CHAPTER 12

2 0 0
                                    

YOU AND ME FOREVER

CHAPTER 12

RICO'S POV

Bago pa tuluyang mag-hysterical si Aya sa mga pinagsasasabi ko, kinabig ko ito para bulungan sa tenga.

"Sumakay ka na lang... May nakikinig sa atin," sabi ko sa kanya.

Napansin ko kasi na may nagi-eaves drop sa usapan namin ni Aya. I saw John from the corner of my eye before ito magtago.

"Ano ba gusto mo mangyari Rico?" sabi ni Aya. I can already see the flash of understanding sa mga mata ni Aya. Alam na nito na he's up to something.

Napangiti ako. Safe ang sinabi ni Aya kanina. It will not give me away.

"Dati ko pa naman sinabi sayo how much I love you diba?" seryoso ang boses na sabi ko. Pinipigilan ko ang matawa. Lalo na sa expression ng mukha ni Aya. Nag-concentrate na lang ako sa fact na mahal ko naman talaga si Aya. Bilang kaibigan.

Maya-maya lang hindi na napigil ni Aya ang mapatawa. "Pano ko naman makakalimutan na mahal mo ako eh, lagi mo namang sinasabi sa akin. I love you too Rico..." sagot ni Aya.

Nawala lahat ng pretense ko. Noong una balak ko lang na may madinig si John na kakaiba sa aming dalawa. Pero dahil sa sinabi ni Aya, napangiti na talaga ako.

"Nandito lang ako everytime you need someone. Nandito lang ako para makinig sa lahat ng problema mo..." pangako ko sa kaibigan ko.

"Thank you..." bulong ni Aya and hugged me.

"I'm sure mas lalo ka na naman na-in love sa akin..." tudyo ko kay Aya sabay tirik ng mga mata ko at konting pilantik ng mga daliri.

At last, napatawa ko na din ng malakas si Aya. "Naka-ilang basted na kaya ako sayo. Nawawalan na ako ng pag-asa sayo. Grabe..." nakakunot ang noo na sabi ni Aya.

"Ayusin mo yang noo mo maaga kang magkaka-wrinkles," sabi ko sabay unat kunwari ng noo ni Aya.

Nawala na sa loob ko na nakikinig nga pala si John sa usapan namin. Pasimple kong sinilip kung saan huli kong nakita si John. I'm not sure kung nandoon pa din ito, pero sana hindi nya nakita kung paanong pumipilantik ang mga daliri ko. Hindi pa ako ready na i-share sa ibang tao ang sikreto ko.

JOHN'S POV

Dapat kanina pa ako umalis. Para hindi ko na nadinig pa lahat ng pinag-usapan nila Rico at Aya. Hindi naman ako masochist pero bakit ba pinakinggan ko pa lahat ng sasabihin ni Rico? Pati yung linya ni Aya na dati pa sya may gusto kay Rico.

Gusto kong magwala. Gusto ko ng away!

"Ano ginagawa mo dyan?" boses ni Lucas mula sa di kalayuan.

Just the right man.

"Ano pakialam mo?" pagalit agad na sagot ko.

Pero imbes na sumagot din ito ng pagalit, tinaasan lang ako nito ng kilay.

Dahil sa lakas ng boses naming dalawa, alam ko nakuha na din namin ang attention nina Rico at Aya. Kaya hindi na ako nagtaka ng from my peripheral vision, palapit na sila sa amin.

Badtrip!!! Di pa man ako nakakapag-umpisa manuyo, basted na ako...

"Ano ginagawa nyo dito?" tanong ni Rico.

I tried to count up to twenty para mapigilan ko ang sarili ko na sugurin at bugbugin si Rico.

I looked at Lucas. He is just staring at Aya and Rico.

What? Nadinig nya din ba ang usapan nila Aya at Rico? He's eaves dropping too?

"Pwede ko ba kayo makausap?" sabi ni Lucas.

Okay fine. Parang wala ako dito ngayon. Kung aalis si Lucas kasama sila Aya at Rico, sino hahamunin ko ng away ngayon?!

"May problema ba?" tanong ni Rico.

Ngumiti naman si Lucas. Which I find really weird. Considering kung nadinig nya man lahat ng pinag-usapan nila Aya at Rico, alam na nito ang sitwasyon. Kung saan kami dapat lumugar.

"I just wanted to know and clarify some things," sagot ni Lucas.

"Okay..." sabi ni Rico. Pagpayag nito sa kagustuhan ni Lucas na magkausap sila.

"I wanted to come too..." bigla kong nasabi ng iiwanan na nila ako.

"Why?" tanong ni Lucas.

"Don't I deserve to know kung wala na ba talaga akong pag-asa sa babaeng mahal ko?" full of bitterness na sabi ko.

I looked Aya straight in the eye. "Aya, mahal kita..." sabi ko. I know it's too late. Ngayon pa ba? Kung kailan wala na akong pag-asa? Kung kailan alam ko na na si Rico naman talaga ang mahal ni Aya?

Nakita kong gumuhit ang pagkalito at sakit sa mga mata ni Aya. She's very easy to read. Alam ko na she's upset at naguguluhan sa ngayon.

"John... Gusto kong maniwala... Gustong-gusto ko..." sabi ni Aya.

A surge of hope washes over me.

"Then please do believe me... Mahal kita Aya..." ulit ko pa. Baka kasi kulang pa.

Umiling-iling si Aya. Nagsisimula na naman mangilid ang luha.

"Tell me... Ano pa ba dapat kong gawin? Or may nagawa ba ako sayo para pagdudahan mo ako?" desperadong tanong ko.

Handa akong gawin kahit ano pa ang hilingin sa akin ni Aya. Handa kong harapin kahit anong pagsubok ang ipagawa nya sa akin.

Maya-maya biglang umakbay si Rico kay Aya. Nagdilim na lang agad ang paningin ko.

"Don't you dare touch her!" sigaw ko sabay suntok kay Rico.

"Rico!" tili ni Aya.

Wala na yata ako sa katinuan. Talagang susugurin ko pa ulit si Rico na bumagsak sa lakas ng suntok ko. Pero bago pa ako makalapit kay Rico naramdaman kong may nakahawak na sa akin. Nilingon ko si Lucas. "Bitawan mo ako kung hindi sasamain ka din sa kin!" bulyaw ko dito.

"Try me..." nanghahamon naman na sabi ni Lucas.

Nagpumiglas ako. Talagang ibibigay ko kay Lucas ang hinahanap nya.

Nanghina lang ako ng makita kong dinaluhan ng lumuluhang Aya si Rico. "Okay ka lang ba?" tanong nito habang hawak ang mukha nito.

Automatic na tumigil ang pagwawala ko. Bakit pa? Para saan ba at ginagawa ko ito? Para saan ang pagwawala ko? Makukuha ko ba ang pag-ibig ni Aya kapag nabugbog ko na si Rico?

Nang maramdaman ni Lucas na hindi na ako pumapalag, binitiwan na din nya ako.

"Pagod na din pala ako Aya... Ayoko na... Suko na ako..." sabi ko at tinalikuran ko na silang tatlo.

2

You and Me Forever (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon