Panimula

190 13 0
                                    

+Her Beast+

Sabi nila lahat daw ng tao ay may halimaw sa kanilang sarili. Depende lang daw iyon kung paano mo iyon haharapin, kung papaano mo iyon kokontrolin. Pero iba siya, iba si Ulric. Una kaming nagkita noong bumalik ang mga Hemmings galing probinsya. Dala-dala siya ng mag-asawa para ampunin. Noon, hindi ko pa alam yung sinasabi nila mama na ampon pero sa pagtagal ng panahon... naunawaan ko rin.

Nasa harap ako noon ng aming bakuran para pumitas ng bulaklak. Sabi ko pa, "Ibibigay ko ito kay mama para matuwa siya sa akin". Napatingin naman ako sa aming kapitbahay. Tuwing gabi lagi akong nakakarinig ng iyak ng bata doon.

Nakakatakot.

Pero kahit na ganoon, gusto ko siyang makilala. Gusto kong magkaroon ng bagong kaibigan. Oo nga! Pwede ko siyang maging kalaro!

Lumapit pa ako sa tapat ng bahay nila. Doon ko nakita ang isang batang lalaki na mas matanda sa akin ng isa o dalawang taon.

Unang beses ko palang makita ang pares ng itim na mata niya na nakasilip sa gitna ng mga kurtina, nalunod na ako ng husto dito. Ngunit hindi lang iyon ang aking napansin... sa paligid ng mga mata niya ay mayroong itim na kulay o kaya violet, pati rin sa gilid ng kanyang mga labi. Doon ko napagtanto na binubugbog siya ng mga Hemmings. Ngunit imbis na awa ang iparamdam ko sa kanya... naisip kong pasayahin nalang siya.

"Gusto mong makipaglaro sa akin?" Nakita ko namang kuminang ang mata nito sa sinabi ko.

Mula noon naging matalik na magkaibigan na kami. Pero sa bawat araw na magkasama kami... parang lalo siyang lumalala. Bata palang magkasama na kami at sabay pa kaming lumaki kaya nakakapagtataka ang mga pagbabago niya.

Nagsimula iyon nung nasa first grade kami. May kinagat siyang batang lalake, kaklase rin namin iyon, dahil binigyan ako nito ng bulaklak. Nakita ko kung paano magdugo yung braso ng bata pero sabi naman ni mama natural lang daw iyon sa mga lalaki na mag-away kaya binalewala ko nalang. Kaso naulit iyon nung nasa fourth grade kami. May gustong makipagkaibigan sa akin pero sabi ni Ulric na hindi lang daw pakikipagkaibigan ang habol nito. May gusto daw ito sa akin kaya dapat ko itong layuan.

Simula noon wala na akong naging kaibigan na lalake maliban sa kanya. Buti na nga lang at may naging kaibigan pa ako nung junior high school bagamat puro babae ito. Si Jane, Mae, at Ashen. Sila ang kasama ko mula sa pag-gala sa mall, pagtambay sa mga cafe, at kapag may gusto lang kaming pagtripan.

Lalo pang naging "over protective" sa akin si Ulric habang dumadaan ang mga araw. Sa tuwing may napapatingin lang sa akin na lalaki sa mall kapag kasama ko siya, bigla nalang niya itong sisinghalan. Ewan ko kung anong meron at nagiging ganoon ang ugali niya. Pero sa tingin ko dahil lang iyon sa malapit na kaming mag-senior highschool. Siguro nga iyon ang dahilan. Hindi ko alam. Hay~

Her BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon