==========================================================
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley
==========================================================
Ella 2
“Ayoko hong sumakay.” Magalang pero mataray kong wika sa boss ko. Nakakainis. Kung makautos akala mo nasa loob pa rin kami ng office.
Bumuntot naman ang kotse nito, sinabayan ako habang naglalakad. Kahit mukhang tanga ang aming sitwasyon ay hindi ko na ulit tinignan ang buwitre boss ko ni ang kotse nito.
“Sumakay ka na kase at mag-usap tayo!” Masungit nitong wika.
“Boss, tapos na po ang office hours.” Iritado kong wika. “Wala naman po sa kontrata na uutusan niyo pa rin ako kahit nasa labas na tayo ng office. Alam kong hindi niyo pwedeng gawing means of suspension ko or means of termination ko ang hindi ko pagsakay sa kotse niyo.” Mariin kong wika dito.
Aba, alam ko sa sarili ko na matalino ako at magaling. Hindi ako kagandahan pero hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako tinanggap sa Clairvoyance noh. Alam kong mga sosyalista halos lahat ng nagta-trabaho dun at alam kong 0.5% lang ang naligaw na ka-sosyalan sa katawan ko pero may ipagyayabang pa rin naman ang isang tulad ko sa isang kumpanya na kagaya ng Clairvoyance.
“Ten thousand lang ang money on hand ko.” Biglang wika ng boss ko at naging curious naman ako bigla na makinig sa sinasabi nito. “I’ll give you this money ngayon din mismo if sasakay ka sa kotse ko.”
Napatigil ako sa paglalakad at tumigil din ang kotse nito. Napatitig ako sa mga singkit na mata ng boss kong araw-araw mini-menopause simula time immemorial. Teka, 10 thousand? Ibibigay sa’kin? Kahit sabihin na hindi ako mukhang pera pero 10k pa rin yun ha? Kahit maghapon akong magtutuwad sa kalye, hindi naman ako makakapulot ng 10k, aba.
Tinaasan ko ito ng kilay. “What’s the catch?” Seryoso kong tanong dito.
“Sasakay ka lang sa kotse ko at papayagan mo akong ihatid ka sa bahay niyo.”
“Alam mo ang bahay ko?” Gulat kong tanong dito.
“Hello, boss mo ako? Stupida ka talaga. Malamang may record ako ng personal info mo. Pati result ng medical examination mo nakalkal ko na.”
Namula naman ako sa tinuran nito. Langya. Feeling ko na-violate ang pagkatao ko. Parang wala na akong puri at dangal sa sinabi nito.
“Akin na ang 10k.” Wika ko dito sabay lahad ng palad ko sa may bintana ng kotse nito.
“Sumakay ka muna.” Masungit na wika nito.
“Ilabas mo muna ang 10k mo para makasigurado ako na meron nga at hindi mo ako ginugoyo.” Wika ko dito at wala talaga akong balak magpatalo.
Iritado niyang dinukot ang wallet niya mula sa loob ng bulsa nito. Pagkatapos ay binuksan ito sa harap ko. Nakita ko ang makapal na bungkos ng tig-iisang libo mula sa loob nito.
“Pag sumakay ako, babayaran mo ko right?” Paglilinaw ko.
“Oo nga, ang kulit mo. Hindi ko talaga alam bakit ka tinanggap sa Clairvoyance,” Badtrip na wika nito.
“Sakay lang ha? Wala ng ibang gagawin?”
“Oo nga. Feeling mo naman. Pwede ba kung feeling mo may binabalak akong masama sa’yo, pwes ibaon mo na iyon sa limot ngayon pa lang dahil ni isang balahibo ko sa katawan, walang nararamdamang pagnanasa sa’yo.”
BINABASA MO ANG
Ella's First Time
RomanceSi Ella. Weird at nerd at the same time. Hindi pa nagkaka-boyfriend ever. Ni holding hands at first kiss wala!Siya ay isang fresh college graduate na swerteng naka-pasok kaagad ng trabaho sa isang advertising company. Okay ang sweldo, okay ang benef...