---

7 2 0
                                    

"Bro, who is she?" tanong ko sa barkada kong si Dave habang nakaturo dun sa babaeng tumatawa sa kabilang lamesa.

Mapang-asar niya akong tiningnan.

"Bakit bro, type mo?" pang-aasar niya.

Tumawa ako at sinapak siya.

"Hindi. Curious lang ako."

T*nginang curious 'yan. Gusto ko siya. I'm interested in her. I want to know her.

"Jeah. Jeah ang pangalan niya."

Simula nung araw na'yun ay palagi ko na siyang sinusundan. Hindi ako stalker, ah? Gusto ko lang talaga siyang makita palagi. Kapag naman nasa malapit lang siya ay panay ang sulyap ko sa kanya. Hanggang sa nilakasan ko na ang loob ko at nilapitan siya.

"H-hi!" nahihiyang bati ko. T*ngina! Nautal pa ako!

Tumingin naman siya sakin. Ang ganda talaga niya.

"Hello!" bati rin niya pabalik at nginitian ako.

Napa-iwas ako ng tingin ng makita ko ang ngiti niya. P*ta! Parang nag-iinit ang pisngi ko. Nakakabakla!

Kinulbit niya ako kaya nataranta ako at bigla ko na lang nilahad ang kamay ko at nagsalita.

"Ako si Chance!" mabilis na sabi ko at parang pasigaw ko pa itong nasabi.

Medyo nagulat naman siya pero kalaunan ay biglang tumawa. Natulala na naman ako ng makita ko siyang tumawa. Natameme ako, t*ngina!

"My name is Jeah." pakilala niya at tinanggap ang kamay ko.

Palagi ko na siyang nakaka-usap simula nun at sinasabi ko sa inyo mga pare ang bait niya talaga at ang sarap niya kausap. Hindi ka mabo-bored kapag siya ang kasama mo.

"Pwede ba akong manligaw?" nahihiyang tanong ko nung minsang hinatid ko siya sa kanila.

Napatigil naman siya sa paglalakad at binalingan ako.

"Hmm....okay!" sagot niya at naglakad na ulit.

Naiwan akong nakatayo doon hanggang sa unti-unting magsink-in sakin ang sinabi niya. Yes! Napangiti ako na parang tanga.

Pinag-butihan ko ang panliligaw sa kanya. Hatid-sundo ko siya palagi. Minsan ay sabay din kaming naglu-lunch. Umabot ng dalawang buwan ang panliligaw ko pero imbes na mainip ay mas lalo akong ginanahan sa panliligaw. Hanggang sa......

"Chance, don't court me anymore."

Para akong nabingi sa sinabi niya.

"B-bakit? Kulang pa ba ang panliligaw ko? Or sumusobra? Ayaw mo ba sakin? Naiirita ka na ba sakin? Bakit mo ako pinapatigil sa panliligaw sayo?" natatarantang tanong ko.

Unti-unting namumuo ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko alam? Bakit? Anong nagawa kong mali?

Bigla siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko.

"Gusto kong itigil mo na ang panliligaw mo dahil sinasagot na kita." nakangiting pahayag niya.

Hindi ako makapag-react agad. Parang ang tagal magsink-in sa utak ko. Tinitigan ko lang siya hanggang sa maramdaman ko ang halik niya sa pisngi ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Ang saya ko. T*ngina! Ang saya-saya ko.

"I love you." bulong ko sa kanya.

Mas naging sweet at caring ako sa kanya simula nang maging kami. Palagi na rin kaming kumakain ng sabay at nagde-date din kami pagkatapos ng klase.

Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag kasama ko siya. Feeling ko palagi akong nakalutang sa ulap. Mahal ko talaga siya. Mahal na mahal.

I'm sorryWhere stories live. Discover now