4

896 32 6
                                    

VIC

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Nilibot ko ang mata ko, hindi ko talaga maalala kung kanino ito. Tiningnan ko ang bag na nasa tabi ng higaan, kumpleto ang laman. Malinis ang kwarto, walang kalat, ako ata ang kalat. 

Tiningnan ko ang phone ko, 8 AM palang pala. Walang text si Bang, hinahanap siguro ako non kaya di na nagawang mag text. Kailangan ko nang bumalik.

"Teka?" Kapa ko sa bulsa ko. "Asan wallet ko?" Inis kong saad.

Akala ko naman mabait, ninakawan pala ako! Aissssh.

Agad akong lumabas ng kwarto at nagulat sa aking nakita! Isang jersey ng Ateneo na naka frame at nakasabit sa hallway.

"Lazaro..." Hmm? Matinding fan ni Denden. Masabi nga sakanya to pag nagkita kami, matutuwa yon.

Naglakad lang ako hanggang marating ko ang hagdanan, sa hallway na yon puro mukha ni Denden. Obsessed ito, kaya siguro ako inuwi kasi ako ang isusunod! OMG.

Napahawak ako sa katawan ko. Jusko, sana'y mali ang iniisip ko!

Dali dali kong kinuha ang aking bag sa kwarto at lumabas din.

Okay... Tatakas ako! Baka kung ano pang mangyari sakin.

Nilingon ko ang bawat sulok ng ceiling.

Okay! Walang CCTV!

Dahan dahan akong bumaba ng hagdanan, naka tiptoe pa para intense. Lumilingon pa para sure! Nakita kong nakabukas ang isang malaking TV at sa ibaba noon ay mga picture naman ng ALE kaya naman ay nilapitan ko ito.

Nagtataka na talaga ako dito eh, fan ba talaga to o friend nila?

Nagukat ako sa isang sigaw na nagmula sa likod ko.

"Hoy, nanunuod ako! Wag kang tumambay dyan!"

Boses babae! Dahan dahan akong lumingon.

Di ko inaasahan to ah..

"Den.." Hiya kong saad.

DEN

Ang weirdo nitong si Vic, kanina ko pa nakikitang naglalakad sa itaas at mukhang di parin alam kung kaninong condo to. Natatawa ako. Ibinaling ko ang tingin ko sa TV ng saglit at lumingon ulit kung nasaan ang aking bisitang walang ka-alam alam kung kanino ito.

Aba, nawala. Natulog siguro ulet dahil alam na kung sino.

Naalala ko ang nakita ko sa wallet ni Vic, dapat 'di ko na pala ito tiningnan, di kasi akin yon baka isipin magnanakaw pa ako. asdfghjkl. Picture ng isang batang magkaakbay sa dagat at nakatalikod sa larawan. Nalungkot ako dahil naalala ko yung kababata ko. Asan na kaya yung bata na kasama ko sa pagtupad ng forever? Hihi.

Napatingin ako ule kay Vic, parang tanga talaga! Good vibes. Kung makikita niyo siya, dahan dahan pang pababa ng hagdanan at eto na siya ngayon. Sa harap ko, kapal ng mukha humarang pa! From nakahiga to nakaupo ako ngayon. Nanunuod ako eh!

"Vic.. Alis dyan, nanunuod ako." ABA! DI NAMAMANSIN!

"Victonara Galang, hoy." Last na tong susunod.

Inhale. Exhale. Okay ere na.

"Hoy, nanunuod ako! Wag kang tumambay dyan!"

Natawa ako ng mahina, aba'y nagulat. Parang di ako nakitang nakahiga sa sofa kanina.

"Den..." Hiyang hiyang saad niya.

"Ngayon ka pa nahihiya? Eh kung nakita mo lang sarili ko kagabi eh." Tawa kong saad.

I Choose You ( AraDen Fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon