Huminga ako ng malalim at muling ibinalik ang tingin ko sa hawak kong reviewer. It's Friday. Huling araw para sa linggong ito kaya yun nalang ang inisip ko para ipagpatuloy ang pagrereview.
"Grabe, ang dami! Hindi naman siya pumapasok tapos ganito karami coverage ng exam!" Galit na ibinato ni Lisa ang kanyang reviewer bago dumukdok sa lamesa.
"Self study at its finest!" Zel exclaimed.
Napailing nalang ako. Ang stressful ng week na ito para sa amin dahil next week ay midterms na kaya ngayong week siniksik lahat ng activities and quizzes. Mabuti nalang at mauuna na magbigay ng midterm exam ang isa naming minor subject. Ayaw niya raw sumabay next week pero ang haba naman ng coverage niya.
Maya-maya ay pumasok na ang Prof namin. Sinigurado niya muna na naka-one seat apart ang aming upuan bago siya nagsimulang magpamigay ng test booklet at answer sheet.
Nagfocus ako sa pagsasagot. Laking pasalamat ko noong madali ko naalala ang mga nireview ko kaya masasabi ko na di ako nahirapan sa pagsasagot.
Pagkatapos ko ay agad akong lumabas sa classroom. Dahil tapos na ang klase ay agad akong dumiretso sa office. Pagkadating ko doon ay naabutan ko si Sean na nakaupo sa harap ng table ko. Napabaling siya sa direksyon ko bago siya ngumiti.
"Hi, Mayrill!" Masigla niyang bati.
Sinimangutan ko siya. Umupo ako sa swivel chair bago ilapag ang bag ko sa table.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Pinapakuha ni Sir Egay ang leave form niya. Papipirmahan ko na kay Sir Marlon. Siya raw ang OIC ni VP Theo." Saad niya.
Hindi ko na siya tinignan at agad ko na ibinigay sa kanya ang leave form. So that explains why this past few days ay walang dumadating na mga papers dito. Si Sir Marlon pala ang OIC.
"Thanks!" He winked before he go.
Kinilabutan ako. Mga lalaki talaga. Pare-parehong pa-cute. Pero kapag nanloko na mga wala na bayag.
"Mukhang trip ka nung S.A na yun, Seline" Biglang sabi ni Joan na abala pakikipag videocall sa kanyang boyfriend. Mabuti nalang talaga at wala ang mga clerk dito kung hindi ay pagagalitan ito.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ramdam ko rin. Pero syempre dapat dedma kunwari. Para di halata na marupok ka." Pabiro kong sagot.
"Cute naman ah? Malaki ang pagkakahawig niya kay Pablo Kaestli!" Ani Joan.
Well, marahil siguro sa maputi nitong kulay. Yung tangkad at kulot na buhok. Kaya hawig nga sila noong si Pablo Kaestli. But I'm done with those bullshits of men. We can't expect them to be our real life fantasm where they are good enough. That seems so ideal. Malabong mayroon sa totoong buhay. Well, maliban nalang kung siya talaga ang inilaan sayo ng tadhana. Pero sa ngayon, alam kong nasa maling tao pa rin ang mamahalin ko. At ako naman ay dadaan din muna sa mga maling tao. Para kapag nagtagpo na kami, pareho na kaming handa. Parehong pinatibay na ng mga pagsubok at aral mula sa mga nakaraan. Nakatutuwang isipin, pero sa ngayon ayoko muna.
---
Saturday ang bed rest ko. Alam nila mama iyon kaya kapag sabado ay hindi nila ako ginigulo sa kwarto. Well, deserve ko naman ito dahil sobrang stressful ng nakaraang week.
Malakas ang ulan sa labas. Cuddle weather daw kung maituturing. Bed weather naman ang para sa akin.
Nagbalot ako sa kumot. Sinilip ako nila Mama at sinabing aalis sila at pupunta kay Tito. Hindi ako sumama kaya ako lang ang naiwang mag-isa dito. Ayokong magluto kaya nag-order lang ako ng pagkain. Maya-maya ay may kumatok na sa pinto. Mukhang iyon na ang inorder ko.