Kasagutan

1.7K 74 23
                                    

Eto na ang sagot ni Jongdae sa inyong mga katungan ehem. Goodluck sa inyo. Hahaha. Sana walang ma-offend, ha? ;___; wag po kayong ma-ooffend kung may masasabi akong nakaka-offend. Hehehe.


@mhyrrfaithkim : Jongdae, bakit hindi mo hinayaang mag-explain si Minseok sayo??

Jongdae: Kung hinayaan ko siyang mag explain edi wala ng book 2 tong storyang 'to! Juseyo. De joke lang na medyo totoo. Ahmm. Kasi nasaktan ako. Siguro sasabihin niyong mababaw, pero kasi nasaktan ako eh. Pinagkatiwala ko sa kanya ang lahat (pati ang pagiging bergen) pero nasira niya. Para akong basag na baso. Mahirap buin. Kailangan ng maraming araw para mabuo. Pero wala eh. Sumuko agad siya.


@WOLF88_10 : Jongdae, ba't 'di mo siya sinundan???

Jongdae: Aba'y nag-babasa ka ba ng storya? Joke. Sinundan ko siya. Tinakbo ko pa nga eh. Kaya nga lang late na late ako. Too late to apologize. /le sing apologize. Minsan kasi kahit anong effort mong pag-habol sa taong hinahabol mo minsan ang bagal mo eh. Masyado kang mabagal kaya hindi mo nahabol. Kahit alam mong nag-effort ka pero hindi mo pa rin siya naabutan. Pero kasi may mga taong hinabol pa rin kahit alam nilang hindi nila maabutan, but atleast you know na nag-effort ka. Nag-effort kang humabol. Humabol kahit nakakapagod, atleast you know na hinabol mo siya. Sinubukan mo pa rin, diba? Teka ano bang susundan ko, papunta ng america? Wala akong pamasahe eh.


@HeartofABeast : Jongdae, bakit ang tanga mo sa pag-ibig?

Jongdae: Yun din yung tanong ko nung una eh, bakit nagpapakatanga ang mga tao sa pag-ibig? Makakain ba yun? Mabubusog ba ako ng letseng pag-ibig na yan? Mapapatalino ba ako niyan? Makakatulong ba yan sa pag-aaral ko? Yan yung una kong tanong, pero nung umibig ako I realize something, lahat ng umiibig TANGA. Simple lang, may mga taong umiibig kahit na niloloko sila. Tanga. May mga taong umiibig sa mga panget kahit kaya naman nilang mag-hanap ng mas maganda/gwapo. Tanga. May mga taong mayayaman pero umibig sa mahirap. Tanga. Gusto nila pero karamihan tutol sa kanila pero pinupush pa nila. Tanga. Lahat ng umiibig ay tanga, bakit? Kasi nag-mahal ka. Simple lang naman yun eh. May pinagsamahan pa rin kayo nung taong minahal mo kaya kahit sabihan ka ng tanga wala kang pake kasi ang totoo, para sa taong umiibig hindi pagpapaka-tanga ang tawag don. Ang tawag don ay nag-mamahal. Sa case namin ni Minseok hyung, di niyo ako matatawag na tanga kasi hindi naman ako tanga, iba ako sa tanga. Ako yung tipong mas malala pa sa tanga. Pinakawalan ko yung taong mahal ko imbis na magpaka-tanga na lang sa kanya. Oh, mas malala pa ako tanga, diba?


@-BaekhyunWife : Jongdae, bakit ang panget at tanga mo?

Jongdae: Sa tanong mong panget, aba ate. Ako na ata ang pinaka-gwapong nilalang na makikilala mo /flip hair. Tapos dun sa tanomg mo kung bakit ang tanga ko, basahin mo yung nasa taas. May ganun ding question.

@-BaekhyunWife : bakit pinataas mo ang pride mo?! ano ka sabong panlaba?!

Jongdae: hindi ko pinataas ang pride ko kasi ayaw ko ng pride. Ariel ang gusto ko, finally ariel happen to me, at hindi ako sabong panlaba isa akong alien galing sa exo planet at nagpapasabog ng ka-hotan ngayon dito sa earth.


@__dancingsoul : Jongdae, bakit ang tanga mo?! futoungeina ka. Saksakin kita diyan eh! Sundan mo!

Jongdae: basahin mi yung sagot ko sa tanong na bakit ang tanga ko sa taas. Okay? Ang hirap mag-explain ulit eh. Hahahaha. Wag mo kong sasakin, masakit na nga ang puso ko sasaktan mo pa ako. Aba ang bossy mo naman, bakit di ikaw ang sumunod? Tutal ikaw nakaisip na sundan eh! De joke lang po. San ko ba siya susundan? Sa America? Hahahaha. Sige susundan ko. Kaso wala akong pamasahe eh ipon muna.


@ki_fanfan : jongdae, pwedeng hindi na ako mag-tanong? may sasabihin lang sana ako sayo... Pakyu.

Jongdae: ahmm sorry po loyal po ako kay Minseom hyung, sa susunod na lang po pag di kami nagka-tuluyan sa book 2 ni Minseok hyung text kita kung saan, saan mo ba gusto? Sa sogo?


@dks1288 : kailan kaya maguupdate si otor dun sa kaisoo jongdae? :-(

Jongdae: ehem storya ko to tapos ibang tao ang hinahanap mo?! Hala lumayas ka. De joke lang. Siyempre tatapusin muna ni Otor yung book 2 ng storya ko at yung storya ni Yixing. Pero pag natapos na yung kayla suho hyung at lay hyung pwede na yung kayla Jongin at Kyungsoo. ehem iisip pa muna siya ng plot. Hehehe.

Pwede pa kayong mag-tanong ng kahit anong gusto niyo o kaya mag-sabi ng kahit ano kay Jongdae, guys promise kahit ano sasagutin ni Jongdae. Lovelife Problems, about sa story, murahin si jongdae kahit ano. Sasagutin ni Jongdae.

Jongdae, Jongdae, Bakit ang bitter mo? [1] | xiuchen ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon