Ang araw na iyon ay isa sa mga pagkakataong naaawa ako sa sarili ko. Pangkaraniwan ang araw na iyon ngunit nagmistulang isang engradeng pagtatagpo ng kamalayang masalimuot at masaya. Sa kabila ng pagpigil ko sa sarili kong pagbigyan ang pakiramdam na matagal ko nang itinatago, hindi ko magawang ikatwiran sa sarili ko na normal lamang ang nararamdaman ko. Dahil hindi naman talaga normal na masaktan ka tapos sasabihin mong nakapag-move on ka na.
Graduation ceremony o mas kilala sa akademikong pook bilang Academic Convocation. Masaya ang araw na ito sapagkat magtatapos na rin ako mula sa putikang hindi ko lubos mapaniniwalaang lugar na lilisanin ko pa ng masaya. Napakarami nang pagkakataon na nasaktan, nadapa at nalungkot. Sabihin na ninyong mapait ao o bitter ako o di ako masaya. Aaminin ko naming hindi naman talaga ako masaya dahil puro lungkot naman ang ipinapaalala sa akin ng bawat sulok at lugar sa pamantasang ito.
Graduation ang araw na ito at masaya ako dahil lilisanin ko na rin ang ala-alang nabuo sa mga lugar dito. Graduation ngayon at masaya ako dahil malalayuan ko na rin ang mga bangungot ko. Graduation ngayon ngunit malungkot ako sapagkat iba na naming putikan ang lalanguyin at pagninilaynilayan ko. Ibang lugar at panibagong adjustment. Masaya at malungkot ang araw na ito. Simple lang. Dahil kay Nel...
BINABASA MO ANG
Babalik Kang Muli (Ang Unang Kwento)
RomanceGaano ba kasakit ang masaktan sa sitwasyong ang akala mo'y walang hanggan ay matatapos ng hindi inaasahan? Handa ka bang magmove on? Handa ka na bang humarap sa mundo at sabihing: "Ayos na ako."? Pagmasdan kung paano paiikutin ng mga pangyayari, ala...