Kabanata 1

17 2 2
                                    


"Hindi e parang dugo kasi talaga," sabi ko kay Shieree, kakatapos lang ng 3 subjects namin at recess time na.

"Hay naku! May exam pa tayo sa friday, inuuna mo pa talaga 'yan? Sige ka, baka gusto mo nalang magpatalo sakin," nakangiting sabi niya habang umiinom sa coke mismo na libre ko sakanya.

Occupied talaga ako sa mga nasaksihan ko kagabi.

"Hayst, oo nga pala may exam pa tayo," walang ganang sabi ko sa kanya at napabuntong hininga na lamang ako.

After namin sa canteen ay bumalik na kami sa classroom at nagulat kami dahil nagkakagulo ang mga kaklase namin. May chismiss nanaman ata.

Umupo kami ni Shieree, tabi kami ng upuan dahil sabi nga niya hindi kami pwedeng maghiwalay. Oo, mag jowa nga kami -_-

Nakakainis naman itong mga kaklase ko, tili kasi ng tili ano bang meron?

"Shieree? Alam mo na ba?" Pagtatanong ng isang kaklase namin kay Shieree.

Lumingon naman si Shieree at kinausap ang babae habang ako naman ay tumingin sa bintana at mula rito kita ko ang mga papasok palang na studyante at kita ko rin ang papaakyat na sinag ng araw. Ang ganda talaga ng napili kong pwesto.

Napangiti ako, pero agad naman itong nawala nang may nakaagaw ng pansin ko, isang lalaking hindi naka uniporme, at pakiramdam ko nakatingin ito sa akin.

"OMG! Nandito na siya!"

Gulat na gulat ako nang may biglang napasigaw at agad akong tumingin sa mga kaklase kong nag-uunahan sa bintana at iyong iba naman ay bumaba talaga ng classroom.

"Ano bang meron?" Tanong ko at nilingon ko si Shieree pero nagulantang ako dahil isa narin siya sa mga nag-uunahang studyanteng bumaba dito sa classroom.

So, ako nalang iyong walang alam sa nangyayari. Hala sige magsilabas kayo nang peaceful ang buhay ko dito -_-

Pumasok naman si maam at nagtanong sa akin. "Where's your classmates?"

"Hindi ko po alam maam," kasi wala po akong alam sa mga nangyayari.

"Okay, dito ka lang," sabi ni maam at lumabas ng classroom.

Habang mag-isa ako sa classroom ay bumalik nanaman sa isipan ko ang nangyari kagabi. Matagal na akong may pagdududa sa mga magulang ko, pagdududa na kung anak ba talaga nila ako. Mahal naman ako nila mama at papa pero pakiramdam ko may tinatago sila sakin.

Ilang oras na ang nakakalipas pero wala parin sila.

Pilitin ko man na hindi maging curious sa mga nangyayari ay napababa parin ako sa classroom para tingnan kung ano na ang nangyayari sa mundo kasi pati si maam hindi na bumalik.

Pagkababa ko kitang-kita ko ang kumpulan ng mga kaklase ko at may isang lalaking kausap si maam, kaya pala hindi siya nakabalik. Lumapit ako para dinig ko ang usapan nila.

"Thank you for choosing us Mr. Avila."

Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang ang kausap ni maam ay ang lalaking pakiramdam ko ay nakatingin sa akin kanina. Mr.Avila? Anak ba siya ng may-ari ng school?!

Ngumiti lamang ang lalaki kay maam at ni isang salita ay wala itong sinabi.

"Okay students go back to your respective classrooms now!"

Nagsibalikan na nga kami sa kanya-kanya naming mga classrooms. Umupo ulit kami ni Shieree at kinurot ko sya sakanyang tagiliran.

"Aray! Ano ba?" Pabulong na sabi niya.

"Bakit iniwan mo ko? Sabi mo—"

"Ssshhh, sorry na."

Tumahimik na kami dahil nasa harap na si maam at kasama ang anak ng may-ari ng school.  "Class, si Mr.Avila ay ang bagong studyante ng Avila University at dito sya sa section niyo mapapabilang and please be nice to Mr. Avila."

Uwian na

"Aacckkk! Ang swerte talaga natin," kinikilig sa sambit ni Shieree.

Hindi parin siya maka move on sa nangyari kanina nandito na kami sa bahay pero bukambibig niya padin ang anak ng may-ari ng school namin.

"Tingin mo Mara, bakit sya lumipat sa school natin?" Pagtatanong niya pa habang nakaupo sa kama ko.

"Bakit ako ang tinatanong mo?"

"Maldita agad? ...pero seryoso  Mara, hindi ka ba attracted sa kanya?"

Napaisip ako...

"Attracted? Sakanya? Nahihibang kana ba?"

"Hala grabe! Taas naman ng standards mo te!"

Hindi mataas ang standards ko hindi ko lang maintindihan kung bakit ganoon siya makatingin sa akin, may utang ba ako sa kanya na kailangan kong bayaran? Tapos wala akong ka alam alam sa utang na iyon? Grabe kasi makatingin parang mangangain.

"Wait, seriously Mara? Nanonood ka nanaman ng vampire movie?"

"Matulog kana ang ingay mo!"

-----------

I decided to published it now. I hope some of you will comment and give feedback about this chapter. Please support me💖 THANK YOU SO MUCH!💖

The Killers Blood(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon