Kabanata 12 (Torn part2)

9.2K 196 8
                                    

"Baby, Karapatan ni Axel na malaman ang tungkol sa Harvard." Sobrang saya ng parents ko nang malaman nila ang pagkapasa ko sa university na yun though may mga interview pa akong kailangan pagdaanan ay hindi na matawaran ang kaligayan nila lalo na si Dad. Halos maiyak pa ito dahil ako daw ang tumupad sa pangarap niyang naudlot noon. Pero ako hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Masaya ako, Oo sigurado yun pangarap ko to eh. Pero paano si Axel. Mahal ko siya at hindi ko alam kung kaya kong magkalayo kami. Agad na napansin ni mommy ang pagkabalisa ko kaya pagkatapos kumain ay sinundan niya agad ako dito sa room ko.

"Mom. Paano po kapag—"

"Anak. Mga bata pa kayo. Hindi ko sinasabing makipaghiwalay ka o ano pero bilang magulang mo doon ako lagi sa magandang kinabukasan na nag-aabang sayo. Ayokong maging unfair pero pangarap mo 'to. Pangarap namin ng Daddy mo para sayo. Hindi ako papayag na kaya ka aatras sa Harvard ay dahil sa kanya. Kausapin mo siya ng maayos ipaintindi mo sa kanya. Hindi naman ibig sabihin na kapag pinili mo ang pangarap mo ay hindi mo na siya mahal. Ang pakikipagrelasyon ay hindi lang basta pagmahahal ang sangkap hindi lang ito ang pwede ninyong pagdaanan marami pang iba." Napayuko ako dahil tama si Mom. 

"Gianna. Please understand me. Ayokong pagsisihan mo to. Gusto kong ienjoy mo ang pag-aaral mo ginagawa namin ng Daddy mo ang lahat para sayo." Alam ko na  buo na rin ang desisyon ng parents ko na doon ako mag-aral. Pero kakayanin ko ba ang Long distance relationship? Dito pa nga lang na magkalapit kami hindi na kami masyado nagkakaintindihan yun pa kayang malayo kami sa isat-isa.

***

Pagpasok ko kinabukasan ay sinalubong ako ng ngiti at congratulations ng mga kaklase ko at pati na rin ng mga teachers namin. Medyo kinutuban na ako kung bakit pero kinabahan ako dahil paniguradong magagalit si Axel na hindi ko agad sinabi sa kanya na kahapon nagtanong siya kung tungkol saan ang pinag-usapan namin ng Principal pero hindi ko pa rin sinabi. 

Pagpasok ko ng classroom ay siya agad ang hinanap ng mata ko pero wala siya sa upuan niya. Ito na. pumunta agad ako ng garden dahil alam ko nandun siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng Makita ko siyang nakahiga sa isa mga benches doon at nakatakip sa mga mata niya ang braso niya.

"A-axel." Biglang may bumara sa lalamunan ko. Dahan-dahan siyang bumangon pero hindi siya tumingin sa akin at nakayuko lang. lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi ko alam kung paano sisimula. Hihingi ba muna ako ng sorry kasi hindi ko agad sinabi sa kanya. O hihingi ako ng sorry kasi hindi ko sinabi na plano ko na talaga dati pa ang Harvard.

"Kailan ang alis mo?" napatingin ako sa kanya. Pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin. Napakagat labi ako.

"1 week after graduation." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa pag-uusap namin ngayon. Anong mangyayari sa amin. Magiging kami pa ba o hindi na. ayokong maghiwalay kami pero hindi ko alam kung kakayanin ko ang Long distance relationship.

Tumango lang siya sa naging sagot ko. At nafu-frustrate ako kasi hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya sa pag-alis ko. "A-axel."

"So tatlong linggo na lang pala." Nakayuko pa rin siya.

"A-axel. Galit ka ba sa akin?"

"Wala akong karapatan magalit kasi nakapgdesisyon ka na bago pa man natin mapag-usapan."

"I'm sorry" tumango lang siya at hindi na nagsalita pa. pero grabe ang tibok ng puso ko ng tumayo siya at naglakad playo sa akin. Napatayo agad ako.

"Axel!" tumakbo ako at niyakap siya mula sa likod. "A-Axel. Let's talk. I'm sorry. I'm sorry" hindi ko na napigil pa ang luha ko. hinarap niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat. Tinignan niya ako at ngumiti. Pinunasan niya ang mga luha ko.

