5

146 16 5
                                    


"Tangina ka, Thorion! Ginawa mo iyon?"

Tila hindi ata maubos ang pagkain namin dahil sa kwentuhan.

"Oo. Ang cute kasi nung maliit na plate doon. Kasya naman sa bag kaya inuwi ko na. May mga kutsara na nga rin ako ng Mcdo at Mang Inasal, e. Parang kakaibang souvenir sa mga pinupuntahan ko!" Natatawa niyang sabi.

Hindi ko inakalang ganito pala si Thorion sa kabilang banda. I mean, he was so intimidating tuwing nakikita ko siya sa shoots. Pero ang kausap ko na Thorion ngayon ay tila ba ang kanyang alter ego. Nakatutuwang isipin.

We finished our food at sabay kami na naglakad palabas ng campus. Habang naglalakad ay ganoon pa rin kami. Tuloy tuloy pa rin ang mga kwento niya. Natutuwa naman ako dahil doon. Atleast, nakilala ko na ang other self ni Thorion.

Nakarating na kami sa Terminal. Humarap ako sa kanya para magpaalam. Nakita ko siya na tila ba may hinahanap sa kanyang bag kaya nagtaka ako.

"Anong hinahanap mo? May naiwan ka ba?" Tanong ko.

Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy sa paghahanap sa bag niya. Maya maya pa ay nakita ko siya ngumiti.

"There!" Saad niya.

Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at may nilagay doon.

"Suotin mo 'yan. Mukhang bagay kasi sayo. Mag-ingat pauwi!" Saad niya bago naunang sumakay sa jeep.

Sandali akong natulala habang tinignan siya na naglalaho noong umalis na ang jeep na sinakyan niya. Tinignan ko ang kamay ko. It's a moon necklace. A crescent diamond moon necklace. Sa likod nito ay may nakaukit. Hindi ko mabasa. Mukhang baybayin ito.

--

"Seline, wala na ang lola mo.."

Nang makapasok ako sa bahay ay iyan agad ang bungad sa akin ni Mama pagkauwi ko noong araw na binigay sa akin ni Thorion ang moon necklace. Hindi ko alam pero parang biglang naglaho ang lahat. Wala na si Mommy. Wala ba ang taong ibinuhos ang halos buong buhay niya sa amin ni Mama at ng dalawa kong kapatid. Wala na siya pero hindi kayo binigyan ng pagkakataon na maalagaan at makita siya sa mga huling sandali niya. Masyadong masakit ang pagkawala ni Mommy. Lalo para sa akin dahil sa aming magkakapatid, ako ang pinakamalapit sa kanya. Noong huling uwi niya dito sa Pilipinas ay iyon na pala ang huli niyang uwi.

"Mommy, sabi niyo babalik kayo? Bakit po ganon? One way trip lang po ba ang ticket niyo?"

Naririto ako sa kanyang puntod. Matagal din bago naiuwi ang kanyang labi. Ngunit abo na siya noong muli namin siyang nayakap.

Nagdesisyon si Mama na ibaon sa lupa ang kanyang abo. Dahil iyon din ang gusto ni Mommy na mangyari noon.

"Cremate ang gusto ko. Pero wag niyo ilagay dito sa bahay ang abo ko. Gusto niyo ba ako nakikita pinanonood ko mga kagaguhan niyo?" Pabiro niyang sabi.

Muli ay napaiyak ako. Ang mga alaala at mga huling payo niya sa akin ay muling bumuhos. Sigurado akong disappointed siya sa akin ngayon dahil nakikita niya na ganito ako. Na nagpapagago lang sa mga tao. Na iba pala ang Seline na kaharap niya noon sa Seline nakatitig ngayon sa kanyang puntod.

Kalalabas ko lang galing School. Madalas akong bumibisita dito after class. Tatlong buwan ko na itong ginagawa. Pero may parte pa rin sa akin na hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.

Inayos ko ang bulaklak at sinindihan ang kandila. Inilapag ko ang gamit ko at naupo sa gilid ng kanyang puntod. Karaniwan akong nagkukwento dito ng mga nangyari sa akin sa loob ng isang araw. Nasanay na ako sa ganito dahil hindi naman ako palakaibigan. Mas gusto ko i-enjoy ang sarili ko. Other people will only take away everything in me. Mas mabuti na yung ganito.

Maya-maya ay naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa aking bulsa. Tawag iyon mula kay Sir Art, ang aking handler.

"Hello po?" Bungad ko.

"Seline! Nasaan ka na ba? Nandito na ako sa studio. Nandito na rin si Thorion. Bakit ba hindi ko namin matawagan kanina?" Tuloy-tuloy at natataranta niyang sabi.

I sigh. "Papunta na po ako. Late lang po ako nakalabas sa School. See you po!"

Pinatay ko na ang tawag at inayos ang sarili ko pagkatapos ay naglakad na palabas ng sementeryo.

Nitong mga nakalipas na buwan ay naging mas malapit kami ni Thorion. Madalas din kami nagsh-shoot ng magkasama. Kapag nasa School naman ay hihintayin niya ako matapos sa duty at sabay na kakain sa aming paboritong kainan. I see him as a friend. A companion. But not someone I can trust with. I enjoy his company. Pero hindi ako nagkukwento o nag-oopen ng mga personal na bagay. Wala naman akong balak na magtiwala sa kahit sino. They will just break it. And then, anong mangyayari sa akin? Magpapawasak ako sa kanila? No way.

Abala ako sa pag-iisip kaya hindi ko napansin na may sumusunod na pala sa akin. Nararamdaman ko lang ang bawat hakbang niya mula sa aking likod. Mas binilisan ko ang lakad. Hinugot ko ang maliit na kutsilyo na lagi ko dala.

Mas papalapit ang kanyang hakbang kaya tumakbo na ako. Naramdaman ko na tumakbo rin siya. Ayoko lumingon dahil baka kung ano pa ang mangyari. Tumakbo lang ako nang tumakbo.

Medyo nasa looban ang sementeryo kaya isang malawak na na kalsada pa na may palayan sa magkabilang gilid ang kailangan ko takbuhin. Ayoko mag-panic kaya tumakbo lang ako nang tumakbo. Ngunit noong naramdaman ko na nahablot na niya ang aking braso ay doon na nagsimulang gumapang ang matinding kaba sa akin. Agad ko siya sinipa sa kanyang private part at isinaksak ang kutsilyo ko sa kanyang kamay. Ngunit napapikit ako noong ginawa ko iyon.

"What the fuck, Mayrill!"

Pagkabigkas niya ng Mayrill ay isang tao lang ang pumasok sa aking isip. Napadilat ako ng dahil doon. Nakita ko siya. Nakasuot ng black na hoodie at may dalang itim na bag. Hawak niya ngayon ang kanyang kaliwang kamay na nagdudugo na dahil nasaksak ko. Kitang kita ko sa mukha niya ang galit. Napaatras ako dahil doon.

"I-- I'm sorry!" Nanginginig kong sabi.

Walang kahirap-hirap niya inalis ang kutsilyo sa kanyang kamay. Parang hindi siya nasaktan doon pero mas dumami ang dugo dahil sa ginawa niya. Ibinato niya ang kutsilyo sa palayan at dahan-dahan na naglakad papalapit sa akin.

"Bakit mo ako sinaksak? Sasabihin ko lang naman sayo na may tagos ang palda mo!" Galit niyang sabi.

Napalingon ako sa likod para makita kung may tagos nga. And, shit! Mayroon nga!

Nahiya ako dahil doon kaya napayuko ako.

"Hindi mo naman kasi ako tinawag agad! Akala ko masamang tao ka!" Sigaw ko bigla.

Kung tinawag niya agad ako at hindi ako sinundan ng ganoon baka hindi ko siya nasaksak! Pero hindi. Ang pagsunod niya sa akin ay nagdulot ng kaba!

Katapat ko na. Tumingala ako dahil mas matangkad siya sa akin. He coldly stares at me. Kinabahan ako lalo.

"Kailangan ko na umalis dahil may shoot pa ako. I'm sorry!"

Hahakbang palang ako papalayo ay hinawakan niya agad ang aking braso. Madiin ang pagkakahawak. Nasasaktan ako!

"Ganyan ka ba? Sinaksak mo lang naman ako tapos aalis ka agad?" Napailing siya sabay taas ng kilay.

What the fuck?

I rolled my eyes. "That's natural. Tinakot mo ako at malamang ay iyon ang gagawin ko!"

Umiling siya at mas hinigpitan ang hawak niya sa akin. Tumingin ako sa mga mata niya. Nakatatakot ang mga titig niya. Hindi ko na alam kung saan ko pa pwede isilid ang matinding kaba ko. Damn, Seline. Anong ginawa mo?

"You'll pay for this." Saad niya sabay hila sa akin.

Take Me To The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon