3

1.1K 38 3
                                        

VIC

Ganon lang setup namin ng friends namin weekly. Hanggang pumasok na sa Med school si Den, actually pauwi na si LA ngayon. As usual, di present si Bang. Busy ata work.

Tahimik kaming naghihintay ni Den sa NAIA, 9 months nawala si LA at halata mo sa itsura ni Den na excited siya. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako ang kasama ni Dennise ngayon. Simple lang, mga busy ang mga friends niya. Pinagmukha pa akong driver, hay.

Nakakatuwang panuorin si Den, titingin sa phone sabay sa harap. Atat lang, haha! Eh 30 minutes earlier nga kami baka nga daw kasi mapaaga at nakakaawang maghintay si LA dahil nga daw pagod sa biyahe.

"Vic!" Tawag niya sakin. Naglalaro kasi ako ng phone kaya hindi ko siya natignan.

"Oh?" Patuloy parin ang paglalaro ko ng Flappy Bird. 

"Vic!" Yugyog niya sakin.

Ayan! Natalo tulooooy. Hay, 138 lang tuloy.

"Ayst! Natalo tuloy, ano bayon?" Inis kong saad.

Nakatingin lang siya sa direksyon ng mga paparating at nakaturo sa isang lalaking matangkad at mukhang may tinatawagan.

Si LA na pala yon...

Nakita ko namang tiningnan ni Den ang kanyang phone pero hindi ito nag ri-ring. Iba tinatawagan neto.

"Puntahan mo na siya, baka family tinatawagan." Nguso ko kay LA.

"Ikaw?" Tanong niya sakin. "Sige, dito nalang ako. Alam ko namang mag mo-moment pa kayo. Haha." At tuluyan nang naglaro.

DEN

Nakita ko na naman yung bata sa mall, coincidence. Di ko na pinansin, maliit lang naman ang Manila.

Sa totoo lang kanina pa kami naghihintay ni Vic, tagal. Kasalanan ko bang namiss ko ng sobra yung boyfriend ko? Bago niya sabihing uuwi siya hindi siya nagparamdam ng 1 week. AS IN. Tried calling him, everything. Wala talaga then yesterday he messaged me. Uuwi nga daw siya, I asked why biglaan? He said it's supposed to be a surprise pero bigo siya so ayon. I asked my friends, busy. No choice, I tried Vic. Since she couldn't resist me, pumayag siya.

Sa totoo lang kanina pa may naglalabasan, may mga foreigner pa nga eh. Di ko nakita kung naka land na ang plane. Paunti ng paunti ang mga taong lumalabas sa arriving area hanggang nakita ko siyang naglalakad at tumigil, kinuha niya ang phone niya. 

That's LA! Napangiti ako. I think tatawagan niya ako. Tiningnan ko phone ko, wala naman. Vic told me na iapproach ko nalang, baka family daw. Okay.

Naglakad ako patungo sa kinatatayuan ni LA.

"Sige, next week, Lo.........." Hindi ko narinig ang mga binigkas ni LA dahil sa announcer. Baka sila Tita nga lang.

Ngumiti ako bago siya tawagin.

"Baby.." Malambing kong sabi.

Lumingon siya ng dahan dahan at ngumiti sakin. Teka, may kulang eh.. Di ko lang ma figure out kung ano, basta. May kulang talaga.

Niyakap niya ako, yung mahigpit. Halatang namiss ako.

"I'm sorry." sabi niya.

Dahil siguro sa hindi niya pag pansin sakin ng halos isang linggo, pero sa tono ng kanyang pagbigkas ay parang may hihigit pa doon sa aking naiisip.

"Why sorry?" I asked at lalong humigpit ang yakap niya.

"Dahil don sa nakaraang araw."

"Ano ka ba." At kumalas na ako sa yakap. "Wala yun no."

I Choose You ( AraDen Fanfic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon