Kabanata 2

17 1 0
                                    


"Goodmorning po," bati ko sa gwardya ng Avila University, ngumiti naman si kuyang guard sa akin.

Naglalakad na ako papunta sa classroom nang may biglang nagsalita sa likuran ko. "Ang aga mo a," tanong pa nito kaya napalingon ako.

Si Mr. Avila.

"Clark, just call me clark," sambit niya na tila ba nabasa nito ang kung ano ang nasa isip ko.

Clark pala pangalan niya.

Clark Avila

Pero teka? Bakit kinakausap niya ako? Noong unay nakatingin ito sa akin. Oo, sigurado na akong nakatingin ito sa akin noong araw na iyon. Tapos ngayon kausap niya ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinabayan naman ako nito. Nang makapasok naman kami sa classroom ay umupo ito sa tabi ko.

"Teka, diyan kasi nakaupo ang kaibigan ko," sabi ko.

"Nako, ano kaba Mara, okay lang dito na ako sa likuran," biglang dumating si Shieree.

Tumingin ako kay Shieree at binigyan ko ito ng sure-ka look at tumango lang naman siya. Tsk! May pasabi pang hindi daw kami dapat maghiwalay, naku! Lalaki talaga kahinaan ng babaeng to.

Nagsimula na ang klase at pansin ko lang na nakikinig talagang mabuti itong si Clark sa klase. Tapos pansin ko ding mahaba pala ang pilik mata nito lalo na ang kanyang ilong tapos medyo singkit ang mata nito na bumagay sa ash brown nitong buhok tapos ang ganda ng labi niya tapos ang balat nito napakaputi tapos—

"Ms. Castaño!"

"Maam?" Gulat na gulat akong napatingin kay maam. Shocks!

"Alam naming gwapo si Mr. Avila, pero hindi ito rason para titigan mo siya at hindi makinig sa klase ko, Ms. Castaño!"

"Sorry po maam, hindi naman po kasi gan'on," napatingin ako sa mga kaklase ko at kakaiba na ang mga tingin nila sa akin. O ano? Gagawa nanaman kayo ng chismis? Hayst!

Napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan. Hindi naman kasi ganoon e. Hayst! Nakakahiya!!!

Sa canteen

"Hindi ko naman talaga siya tinitigan!" Paulit-ulit na tanggi ko kay Shieree.

Bumibili kami ng pagkain sabi niya mauna na akong um-order dahil pipili pa siya ng pagkain ako kasi palaging cake at coke minsan naman kung ano ang maisip ko iyon ang in-order ko si Shieree kasi daming arte, habang pimipili ito ng kakainin hindi tumigil ang bibig nito kakatanong kung bakit ko tinitigan si Clark, e hindi ko naman kasi talaga tinitigan iyong tao.

"May gusto kana nu?" Pangungulit nanaman niya. Um-order ako ng isang slice ng strawberry cake at isang coke in can. Kailangan ko ng sweets kasi na e stress ako na pinapalala nitong kausap ko.

"Tumahimik ka nga diyan!"

Pagkatapos naming bumili may nakasalubong kaming tatlong babae na papunta sa counter ng canteen lahat sila ay inirapan ako.

"Girls? Tumabi tayo kasi may linta tayong makakasalubong baka kasi sa atin dumikit, ewww!" Sabi nung isang babae na nasa gitna at sa palagay ko leader ito ng grupo nila.

Hindi namin ito pinansin at nilagpasan lang namin.

"Naku! Huwag mo ng pansinin mga 'yun Mara, kain na tayo."

Wala na, sirang-sira na ang image ko sa school. Alam kong marami na ang galit sa akin ngayon. Bakit ko ba kasi siya tinitigan? No! Hindi ko nga kasi siya tinitigan! Nakakainis naman oh!!!

Uwian

"Mara? Hindi kapa uuwi?" Pagtatanong ni Shieree. Matagal natapos ang klase namin at 6:30pm na kami pinauwi ng teacher namin, kinailangan kasi nitong habulin ang na missed naming topic dahil ilang araw din nawala si Sir.

"May kailangan kasi akong kuning libro sa library," sabi ko pa.

"Ganoon ba, hindi na kita masasamahan niyan text ng text na kasi sila mama sa akin, uwi na daw ako," sabi niya habang nalulungkot na nakatingin sa mga mata ko.

"Ano kaba, okay lang, uuwi din naman ako pagkatapos," sabi ko at ngumiti ako sa kanya.

"Sige, take care Mara, byebye!"

Nang makaalis na si Shieree ay naglakad na ako papunta ng library, 7:00pm kasi nagsasara ang library at may 5 minutes nalang ako para kuhanin ang librong kailangan ko. Pagpasok ko sa loob ng library ay unang sumalubong sa akin ang mga upuan at lamesa. Nasa kanang bahagi pa ang pwesto ng nagbabantay at ilang hakbang pa ang ginawa ko bago ako nakalapit dito. Pagkalapit na pagkalapit ko sa nagbabantay ay agad akong nagpaalam dito baka mamaya kasi bigla akong ma lock dito, kaya naman sinabi kong kukuha ako ng libro. Noong una ay ayaw pumayag ng nagbabantay dahil magsasara na daw siya pero sabi ko naman na mabilis lang ako at sa huli ay pumayag naman ito.

Habang tumitingin ako sa mga libro at hinahanap ang librong gusto kong basahin ay hindi ako mapakali, ito nanaman kasi iyong pakiramdam na may nakamasid sayo at tinitingnan ang mga bawat galaw mo. Maliwanag naman dito sa part na kinatatayuan ko pero doon sa pinaka dulong parte ay madilim na.

Bakit ba kasi andaming libro dito.

Bigla akong pinagpawisan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, naiihi ako na bumabaliktad ang sikmura.

"Nandito lang iyon e," bulong ko sa sarili ko para kahit papano ay mawala ang takot na nararamdaman ko. "ah! Ayun! Nakita ko na," sabi ko ulit at napabuntong hininga ako at pinaniwala ang sariling guni-guni ko lamang ito.

Bahagya akong yumuko at binasa ang nasa likod ng libro, sinisiguro ko kung tama ba itong libro na nakuha ko at nasiguro ko namang tama kaya paalis na ako sa kinatatayuan ko nang bigla akong mapaatras, may tao kasing naka hoodie jacket sa harap ko ngayon at hindi ko maaninag ang mukha nito. Isang metro ang layo nito mula sa akin.

Nakatayo lamang ito habang nakaharap sa akin.

"Kuya, magsasara...na kasi itong library at hindi...na pwedeng tumambay dito," kinausap ko ito nagbabakasakaling kausapin din ako nito. Bawal na kasi talagang tumambay dito.

Hindi ito sumagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Killers Blood(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon