Ella 4

262 5 1
                                    

Ella 4

 

 

 

 

“Yung kamay ko ‘ata naputulan na ng blood circulation,” reklamo ko sa boss kong nakakain ata ng imaginary ampalaya dahil nakabusangot up until now.

Pumasok kami sa loob ng Sofitel hanggang sa isa sa mga function room nito na kinakaladkad ako ni buwitre—mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko na akala mo, nanay ko siya at nasa isang grocery store kami na madaming tao.

“What?” Tila hindi naman narinig ni buwitre ang sinabi ko.

“Bakit ba ang bilis mo maglakad?” Patuloy kong reklamo dito. “Hello, naka-high heels ako. May lakad ka ba? San ka ba pupunta at nagmamadali ka?” Patuloy ko pang pag-ra-rant.

“Enough of your nonsense bickering, Ella.” Badtrip nitong reply. As usual, wala pa rin itong sense of humour. Immune ‘ata talaga tong si buwitre boss sa anything happy, sunshine-y and rainbow-y.

Pagkapasok namin sa loob ng function room, sandaling naalis ang utak ko sa pag-pacify ng boss kong bigla-bigla na lang nagkaka-PMS. Naaliw ako sa carpeted na sahig at sa naggagarbuhang chandelier. Tila ako lang naman ang naaaliw sa sophisticated na paligid. Karamihan ng mga tao, abala sa pagdutdot ng kanya-kanyang gadget. Abala sa pag-inom ng kung anu man yung iniinom nila sa magagara nilang baso. Abala sa pakikipag-usap sa kung kani-kanino. Parang sanay na silang lahat na makakita ng mga ganitong ka-fancy na lugar. Well, sorry naman sa kanila. Hindi uso sa Binondo ang mga ganito. Kaya ako, hinayaan ko muna ang sarili kong ma-tanga sa kabuuan ng lugar. Ni hindi ko nga namalayan na umalis na pala si buwitre sa tabi ko.

Hahanapin ko sana siya pero napukaw ang atensyon ko nung naka-set up na stage sa harapan. Kagaya ng kabuuan ng lugar, fancy rin yung stage. May mga tabing na parang silk na tela, may magarang podium, may magarang mic. Parang buong lugar na ito, suitable lang ‘ata sa mayayaman. Ano bang ginagawa ko dito?

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang may kumalabit sa’kin. Si Travis.

“Hi, Miss girlfriend ni Wes!” Magiliw nitong bati sa’kin. Sinuklian ko naman ito ng tipid na ngiti.

“Asan na ang boyfriend mo? Bakit iniiwan ka na lang kung saan-saan?” Pagbibiro nito.

“Ewan ko ba, bigla na lang nawala sa tabi ko.” Naiiling kong wika.

“Ganun lang talaga yung si Wes. Bigla na lang nag-iinit ang ulo. Parang babae na malapit na magka-period.”

Sabay kaming nagtawanan na dalawa.

“So, how long have you been together?”

“Magtu-two months pa lang.” Matipid kong reply. God. Wes. Asan ka na? Hindi ako marunong pala magsinungaling. Hindi ako nakapag-practice. Patay na.

“So saan kayo nagkakilala?”

“Uhm, sa work. Boss ko siya actually.” Nahihiya kong tugon and I’ve felt na nag-init ang mukha ko.

“Hindi ko akalain na marunong pala magkagusto at manligaw ng babae yang si Wes. I’ve known him for so long at wala talagang hilig yan sa babae. Madami nga akong nirereto dati dyan pero wala talaga. Lagi ko nga yan inaasar dati na baka maging matandang binata. Kaya nga laking gulat ko na nagpakilala na rin siya sa wakas ng girlfriend.”

“Ah,” Ang tangi ko lang na-reply.

“So, what’s your family business?”

“Uhm. Wala. Normal lang akong empleyado.”

Ella's First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon