+ Unang Kabanata +

108 9 2
                                    


"Calli, Ulric, hala magsi-gising na kayong dalawa! Naku unang araw niyo pa naman sa eskwela! Bangon na!" sigaw ni mama mula sa kusina.

Inaantok pa ako at ang gusto ko lang gawin ay pumulupot sa aking kumot at ibaon ang ulo ko sa malambot kong unan. Hmm... T-teka sabi ba ni mama andito si Ulric? Pagka-isip ko nun ay may bigla nalang akong naramdaman na may humahalik sa leeg ko.

"Ulric!!!" napabalikwas tuloy ako ng bangon, kasabay naman nun ang pagkakita ko sa ngumingising mukha ng best buddy ko na walang iba kundi si Ulric Hemmings. Ang walanghiya!

"Ulric naman! Sabi nang bawal ka ng matulog dito samin eh!" sabi ko sabay hampas ng unan sa mukha nya na parang may nakatatak na salitang "smug".

Nako naman! Umagang-umaga yang ngising yan agad ang nabungaran ko. Naglaho ang inis ko dito ng mapansin ko ang pasa nito sa gilid ng kanyang labi. Binugbog nanaman siya ng amain niya. Iyon ang dahilan para hayaan nalang siya ni mama na dito matulog.

"Gusto ko lang makasigurado na hindi tayo male-late ngayon." malamig na sabi nito sa akin habang palapit ng palapit ang mukha niya.

"H-hoy! A-anong ginagawa mo?!" siguro pulang-pula na ang mukha ko sa sobrang lapit niya. Miski ata paghinga niya ramdam ko na!

"L-lumayo ka nga!" pagtulak ko pa sa kanya. Pero parang wala namang nagawa iyon dahil inilagay pa niya ang dalawang kamay niya sa bewang ko.

*Tsup*

"Good morning Calli." matipid nitong bulong sa tenga ko sabay halik sa gilid nito.

Loading...

Loading...

Still loading...

"Nako Calli bumangon ka na dyan!" palala pa sa akin ni mama.

"O-opo mama! Wait lang!"

Talaga bang hinalikan niya ako?! Urgh! Lagot sa akin yun mamaya!

*****

"Wag ka ng magalit sakin Calli hmm?" paglalambing nanaman niya sa akin. Akala niya gagana yung mga pa-ganyan-ganyan niya!

"heh! Galit ako sayo!" pagsusungit ko pa kahit na acting lang. Hehe. Hindi ko ata kayang magalit kay Ulric ng matagal.

Tinitigan ko lang siya ng masama nang ipalupot niya ang kamay niya sa bewang ko.

"Calli ko... patawarin mo nako okay?" sabi nito sabay titig sa mata ko.

Aba titigan pala gusto nito ah.

Nitong mga nakaraang araw, bigla nalang akong nakakaramdam ng mga kuryente sa tuwing hinahawakan ni Ulric ang kamay ko. O kaya naman madikit lang ako sa kanya miski na kaunti bigla nalang magbabago yung aura niya. Hay! Naguguluhan nako! Idagdag mo pa yung pagiging malambing niya! Kailangan lagi dapat kaming magkasama, tapos gusto niya dapat daw magkahawak-kamay pa.

Para sa akin walang malisya doon dahil matagal na kaming magkakilala, pero grabe naman makapagtanong ang mga kaklase namin kung ano ba talagang 'meron' sa pagitan namin. Hindi ba't may pagka-kaibigan lang kami?

"Sige na! Sige na! Pero sa susunod na makita kong pumuslit ka ulit sa kwarto ko lagot ka na!" sabi ko pa sa seryosong boses ko at tinulak ng marahan ung noo niya gamit ang hintuturo ko.

Sa totoo lang, ok lang naman na matulog siya sa amin. Kaso nakatago kasi yung regalo ko sa kanya sa kwarto ko eh. Iyon pa namang lalaking iyon, minsan trip na mangialam ng gamit. Daig pa nga ang aso kung minsan eh! Amoy dito, amoy diyan. Ang bilis niyang makakutob na may something na fishy kaming hinahanda para sa birthday niya.

Oo, tama kayo ng dinig, birthday niya kasi sa susunod na linggo. At 20th birthday niya yun kaya naisipan kong surpresahin siya. Traditon na namin na magkaron ng kaunting salo-salo kapag magce-celebrate kami ng mga birthday namin pero sa tuwing ibibigay ko palang sa kanya yung regalo ko, mahuhulaan na niya agad! Ang weird 'no? Kaya ngayon iniba ko yung ire-regalo ko sa kanya. Kasi sa tuwing pagkain o kaya pabango, nahuhulaan niya agad! Sayang naman ang pagsurpresa ko sa kanya nun! Lagi nalang waley.

Kaya naman napagdesisyonan kong bracelet nalang ang surprise gift ko! Ang talino ko talaga! Tingnan lang natin kung mahulaan pa niya yun! Kinuntsamba ko pati ang mga kaibigan ko at si mama para maging sucessful ang birthday party niya. Aba effort din yun ah! Ganyan talaga kapag mag-bestfriend!

"Dalian na nga lang natin maglakad! Mamaya malate pa tayo eh." Sabi ko habang binilisan ang mga hakbang ko. Ang hirap naman kasing sumabay sa taong may mahahabang legs! Yung mabilis kong lakad, normal lang yun sa kanya. Hmp! Ang daya! Bakit ba kasi 5 flat lang ang height ko! Hindi man lang 5'5 o kaya 5'7, yung mga ganun. Tapos si Ulric, 6'5. Ang daya talaga! Aish!!!

"Sabi ko nga kasi sayo bubuhatin nalang kita. Aray!"

"Aba't talagang! Ngayon mo lang naisip yan kung kailan nasa tapat na tayo ng school! Ang lakas din ng tama mo 'no?" hampas dito, hampas dyan ang ginawa ko sa kanya.

"Aray naman!" daing nito habang umiilag sa mga hampas ko.

"Ahem! Ahhhehehem! Ang aga-aga nag-aaway nanaman kayong dalawa! First day na first day palang yan na ang pangbungad niyo!"

"May TB ka Jane? Ay! Este hi pala Jane! Huy mag-hi ka naman!" sabi ko kay Ulric habang siniko siya. Ni minsan hindi siya nakikipag-usap sa mga kaibigan ko. Lalo na kay Jane. Pano ba naman may crush yung tao sa kanya tapos hindi niya man lang pansinin.

"Di bale na Calli, alam mo naman yang bff mo, silent type masyado. Una na ko sa inyo, ok?"

"Ah sig--" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay nakita kong naglalakad na palayo si Jane sa amin. Di bale, ganun talaga yun. Kalahating maldita din yun eh. Ewan ko ba ba't ko naging kaibigan yun. Hahahaha joke lang!

"Layuan mo siya."

"Huh? Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Kaibigan ko si Jane, Ulric."

"Basta layuan mo siya." iyon lamang ang reply nito sa akin at nauna na itong maglakad.

Aba't! Akala nito hindi ko napapansin na kanina pa may nagwo-walk-out sa akin ah!

"Hoy Ulric hintayin mo naman ako!" sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon