CHAPTER 21

2 0 0
                                    

YOU AND ME FOREVER

CHAPTER 21

LUKE'S POV

When Aya lost her conciousness too after Rico died, tinawagan ko agad parents nya. Bukod sa mag-isa na lang ako to handle everything, hindi ko na din talaga alam ang gagawin ko. I need to be functional. Hindi ako dapat mag-panic. I called Jonathan's personal maid para may mag-asikaso dito habang inaayos ko lahat ng papers and bills para mailabas ko na ng hospital si Rico.

Before Rico died, I have this meetings with him para sa mga dapat ko gawin. He doesn't have any relative left. And he's quite certain that Jonathan and Aya won't be useful when his time comes. As much as mabigat dalahin sa dibdib ang mga ganitong pagbibilin, I listened. I have to do this for my friends. I have to do this one last time for Rico.

After calling Rico's lawyer, informing him about what happened, dumiretso na ako agad sa cashier. While I am at the cashier of the hospital, saka naman parang may nagva-vibrate sa bag na hawak ko. Sa kalituhan ko, hawak ko pa pala ang bag ni Aya.

I opened her bag and search for her phone.

John is calling.

"Hello John," sagot ko agad.

"Luke? Bakit hawak mo phone ni Aya?" sagot sa akin ni John.

I really have no time for this.

"Rico just passed away. I have lots of things to do. Bye," sabi ko sabay end agad ng call. Hindi ko na inantay kung ano pa man ang sasabihin ni John.

I am refusing to register the fact that John really do cares for Aya. Talagang sinusubukan nitong bumawi ngayon dito. After ng pang-iiwan nito and refusing to hear all the truths.

But... I won't deal with this matter now.

I promised Rico, inaasahan ako ni Rico sa ngayon. I need to function and not be crippled by the death of my friend, and the future possibility of losing the girl I love.

AYA'S POV

When I opened my eyes, medyo disoriented pa ako. Hindi ko alam kung nasaan ba ako. Ang galing ng brain ng tao. They automatically shuts down when you're under super emotional stress.

Ayokong isipin, but tears started flowing again.

"Anak, okay ka lang ba?" sabi ni Nanay mula sa kaliwa ko.

Nilingon ko sila ni Tatay na nakabakas sa mga mukha ang pag-aalala.

Hindi ako sumagot. Tahimik lang akong umiyak.

Tumayo mula sa kinauupuan nya si Nanay at niyakap ako. "Kaya mo yan anak... Nandito lang kami ni Tatay para sayo," bulong ni Nanay sa kin habang walang tigil ang patak ng luha ko.

Hindi ko alam kung paano pigilin ang luha ko. Ni hindi ko kayang banggitin ang pangalan ni Rico. I lost the only "sibling" I have.

"Si Luke po?" tanong ko ng pumasok sa isip ko ang lalaki.

"Madaming inaasikaso anak... Nawalan din daw kasi ng malay si Jonathan. Kaya sya lahat ang kumikilos..." sagot ni Tatay sa akin.

"Ganun po ba?" sabi ko habang pinapalis ko ang luha sa mukha ko. Umupo ako. "Teka, kailangan ni Luke ang tulong ko..." sabi ko at akmang bababa na ako sa kama.

"Saglit lang anak. Tawagin ko lang doctor para matingnan ka bago ka kumilos," sabi ni Tatay sabay tayo sa kinauupuan nito.

Hindi na ako tumutol. Hindi ko nga maalala na nawalan pala ako ng malay.

Pag-alis ni Tatay umupo na lang ulit si Nanay.

Nakatitig lang ito sa akin habang hawak ang kamay ko. Ganun naman talaga si Nanay. Hindi ito nangungulit kapag nakikitang malungkot ako. Pero hindi naman ito umaalis sa tabi ko. Pinaparamdam lang nya na kung kailangan ko ng makakausap, nasa tabi lang sya.

You and Me Forever (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon