CHAPTER 19

4 0 0
                                    

YOU AND ME FOREVER

CHAPTER 19

AYA'S POV

"Hi..." bati sa akin ni Luke paglabas ko ng building namin. My ever present driver.

Ngumiti naman ako. "Hello..." sagot ko naman. "Ano agenda for today?" tanong ko kay Luke. Naging routine ko nang tanungin iyon everytime susunduin ako ni Luke. Hindi na nga ako nago-overtime ngayon, pero late na din ako parati nauuwi ng bahay. Swerte na lang din siguro na puro small events lang ang meron kami. Madami pero kaya naman i-handle nang walang overtime.

Ang dami naming inaasikaso right now. Kumakausap kami ng mga possible clients para sa future company nila Rico and Jonathan. Then naghahanap na din kami ng office space, as well as looking for competent staffs. At the same time, going to hospital at night to be with Rico.

Laging kami ni Luke ang umaalis. Hindi iniiwan ni Jonathan si Rico na mag-isa sa hospital. As much as I want na magbantay, hindi ko kaya si Rico ng mag-isa lang ako. Ang laking lalaki pa din nun. Hindi ko sya kayang buhatin, tulungan umupo or lumakad.

Rico is getting weaker...

Kung noong una, hindi pa halata, ngayon kita na sa mukha nya. Hollowed eyes, and nangayayat na din sya. But still... Gwapo pa din.

"Rico told me that I have to enroll you on a driving school... Hindi ako agree, pero I think it is wise for you to learn how to drive... Sayang kasi yung car na bigay sayo ni Rico," biro ni Luke.

"Okay..." walang reklamong sagot ko.

I miss Rico... I miss his hugs, his kisses on my forehead. I miss Rico's laughter. Yung mga advices nya sa mga katangahan ko, pati na din yung panghahatak nya sa buhok ko. Nakakapag-usap pa din kami. Madalas pa din naman, pero alam mo yung pakiramdam ko, nagbibilin na sya. Lahat inaayos nya. Parang may hinahabol kaming oras.

"Can I ask for your opinion?" tanong ni Luke habang nasa byahe kami.

"Ano yun?" tanong ko agad.

Ngumiti muna sa kin si Luke bago nagsalita. "Medyo kino-convince kasi ako nila Rico and Jonathan na mag-model... Ano sa tingin mo?" tanong nya sa akin.

Na-touch naman ako kasi hiningi ni Luke ang opinion ko regarding sa ganitong decision sa buhay nya.

"Pano mga business mo?" tanong ko muna.

Nagkibit-balikat si Luke. "They can run on their own... I mean, I can manage them from afar. Swerte nga ako at ang gagaling ng mga staffs na nakuha ko. Balak kong gawing OIC pinsan ko..." sagot ni Luke.

Napangiti ako. "Ibig sabihin you are really considering it? I mean, gusto mo talagang pasukin ang modelling?" tanong ko.

Nagkibit balikat ulit ito. "It doesn't look that bad..." sagot nito.

I touched his arm. "Luke, kung magiging masaya ka sa pagmo-model, go lang... Wala naman problema dun. Pero kung ginagawa mo lang ito, kasi hindi ka makatanggi kina Rico at Jonathan, wag na lang. Maiintindihan ka nila kung tatanggi ka," payo ko.

Tumango-tango si Luke.

"I guess, magi-invest na lang din ako sa business nila. Magse-share ako... Para one of the board ako," sabi nito na may kasama pang kindat. Automatic kasi na one of the board din ako, since sa akin iiwan ni Rico lahat ng shares nya sa company.

Ngumiti ako. "Kung saan ka masaya, doon ka." sagot ko naman.

"Thank you for listening..." sabi ni Luke sabay kurot sa ilong ko.

Namula ako sa gesture nya. Hanggang ngayon... Affected pa din ako ng mga ganung gesture nya. "Ikaw pa?! Wala yun..." sagot ko naman.

Nang hindi na kumibo si Luke, nagkaroon ako ng chance na mag-isip, magmuni-muni sa mga nangyayari sa buhay ko. Less than a month, uuwi na si John from abroad. Nabalitaan ko kay Carla kanina na hindi na daw nag-renew si John to the disappointment of our big boss. Pero syempre igagalang nila ang decision ni John. They wouldn't put John in a tight position, kasi big asset si John sa company namin.

You and Me Forever (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon