Simula

27 3 2
                                    

Simula

Nag-aaral ako para sa exam namin this coming friday, kailangan malaki ang makuha kong score kasi nagpapataasan kami ng kaibigan ko ng score. Actually, pagod ako at wala sanang ganang mag-aral kaso hindi pwede, wala naman kasi akong superpowers na para kahit hindi ako mag-aral e may laman ang utak ko.

Habang nagbabasa ako ng notes ko ay bigla akong nauhaw. "Tsk! Walang laman ang tumbler ko bakit ba kasi lagi kong nakakalimutang lagyan!"

Chineck ko muna ang oras sa phone ko kung dapat pa ba akong lumabas ng kwarto pero for sure wala ng ilaw sa sala at kusina, 11:30pm na kaya siguradong pinatay na yun nila yaya.

Nilagay ko muna ang tumbler sa lamesa katabi ng notebook ko at bumalik ako sa pagbabasa pero... "Hayst! Bahala na nga!" Inis na inis kong dinampot ang tumbler at lumabas ng kwarto.

Papunta akong kusina pero napahinto ako sa may sala namin nang makita ko sila mama at papa na may iniinum na kakulay ng dugo. Nagtago ako sa malaking flower vase ni mama sa sala.

Naririnig ko ang usapan nila.

"Ano bang dapat nating gawin sa anak niya?" Pagtatanong ni papa kay mama.

"Ano ba dapat?"

"Buhay ang nakasalalay dito Mirna, at hinahanap na nila tayo."

Iyon lang ang narinig ko sa usapan nila dahil bigla na lamang silang nagtitigan at tumayo mula sa pagkakaupo nila sa sofa at pumunta na sa kanilang kwarto habang bitbit ang baso na may laman paring pulang likido.

_______________
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

⚠️: GRAMMATICAL ERROR and TYPOGRAPHICAL ERROR ahead‼️

The Killers Blood(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon