4

289 21 8
                                    

"Seline! Nakita mo ba yung bagong S.A sa President's Office? Ang pogi!"

Pagkadating na pagkadating ni Joan galing Pres Office ay iyon ang kanyang bukambibig. Siya kasi ang pinagdala ko doon ng isang rush document dahil doon ang Office ni Sir Marlon. Habang ako abala sa pag-cocompile ng mga transmitted documents.

Umiling ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Hindi pa. Bakit may bago? Wala na ba yung dati nila?" Tanong ko.

Umupo siya sa harapan ng table ko at pumalumbaba. Kilig na kilig pa rin ang kanyang mukha. Natawa ako dahil doon. Parang ewan lang, e.

"Lalaki kasi ang gusto ni Sir Marlon kaya ayun. Grabe! Hawig niya si Leonardo DiCaprio!"

Pagkasabi niya ay agad akong napahinto at napatingin sa kanya. The fuck? Si Thorion agad ang pumasok sa isip ko. Pero imposible dahil di ko naman siya nakikita dito sa School dati pa. Tsaka, mukha siyang mayaman kaya sigurado ako na sa malaking University siya nag-aaral. Malabong malabo. Pero teka, bakit ba naisip ko si Thorion?

I ignored Joan to focus on what I am doing. Although, she keeps on telling me about how cute that new student assistant is.

Ma'am Wendy called, at sinabi niya na pumunta ako sa Pres Office para kunin ang Travel order nila at pa-lagyan ito ng number. Iniwan ko muna si Joan sa office dahil mukhang matatagalan ako. Ang alam ko kasi, may University meeting ngayon. Ang lahat ng Staffs at Admins ay kasali. Baka kailangan ko pa hanapin si Ma'am Eunice dahil nasa kanya raw ang travel order nila Ma'am Wendy.

Kalahating oras na ako naglilibot dahil magkakaiba sila ng sinasabi kung saan ginaganap ang meeting. Lahat na ata ng AVR sa bawat Colleges ay napuntahan ko na ngunit wala naman sila doon. Naupo muna ako sa bench sa harap ng Dean's Office dito sa College of Nursing. Nakaramdam na ako ng pananakit ng paa dahil wedge pa naman ang suot ko ngayon at kanina pa ako palakad-lakad.

Hinihilot ko ang paa ko ng may nakita akong lalaking nakatayo sa harapan ko. Tumingala ako para makita siya. Nakasuot siya ng asul na lab gown at face mask. Napailing siya bago niya alisin ang face mask niya.

Tangina?

"Seline!" Masaya niyang sabi.

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko para umalis. Ngunit nahuli niya ang kamay ko. Pumungay ang kanyang mga mata noong nagtama ang paningin namin. Tila ba nagtataka siya kung bakit ko iyon ginawa kaya agad din akong nag-iwas ng tingin. Nakaramdam ako ng tensyon. Sweats are flowing over me. My handa are trembling because of thia very familiar feeling. The fuck, Seline?

"Dito ka pala, Thorion.." Mahina kong sabi.

Ngumiti siya. Tanginang ngiti iyan? Bakit ang gwapo?

"Yes. Ngayon lang tayo nagkita dito?" Tanong niya.

Gusto ko sabihin na 'Don't state the obvious. Malamang ngayon lang. Magtataka ba ako ng ganito kung dati pa?'. But I erased the thought. Wag ka magsungit, Seline.

Ngumiti nalang din ako at hinawi ang iilang piraso ng buhok na nakaharang na sa aking mga mata.

"Yes.." Iyon lang ang nasabi ko.

Tumango siya. Nagpaalam siya na ibabalik niya lang daw ang lab gown niya. Kinuha ko itong pagkakataon para makaalis at takasan siya. Hinanap ako ang mabilis na daan para makaalis sa building nila ngunit nakasalubong ko pa rin siya sa hagdan.

"May tinakbuhan ka ba sa itaas? Bakit parang nagmamadali ka?" Tanong niya.

Napahinto nanaman ako at nag-isip ng sasabihin. Hindi ko maaaring sabihin na siya ang iniiwasan ko kaya gusto ko agad makaalis dito. Shit.

Take Me To The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon