Chapter 2

7 3 0
                                    

Family


"Maaa! Your gorgeous daughter is here! " Sigaw ko pagdating sa bahay. Wala kasing tao sa sala, madalas doon naka upo si mama habang nanonood ng TV pero ngayon wala siya doon.

"Maaa! Where na you?" Sigaw ko ulit.

Pumunta ako sa cr, kwarto at sa garden niya pero wala akong nakitang tao.

"Asan na ba si mama?" Pagtataka ko.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Bago ko buksan ang refrigerator ay may nakita ako.


Dear anak,

                Anak doon ka muna kila Kin matulog, pinabalik ako sa opisina dahil marami pa ang pinapagawang trabaho. Na text ko na si Alisa na sakanila ka matutulog sa ngayon. Pakabait ka doon hah! Ingat lagi, i love you!
   
                                             Nagmamahal
                                              Mama Adira


Trabaho na naman. Simula noong namatay si papa binuhos niya lahat ng kaniyang attention sa pagtra-trabaho. Alam kong nasasaktan pa rin siya sa pagkawala ni papa at naiintindihan ko yun.

Tinawagan ko si Kin para nagpasundo papunta sa kanila. Kung alam ko lng na sakanila ako matutulog di na sana ako bumaba sa sasakyan niya.

"Hello!" Bati ko sa kanya.

"Tapos ka nang kumuha ng damit? Puntahan mo na ako sa kanto niyo."

"Kanto? Ayaw ko maglakad, maulan."

"Ikaw kaya nagsabi ayaw mong makita ako ng kapitbahay niyo kaya dito lng ako at maglakad ka."

"Aghh! Ge bye!"

Kinuha ko na ang bag ko sa school at bag na nilagyan ko ng mga damit at mga kailangan ko tapos lumabas ako ng bahay at nilock ang pinto.

Binuksan ko ang payong para maproteksyonan sa ulan. Nagsimula na akong maglakad pa punta sa kanto.

Malapit na ako sa kanya nang may mapansin akong kasama niya.

Ehh? Theya Garcia nandito sa village namin? Paano yan na padpad dito?

"Oh! Really? I didn't know that blah blah blah" chicka ni ate girl kay Kin.

Wala akong pake sa pinag-uusapan nila pero bakit panay hagod si Theya sa braso ni Kin? Na bilaukan ba siya?

"Kin!" Sigaw ko sa kanya.

Landi mo namang lalake ka!

"Rine bat' ang tagal mo?" Tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay at tumingin siya sa kaliwa.

"Wow hah! Ikaw kaya naglakad na may dalang dalawang bag at payong." Paninisi ko sa kanya.

"May kausap ka pala. Matagal pa ba kayo?" Tanong ko. Ayaw ko kasing makita ang pagmumukha ng babaeng yan.

Noong elementary pa ako classmates kami ni Theya palagi at palagi niya rin akong inaaway dahil nalalamangan ko siya at lahat ng gusto niya na pupunta sa akin. Galit at gigil siya sa akin pero simula noong naghighschool kami nagiba na ang school na pinapasukan namin at doon rin natapos ang pagdurusa ko sa kanya at hindi ko siya ine-expect na makita dito. Kausap pa si Kin.

"Hi Aleah Daphrine Martinez! Long time no see." Bati ng bruha sa akin.

"I don't talk to strangers. Do not talk to strangers Kin." Sabi ko at pumasok na sa kotse niya.

Alam kong bastos yun pero ayaw ko makipag-away ngayon. Wala ako sa mood makipagpalitan ng bala.

"Sorry for that, she's just not in the mood, that's why she's rude to you." Paumanhin ni Kin.

"I don't think so. Kin let's go! Naghihintay na si tita sa atin."

"We have to go miss, nice talking to you."  Paalam ni Kin sa kanya. Tss! Walang nice sayo no!

Sumakay na si Kin sa kanyang sasakyan at nagmaneho papunta sa kanilang bahay.

Tahimik lng ang buong biyahe pa punta sa kanila dahil alam ni Kin ang mood ko ngayon. 

