Chapter 4~ I "Fell" for you

1.7K 21 1
                                    

—o—o—o—

Chapter 4: I "Fell" for You

Pumunta kami sa cafeteria afterwards at bumili lang kami ng C2. Inoffer ko na ako na ang magbayad sa drinks namin pero pinilit niyang siya na ang magbayad. Kaya, pumayag na ako at naglakad-lakad muna kami sa labas.

Tumingin ako sa langit habang umiinom ng iced tea. Hmm, mukhang uulan, nagdala kaya ako ng payong? Naiwan ko ang bag ko sa classroom eh.

"Nasabi sakin ni Szane na only child ka daw. Bakit? Hindi ka ba humihingi ng kapatid sa mommy mo? " tanong ko sa kanya.

"Bakit? Anong problema dun? At least solo ko ang mga gamit sa bahay, walang kaagaw." sagot niya sakin.

I nodded. "Fair point... Pero mas masaya kung may kapatid ka, may kalaro ka at may mauutusan kang kumuha ng mga gamit. Ang saya kaya."

"Oo nga..."

"Humingi ka na lang sa mommy mo kung gusto mo ng kapatid!" sabi ko sa kanya while chuckling at uminom.

Pumasok kami sa loob ng construction site ng zen garden.

Mayroon kasing nagdonate na scientist para matugunan ang flooding sa school, thus the zen garden and a lagoon.

I personally think that's a great thing kasi may attraction na sa school, only that hindi na babaha, which means may klase parin kahit umuulan pa from the night before.

Kung bakit kami pumapasok sa construction site, wala lang. Gusto lang namin makita ang improvement sa project. So far, paghukay palang ng lagoon ang natapos.

"Do you think maglalagay sila ng benches dito kapag natapos na ito? Mukhang magandang magbasa dito eh."sabi ko sa kanya habang tumitingin sa paligid. Maiimagine kong may bermuda grass at bridge sa gitna ng lagoon.

"Siguro, gagawin nga naman nila itong garden. Ano nga pala ang binabasa mo noon? You were always holding your book last school year. The blue one na may dalawang ulap. " tanong niya sa akin.

Oh so he noticed. "The Fault in our Stars yun, sinugest ng ate ko at naadik ako I guess."

"Bakit? Tungkol ba sa ano ang kwento?"

"Tungkol sa dalawang teenagers na may cancer, si Hazel Grace at si Augustus. Nagkakilala sila sa support group at naging close sila. Basically, romance siya at sobrang sakit sa feelings ng story, hindi ko nga ma-explain ang feelings ko.. Paano nga-" tumingin ako sa kanya nang napagtanto kong nagfafangirl naman ako. "Baka nababagot ka na sa kinukwento ko I'll stop..."

"No! Keep going, mukhang interesting eh. " ngumiti siya sakin at doon ko lang narealize na hawak na niya ang kamay ko. That smooth move though.

Hindi ko alam kung nakabasag ba ako ng salamin habang tumatawid ang itim na pusa sa harap ko noong friday the 13th o talagang inlababo lang ako nang natalisod ako sa edge at nahulog sa hukay. At since HHWW kami (a/n:uyyy kilig ang lola nyo teh!), nadala ko siya sa hukay.

We stopped falling and I opened my eyes to see I'm on top of Jared, pareho kaming gulat na gulat of course. Nanlaki ang mata namin nang nagtama ang tingin namin at naramdaman kong umiinit ang mukha ko habang si Jared ay namula ang taenga. Ang mga kamay ko ay nakalapat sa chest niya kaya ramdam ko ang fast heartbeat niya, which is oddly, syncing with my heartbeat. Yung parang magkasabay at in sync talaga...

"Oomf... Sorry," Sabi ko na medyo nahihiya. "I—i should get off..." I rolled off him at tried sitting up.

"Aray." simpleng sabi ko while sitting up. Si Jared, hinihimas-himas ang ulo niya. "Sorry! Okay ka lang, J?"

"I'm okay. How about you?" tanong niya sa akin habang tumatayo.

"I'm okay-shizzzz" I hissed when I moved my left leg. Tumingin ako sa paa ko at may malaking cut sa left leg. Dumudugo pa ito at mukhang medyo malalim at pinapaligiran ng putik. I think nabangga iyan sa ugat ng puno, o sa isang bato.

Lumapit si Jared at tinulungan niya akong tumayo. Meanwhile, hindi mapinta ang mukha ko sa sobrang sakit.

"Seriously?!" sigaw ko habang tumitingin sa ulap.

What could be worse? You may ask... Umulan. Umulan ng malakas kaya pareho kaming basa. At least nahugasan ng kaunti ang sugat ko.

He crouched down and examined my leg.

"Mukhang malalim. It needs pressure to stop bleeding,  and since wala akong dalang panyo..." He says, standing up and unbottoning his shirt. Napakagat ako sa labi.

Oh... my... Gosh... Naghuhubad siya! Makikita ko ang abs niya!!!!

Parang hindi ko kaya, ang bilis kasi ng tibok ng puso ko. Kung boombox ang puso ko, full volume ito at full on rock song pa siguro ang tumutugtog. Teka sasabog ang puso ko!

Hinubad niya ang shirt siya at muntik na akong napasigaw. Almost... But then nakita kong nakasuot siya ng sando.

"Oh." sabi ko sa sarili ko. Paasa talaga si Jared, akala ko makikita ko na, may suot na sando pa pala. =_=

He wraps the shirt on my leg to stop the bleeding.

Sure, mahapdi. Kaya impulse ko na yumuko sa sugat ko. Eh sakto namang tumingin sakin si Jared.

Anong nangyari? We kissed.

Nagkatapat ang labi namin for a few seconds, our eyes wide open in shock. Then his eyes started to flutter close and I did the same.

But not long after he pulled back. Pulang pula ang neck at ears niya habang tinatalian ang paa ko at feeling ko naman sobrang init ng mukha ko.

Does this mean he loves me?

—o—o—o—

Si Torpe at Si FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon