Beats For You

1 0 0
                                    

*beep*

One message received

Binuksan ko agad yung message na galing kay Nicko. Tss. Kaasar tong lalaking 'to. Paulit-ulit nalang ang mga tanong. Kagaya ng
- 'Wud?' /What ur doing?
- Hi Den
-Aah
-Oo .
-Remember me?
Etc.

Ganyan ang matitino na ka texts. Hayy. Basahin ko na nga.

From: Nicko MyLife (Wag ka! Sya nag edit nyan kaya yaan nyo nalang baka umiyak.)

Hi Den'2 qoeh! -3-

#Pm

--

Di ko muna pinansin dahil nag fu-fucos pa ako sa paglalaro ng COC. Oo! Clash Of Clans. Tao lang ako kaya natural na maglaro nyan since may free wifi sa kapitbahay. Haha. Akin pala.

·····

*Tiktilaok* *Tiktilaok*

Nagising nalang ako sa ringtone ng phone. Aish. Alas dyes na ng gabi! Tumatawag pa. Agad ko namang sinagot ng walang tingin tingin kung sino ang caller. Pero alam ko ang oras.

Answer>>>>>

[Hello Denny]

O_O? S-si Liam. Ayie. Kapatid yan ni Nicko. Bakit kaya bigla bigla ang pagtawag nito? Malay ko ba? Aherm.

"Oh? Bakit napatawag ka Liam?"

[Bilisan mo Den. Pumunta ka dito sa park. Bilis. Pagsisihan mo to pag di ka makapunta.[

*toot* toot*

Aish. Yun lang ba ang sadya nya sakin? O may iba pa? Teka nga muna! Wag nyo sabihing magpo-propose na sya sakin kaya nya ako pinapapunta don? Owwwh-! #KiligToTheBones

Dali dali akong nag bihis ng dress kaso bike lang gagamitin ko so ang pares ay dull shoes nalang.

Habang nag da-drive ako, may biglang sumasagi sa isip kong mga pangyayari kaso masyadong blured. Kaya sa tingin ko , baka mga alaala lang ang mga yun noong bata pa ako.

Isang bagay din ang nakakainis! Yung tipong sasakit ang ulo ko pag sumasagi sa isip ko ang mga yun at nangingibabaw ang boses ng isang lalaki na hindi ko matukoy-tukoy.

Ito ba ay dahilan nung sinasabi nilang aksidente limang buwan na ang nakaraan? Maaari nga. Dahil paminsan-minsan ay may pumupunta sa bahay namin na private dr. at may binibigay na mga gamot. Pinipigilan ko naman ang sarili ko na magtanong kay monmy kung ano ba ang sakit ko. Wala naman atang magulang ang gagawa ng ikasasama ng kanilang mga anak dba? Or nagka amnesia ako? Wee di nga? Masyadong malabo.

-- Narating ko na agad ang park eksaktong 10:45 ng gabi. Di naman madilim kasi may mga ilaw.

Nasa si malayong banda, makikita ang isang pamilyar na pigura. Si Nicko. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya habang palinga-linga sa paligid.

Tss. Asan na ba yun?

"Hi Denden ko! Kumusta?" mapa text man o personalan, pare-pareho lang ang salita.

"Okay lang. Aish. Asan na ba yun?" sagot ko habang patuloy pa rin sa pag lilibot ng tingin sa paligid.

"Sino ba hinahanap mo?"

Nasan na ba si Liam. Tatawag tawag tapos ibang tao ang nandito.

"Si Mr. Right!"

"Andito na naman ako sa harap mo dba? Haha."

"Hindi ikaw. Ano kaba!" May pagka feeler din tong isang to eh.

Beats For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon