Unang Yugto

4 0 0
                                    

Ang Kumukupas na Tinta

i. Filipina woman

‘The early sun is in the discovery of the earlier handiworks of cobblestones and rice fields.’

Ang pagbubuyo ng manunulat sa literatura ay hirang sa nasyon.
Ang pluma ng bayan na noo'y pahirapan at ngayo'y limbag ay nagbigay-sinag sa kalayaan.
ang pagkilala ng babae sa karunungan ay umagos ang pagkamalikhain na magbigay-lugod sa bayan.
Itinatangi sa estratehiya ng pag-katha sa iisang dayuhan na nagliliwaliw sa bansa.
Pinanggalingan ang pamilyang angkan sa kahirapan na ngayo'y kinilala sa kanyang espada.

Ang bagsik ng pluma'y ’di matutumbasan ng espada.

Nakaulat ang maong tula sa talaarawan ng isang dayuhan.

Unang Yugto

"Ang aking libingan ay naghihintay sa akin, ang aking mga mata ay lumabo at nawala ang liwanag ng araw. Naalala ko ang kamatayan na kinatatakutan ko.

Binibigkas ng labi ko na;

Iuwi mo ako. "

- Lucine

Maraming taon na ang nakalilipas, ang pag-ibig ay nawalan ng anumang bakas. Hindi ba at kalugod-lugod na naisulat ko ang aking protagonista na nasa publisidad na. May mga kopya na din sa aklat ko at tumatanyag ang pangalan ko.

Pinanganak ako sa pangalan na Heidi Serafia Esmeraldo at nabubuhay sa piling ng aking ina. Nag-aaral ako ng kasaysayan at pamamahayag sa Instituto de San Claveria, na may kalumaan na at tinatanging baroque ang estilo nito. Itinanyag ang unibersidad na nagtuturo din sila ng doktrinang Kristiyanismo.

Sa kasalukuyan ay nakatitig ako sa isang obra ng Spoliarium na hinahangaan kong Filipino artist na si Juan Luna. Nakahandusay ang gladiator na naghihingalo habang hinihila ng Romanong kawal.

Pagkatapos ay pinagmamasid ko pa ang iba pang mga obra sa loob ng mga prodigious artist. Nakakagiliw ang mag-isa sa oportunidad na matatalos ko pa ang sarili.

Pagkatapos ko magmasid ay nagtungo na din ako sa labas nang mapagtanto kung gaano kaganda ang mga kuwadro na mga gawa nila.

Napapansin ko ang bangko na hindi okupado kaya umupo muna ako sa at kinukuha ang sulatan. 


"Many years ago, the adust love leaves no trace and found herself drowning with her proses," pagbigkas ko habang nag-iisip at kinakain ang ulo ng pluma.

Masasabi kong isa akong dark academic dahil sa mala-prosa na mga katha. Siya ay umiibig sa mga  obra na nasa loob ng museo at sa architectural na disenyo ng mga Cathedral. Pinupuri ko ang mga angking talento noon na hanggang ngayon ay nabubuhay pa.

Itinulak ko ang sleeves hanggang sa siko para komportable ang pagsusulat ko. Nagbihis ako ng may kahinhinan at angkop sa paningin ng mga nakakatanda. Isang dilaw na bulaklak sa likod ng aking tainga ang nakapagpahalimuyak at nakasuot ako ng ngiti. Itinuring
ko pa din ang sarili na matalino kahit na hindi ako naging estudyanteng may karangalan sa unibersidad.

Hindi sila maaaring magsulat tulad ko sa maging patula. Hindi din sila makaguhit ng balangkas na sa isang tingin pa lang memoryado ko ang arkitektura. Lahat tayo ay naiiba sa ating espesyal na larangan at libangan. Ang adhikain ko ay makilala sa aking mga gawa bilang manunulat ng nobela. Marami akong draft na nakasalansan sa kuwarto.

Isinulat ko ang lahat ng dapat malaman tungkol sa isang kuwadro ng Spoliarium. Maihahalintulad ako sa aking Lucine na sinulat ko na kung nahuhumaling ay parang dugtong ng buhay, na kung wala na ang pag-asa'y di na mahahanap pa.

Ganun nga ba ang dulot ng pag-ibig?

Sa gitna ng pagsusulat ko ay may sinag na dumampi sa mga mata. Nakasuot ng sombrero ang lalaki at mukhang dayo sa distrito.

Mailalarawan ko sa hulma ng lalaking ito na matangkad ang pangangatawan at matangos ang ilong. 

Nakakuwintas ang kodak nito na animo naglalakbay na tungkulin ang pagdodokumentaryo.

Paano kung isa siyang espiya?

Huminto ako sa pagsusulat at nilapitan ang lalaki na may makisig na pangangatawan.


"Paumanhin, Ginoo..." bigkas ko kahit hindi niya ako maiintindihan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Luwalhating KalayaanWhere stories live. Discover now