Pumasok ako sa loob pagkalabas ng doctor at mga nurse. Nakita ko doon si Jeah na mahimbing na natutulog.
Kumuha ako ng upuan at doon umupo. Hinawakan ko ang kamay niya at doon impit na umiyak. Wala bang kapaguran itong mga mata ko? Ayaw tumigil sa kakaiyak.
Pinagsisihan ko lahat ng nagawa ko. Pinagsisihan ko lahat ng mga pagkakamaling desisyon na pinili ko. Pinagsisihan ko lahat. Totoo nga yung kasabihan na 'nasa huli ang pagsisisi'.
Sana hindi na lang ako pumunta sa birthday ni Dave. Sana hindi na lang ako nagpadala sa tukso. Sana mas inatupag ko si Jeah kaysa sa pag-eentertain sa kalandian ng babaeng 'yun.
Kung sana hindi ako pumunta sa birthday ni Dave magkakaganito pa rin ba si Jeah? Kung sana hindi ko pinatulan ang pang-aakit ng babaeng 'yun ako kaya ang kasa-kasama ni Jeah sa bawat check-up niya? Kung sana pinagtuunan ko lang siya ng pansin aabot pa kaya sa ganito?
Maraming sana ang pumupuno sa utak ko. Maraming sana na gusto kong matupad pero huli na ang lahat. Ito na ba ang kapalit sa lahat ng mga kasalanan ko?
Lord, kung ito na bakit si Jeah? Bakit siya ang kailangang magdusa? Pwede bang ako na lang parusahan mo? Ako naman ang nagkamali, diba? Pwede bang ilipat niyo sakin lahat ng sakit na nararamdaman ni Jeah? Please, lord kahit ito lang. Ngayon lang ako humiling, Lord. Alam kong makapal na ang mukha ko dahil ngayon lang kita naalala tapos humiling pa ako pero lord pwede bang tuparin mo ang hiling ko? Kahit ito lang? Please, Lord maawa kayo sakin. Hindi ko po makakaya na mawawala sakin si Jeah. Please, Lord huwag niyo muna po siyang kunin. Hindi pa po ako nakakabawi sa kanya.
Hindi ko alam na nakatulugan ko na pala ang pag-iyak. Nagising lang ako ng may maramdaman akong humahaplos sa buhok ko.
Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at nakita ko ang mukha niyang nakangiti. Hindi ko mapigilang mapangiti rin. Kahit na ang payat niya na ang ganda niya pa rin. Hindi na yata ako magsasawang tignan ang mukha niya.
"Kumusta ka na, love? Okay ka na ba? Wala ng sakit?" tanong ko.
Pinipigilan ko lang ang sarili kong umiyak dahil simula ngayon ay magiging matatag na ako. Hindi ako pwedeng manghina ngayon dahil kailangan niya ako.
"Okay na ako, love. Huwag ka ng mag-alala. Huwag ka na ulit umiyak, ah? Baka hindi ko na kayanin kapag nakita pa kita ulit na umiyak."
"Hindi na, love. Promise hindi na ako iiyak. Magpahinga ka pa. Babantayan lang kita dito. Hindi ako aalis."
Tumango siya at pumikit. Hinalikan ko naman ang noo niya.
Kinabusan ay umuwi muna ako para magpalit ng damit at bago ako bumalik sa hospital ay bumili muna ako ng bulaklak para sa kanya. Palagi ko naman itong ginagawa sa kanya mula pa noon.
Pagpasok ko sa kwarto niya ay umiyak siya ng makita ang dala ko. Gusto niya talaga ang white roses. Ipinalagay niya pa sa vase at idinesplay sa side table niya. Marami din akong kwento sa kanya. Kinuwento ko yung mga nangyayari sa akin sa school. Alam ko na napasaya ko siya at masaya na rin ako kapag nakikita ko siyang masaya kahit na unti-unting nadudurog ang puso dahil alam kong dalawang araw na lang ang natitira sa kanya. Gusto kong sulitin ang dalawang araw na iyun. Kaya kinabukasan ay bumili ako ng singsing. Magpo-propose na ako sa kanya bukas. Alam ko kasing gusto niyang makasal kaming dalawa. Gusto kong tupadin ang hiling niya kahit ito lang gawin ko makabawi lang ako sa mga kasalanan ko noon.
Habang tulog siya ay nagpatulong ako sa mga magulang ni Jeah na idecorate ang kwarto. Gusto ko siyang sorpresahin at pasayahin kahit sa mga huling sandali niya.
Paggising niya ay narinig ko ang gulat sa kanyang boses. Nagtatago ako ngayon sa Cr ng kwarto. Nang marinig ko ang boses niya na hinahanap ako ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko at nakangiting naglakad sa kanya habang hawak hawak ang white rose sa likod ko. Nakita kong kuminang ang mga mata niya sa luha at bakas ang kasiyahan sa mukha niya. Pagkarating ko sa tabi niya ay binigay ko ang white rose sa kanya pagkatapos ay dahan-dahang lumuhod. Bumuhos ang mga luha niya ng makita ang singsing na hawak ko.