Naaw-awkward na ako kaya nagsalita na ako sa kanya.

"Sorry for that. Ayaw ko siyang makita." Paumanhin ko sa kanya.

"Why? Is she one of your enemies?"

"Yup. Actually, she see me as her enemy and she always bully me back in elementary."

"What makes her see you as her enemy? Did you do something bad to her?"

"What? No, I didn't do anything to her. It's because my classmates always choose me as a class president, oh! Not just in class but in our school too back when we are in elementary and she was always my opponent but she never won to me. That's why she's mad at me." Mahabang salaysay ko.

"Ohh! Ingit lng pala sayo. Sayang hindi tayo parehas ng school noon. Ang saya siguro makita kang makipag-away." Sabi niya habang naka ngiting nag-iimagine.

"Duhh! Buti na lang talaga hindi. Baka maaga pa ako namatay dahil naubusan ng dugo kaka-english sayo." Ani ko sa kanya at tumawa.

"What's wrong with me speaking in english huh? I sound so mayaman kaya."

"So conyo naman this boy." Pang-aasar ko at tumawa kami.

Dumating na kami sa bahay nila at sinalubong kami ng maid para kunin ang bags ko at ilagay sa kwarto ko.

Yes, I have a room here dahil madalas akong na sa bahay nila noong bata pa kami ni Kin. Palagi ko siyang kalaro at ang kaniyang kapatid. Minsan na aabutan na ako ng gabi kaya dito na ako pinapatulog at nagdesisyon na si tita Alisna na pagawan na ako ng kwarto dito sa bahay nila dahil parang anak na rin daw nila ako.

"Dari! I miss you ate!" Sigaw ni Rose Kianna Rosinni. Kapatid siya ni Kin.

"I miss you too girl!" Sabi ko at niyakap siya. Matagal na rin ako hindi nka punta dito simula noong naghighschool na kami ni Kin.

"You'll sleep here? Mom said that you'll sleep here?" Sabik na tanong niya at tumango ako bilang tugon.

"Stop asking if you already know the answer Ana." Ungot ni Kin. Here we go again, magbabangayan na naman yan sila.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko si tita Alisa Rosinni doon nagluluto. Nagmano ako at tinulungan siya sa kaniyang niluluto tapos naghapunan na kami at masayang nagkwentuhan sa hapagkainan kasama ang kanilang padre de pamilya, si tito Ron Anthony Rosinni best friend ng papa ko.

Si tita Alisa ay mahilig magluto kagaya ng kanina. Si tito Ron naman may mahilig manood ng mga drama pagfree sa trabaho. Si Ana ay mahilig tumugtog ng instruments habang si Kian ay magaling magalaro ng mga video games. Iba't iba ang hilig pero nagkaka-isa at masaya ang kanilang pamilya.

Pagkatapos naming magchikahan at manood ng movie ay natulog na kami. Malakas ang ulan kaya nagdesisyon na silang matulog.

Pumasok na ako sa kwarto at nagready para matulog. Pagkatapos ko maglinis ng katawan at nagbihis ay nagdasal muna ako bago matulog. Humiga ako at hinanap ang magandang pwesto at pinikit ang mata para matulog pero may distorbong dumating.

"Rine, gising ka pa?" Tanong ni Kin.

"Bakit? Anong problema mo?" Tanong ko rin.

"Patabi ako. Nasira AC ng kwarto ko tapos yung guest room hindi daw malinis sabi ni Manang." Paliwanag niya.  Wala rin naman akong choice kasi kawawa naman siya at bahay rin niya to.

"Pasok na." Pumasok na siya at sumampa sa kama kaya umalon ito.

"Ano ba yan. Umayos ka kundi sa sala ka matutulog." Pagbabanta ko sa kanya. Umayos naman siya. Niyakap niya ako at pinikit ang kanyang mga mata. Gawain niya ito kapag matutulog kami ng magkatabi noong bata pa kami kaya walang malisya.

"Good night Daphrine." Bati niya.

"Good night din Kian." Sagot ko at pinikit ang mga mata para makatulog.

The Sweet ThingsWhere stories live. Discover now