"Hindi kita pipigilan Gianna,pangarap mo yan. Never kitang papipiliin between me and your dreams. Pero kasi ang hirap na sa pangarap mo ako nakikipagkumpetensya. Ang hirap na ang taas ng pangarap ng Gf ko pero ako ang pangarap ko lang maging akin ka habambuhay. Ang hirap na hindi kita masamahan sa pangarap mong yan dahil hindi kaya ng kakayahan ko. Ang hirap kasi kahit mayaman ako yun lang ang kaya kong ipagmalaki. Ang hirap na parang sa basketball lang ako nage-exel." Umiling ako sa mga sinabi niya.

"Pangarap mong maging sayo ako habambuhay? Ang taas ng pangarap mo ha." Ngumiti siya sa sinabi ko. "Axel hindi mo kailangan maging katulad ko. parang sa mga sinabi mo puro paghihirap lang ang naranasan mo habang magkarelasyon tayo."

""Yun na nga. Kahit puro paghihirap ang lumalabas sa bibig ko kaligayan naman ang nararamdaman ko. Dahil alam kong akin ka. Dahil alam kong akin ka habambuhay." Tumango ako.

"Kahit tutuparin ko na ang pangarap mong sayo ako habambuhay mangako kang you will still do your best for your own dreams. I know Axel mayroon kang pangarap bukod sa akin. Siguro sa ngayon hindi mo pa alam pero alam kong meron." Niyakap ko siya. Ang sakit sa dibdib nung naglakad siya palayo sa akin kanina.



****

Parang biglang ang bilis ng araw. Natapos ang graduation at ako ang valedictorian sobrang proud sila Mommy lalo na si daddy na nag-pagkain sa buong opisina kasabay na rin ng celebration ng pagkapasa ko sa Harvard. 

"Ready na ba ang  Prinsesa ko?" si Dad. Tumango ako at umupo sa gitna nila ni Mom. Dito sila sa basement para manood ng movie. Nakatingin ako sa screen pero wala naman doon ang utak ko.

"Sasama ba si Axel bukas sa airport?" napakagat labi ako sa tanong ni Mom.

"Baka hindi po Mom. Pero nag-usap naman po kami kanina sabi niya kasi na may lakad sila ng Daddy niya kaya baka hindi po." Tumango lang siya. Pero napansin kong nagkatinginan sila ni Mom sa sagot ko. Gusto ko na hindi niya ako ihatid. Ewan ko ba. Natatakot akong baka kapag hinatid niya ako ay bigla akong magback out pero gusto ko naman siyang Makita dahil alam kong matagal kaming hindi magkakasama.


"Come Gianna. Baka maiwan tayo ng eroplano." Naiiyak na ako bigla dahil gusto kong Makita si Axel pero wala siya. Umaasa akong magpapakita siya sa akin kahit sandali pero mukhang aasa lang ako sa wala. Napatango na lang ako. Lumapit sa akin si mom nang mapansin parang maiiyak na ako,

"Anak. Hindi lang sayo to mahirap. For sure mahirap para kay Axel na Makita kang aalis. Intindihin mo na lang siya." Niyakap niya ako. Kinuha na ni Dad ang maleta ko at nauna na sa amin ni Mom. Agad kong pinunasan ang luha ko at nagsimula ng maglakad nang biglang may umakbay sa akin. 

"Axel!" agad ko siyang niyakap at umiyak. Iyakin.

"Shhh.. I'm sorry traffic. Alam mo naman sa Pilipinas diba." ngumiti ako at tumango lang. napansin ko naman sina Dad na nakatingin lang sa amin.

"Axel."

"Shh. I know. Mahirap ang LDR pero kakayanin natin diba?" tumango agad ako. 

"May skype naman. tawagan mo ako o itext Huwag mo akong titipirin sabi mo mayaman ka diba?" natawa siya sa sinabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Kailan ba kita tinipid?" hinalikan niya ako sa noo.

"Mahal na mahal kita" bulong niya. mas lalo akong naiyak.

"Mahal din kita Axel. Mahal na mahal." Niyakap ko siya. "Huwag na huwag kang mambababae Axel. Hahanap talaga ako ng International mangkukulam para kulamin ka." Natawa siya sa sinabi ko.


Our Own Love Story (Axel and Gianna)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon