grammars. If you're perfectionist, goodbye ka hahhaa!


First sight


      Hapon na at pauwi na ako galing sa school. Ang langit ay makulimlim na parang ilang kanta na lng ng aming kapitbahay  na sintunado ay babagsak na ang ulan.

Pumunta ako sa waiting shed upang sumilong dahil puno na ang mga jeep na pauwi sa amin.

"Rine!"

Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko pero pinagsisihan ko ito.

Hanep yan! May pangamoy ba siya bat' alam niya andito ako? Iba daanan niya pauwi a.

"Hoy! bat' di mo ko pinansin?" Tanong ni Kin.

"Alam ko may kailangan ka e, pero pasyensya ka na dahil wala akong ma bibigay sayo."

"Saan mo naman na pulot yan? Ikaw kaya tong palaging may kailangan sa akin. Gusto mo batukan kita?" Tinaas niya kamay niya para ma batukan ako pero umiwas ako at nagpeace sign.

"Ano ba kasi yon bat' mo ako tinawag? Naghihinay ako ng jeep e."

"Sabay ka na sa akin baka malakas ang bagsak ng ulan wala ka ng masakyan, kawawa ka pa naman." Ngumuso siya at pinat ang ulo ko. Pinalo ko ang kanyang kamay para matigil pero inalis niya kaagad kaya napalo ko ang ulo ko.

"Ano ba yan, nangiinis ka lng ng tao."

"Tara na kasi! Mababasa na tayo dito kapag na abutan tayo ng ulan." Pamimilit niya sa akin. Ayaw kong sumasabay sa kanya pauwi dahil sa mga Marites naming kapitbahay.

Last time kasi noong nag-aya siyang lumabas kami para mamili ng mga kailangan para sa pasukan, dinala niya ang kanyang mamahaling sasakyan at ang lolo niyo naman ay pormado.

Nka white t-shirt, black jeans at white rubber shoes siya at lahat yun branded.

Isang linggo kaming pinagchismisan ng mga Marites sa lugar namin dahil sa kanya. Sabi nila ang bata pa daw namin pero love life na ang inaatupag imbes na pag-aaral. Hah! Mga walang magawa sa buhay kundi pagchismisan ang buhay ng ibang tao.

Well di naman kami magka-relasyon ni Kin kaya nevermind sa kanila.

Si Rhozen Kian Rossini, ang magaling kong best friend. I met him when we were 9 years old and he is also my playmate. His family and my family are friends.

5th Birthday ng kapatid niyang babae noong magkakilala kami. Syempre dahil children's party may mga balloons, pa face paint, games, bongang handaan at ang pinakapaborito ko ang pa giveaways na nakalagay sa supot na may design na barbie.

Flashback

"Okay kids form a straight line for our giveaways. No pushing please, all of you will receive one." Announce noong MC sa party.

Dali-dali akong pumila para mka kuha ng giveaways. Nakita ko kasi kanina laman non. May chocolates na mamahalin, laruan at ballpen na may iba't ibang kulay. Nakita ko yun sa classmate ko e, gusto ko rin yun kaso ayaw pahiram tutusukin ko sana pero naghihintay mama niya sa labas ng room baka magsumbong kaya di ko na lng tinuloy.

Turn ko na para bigyan ng pa giveaway kaya malaking ngiti ang binigay ko sa mama nung birthday girl noong inabutan niya na ako pero may na hagip ang mga mata ko. Isang lalaking maputi ang nakita kong naglalaro sa kanyang PSP ang nakasulyap sa akin at naka taas kaunti ang kanyang kilay.

The Sweet ThingsWhere stories live. Discover now