Ella 5

390 8 5
                                    

Ella 5

Nagising akong nasa isang hindi pamilyar na silid. Kahit madilim ang paligid at isang bed side lamp lang ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto, alam kong malaki ang kwarto at pang-mayaman.

Paano ba naman, hindi ko maiwasang hindi mapatingala sa kisame na nasasabitan ng mga modern looking na mga chandelier. At ang mga kurtina, ang kakapal. Kala mo wala sa pilipinas ang peg. Pero bagay naman iyon dito sa kwarto na 'to, to think of, bumubuga nang yelo ang aircon sa buong lugar.

Sandaling natigil ang paghanga ko sa buong kwarto nang magising na nang tuluyan ang logical at rational side ng utak ko. Teka Ella, anong ginagawa mo sa alien room na'to? At pagka tanong ko nito sa'king sarili, nagsimula na akong mabalutan ng takot. Dama ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

Tinignan ko kung may saplot pa 'ko. Dali-dali kong inialis ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Langya. May damit pa rin naman ako. Pilit pinapakalma ang sarili. Kinakalkal ang alaala kung baka may nakasira na ba ng iniingat-ingatan kong pagkababae at nag-init at namula naman ang mukha ko nang naisip kong baka may gumalaw na sa'kin.

Dahil isa lang naman ang nakalkal ng utak ko na last kong kasama bago ako nag-pass out. Si Wes.

And right on cue, bumukas ang pinto at biglang bumukas ang lahat ng ilaw sa buong kwarto which made me wince dahil sa pagkasilaw.

"Mabuti naman at gising ka na." Masungit na wika ng boses na kilalang-kilala ko.

At ako naman si shunga, imbis na mag-reply ng Ano ang ginagawa ko dito? o Bakit nasa kama ako?-ang naisip ko lang gawin ay mas lalong ihapit ang kumot sa buo kong katawan na akala mo ay sobrang proteksyon ang inu-offer nito sa'kin.

"Bakit naninigas ka dyan?" Wika uli ng pamilyar na boses and this time, nakita ko na siya nang maayos dahil nag-adjust na rin ang vision ko-from dark to todo-todong liwanag.

"Boss!" Ang nasabi ko lang sa kanya and it is awkward in every sense.

Masungit ang itsura nito. Ang mga mata nitong singkit, lalo pa 'atang naniningkit dahil sa pagkairita (?) nito sa'kin.

"Explain yourself." Ang sunod nitong sinabi. Napa-buntong hininga ako. Pinilit humagilap ng mga salita pero tila umurong 'ata ang aking dila.

"Anong ginagawa ko sa kama na'to?" Ang mali kong reply sa kanya. Napataas naman ito ng kilay in response.

"Bakit ako nasa kama? M-may, m-may nangyari b-ba?" Nanginginig at nahihiya kong wika. Kapalan na ng face ito. Pero concerned talaga 'ko kung birhen pa rin ba'ko. Langya. Uminom lang ng red wine, nasira na ang kinabukasan.

"Tumigil ka nga dyan! Ano bang pinag-iiisip mo!" Galit na singhal ni buwitre boss. Binato pa ako nito ng throw pillow na nasa bed side chair to make it a point na bumibinggo na ko sa kanya. "Nag lasing ka na nga, nakipag-away sa isa sa mga best friend ko, gumawa ng commotion sa event, tapos ngayon, pinagdududahan mo pa kong may ginawa sa'yo? For all you know, inuwi lang kita dito sa bahay dahil nag-pass out ka. Red wine lang yun, Ella. Red wine lang!" Dire-diretso nitong pagbubunganga na akala mo office hours pa rin.

Luckily, nakailag naman ako sa assault nitong throw pillow. I rolled my eyes in disdain. "Kasalanan yun ng best friend mong bakla!" Wala kong gatol na reply dito. "Pinainom niya ko ng red wine. At sorry naman if hindi ako tanggera. Langya. Hindi mo naman sinabi na one of the qualities na gusto mo sa jowa eh manginginom!"

"Enough ng pagiging pilosopo mo, Ella!" Singhal uli ni buwitre boss at napahawak pa 'to sa ulo niya na tila sinasabing sakit talaga ako ng ulo.

"So ano na mangyayari? Cancelled na ba ang fake jowa duties ko?"

"Hindi pwede makansela yun. Milyones na pamana sa'kin ang nakataya sa pagpapanggap mo."

"Eh, ano nang mangyayari?"

Buwitre boss paced back and forth sa buong kwarto and sinundan naman ito ng mga mata ko kung saan ito pumunta...nang biglang tumigil ito sa paglalakad. May tumama sa mukha nito. Throw pillow. Bull's eye.

"What the hell, Ella?" Iritado nitong wika.

"Ang seryoso mo kase!" Natatawa kong sabi. "Saka pagganti lang no. Lintik lang ang walang ganti!"

"Nakakainis ka talagang babae ka!" Bulalas ni buwitre boss at sinugod ako nito sa kama. Napatili naman ako dahil sa biglang pagdamba nito sa kama at 'di ko sinasadyang nasipa ito somewhere.

"Argh!" Buwitre boss howled in pain at na-bother naman ako sa ginawa ko.

"Sorry! Sorry!" Wika ko dito at dahil sa pagkataranta hinagilap ko ka'gad kung asan na 'to napunta. Nakita kong nahulog ito sa kama. Bumaba ako asap mula sa kama at tinry ko itong itayo ngunit to no avail. Masyado itong mabigat! Isa pang hila ang ginawa ko at pati ako, natumba!

"Aray!" Wika ko nang nangudngod ako...sa dibdib ni buwitre boss!

"Antanga-tanga mo talaga!" Iritado nitong wika. He tried to get up too pero na-out of balance uli ito at imbis na makatayo, dumulas lang ito at hindi sinasadyang napapatong sa'kin!

"Aray! Ano ba!" Pagpa-panic ko.

Ramdam ko ang buong bigat ni buwitre boss sa aking katawan. Tinry kong alisin ang katawan nito ngunit it won't bulge even just a little.

"Ella," misteryosong tawag nito sa'kin.

"W-what?" May halong kaba kong reply dito.

Medyo umangat nang kaunti ang katawan nito at dahil dito, tumapat ang mukha ni buwitre sa mukha ko. Nagtama ang aming mga paningin. Sobrang awkward. Gahd. Hindi ko maintindihan if namumungay ba ang mga mata nito or sadyang singkit lang talaga ang loko.

Naramdaman kong unti-unting bumababa ang mukha nito papuntang mukha ko at langya, hindi ko na alam kung ano 'tong nangyayari! Napapikit na lamang ako at naramdaman kong buong mukha ko...at katawan ay nag-iinit. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin. First time ko makaramdam ng ganitong bodily sensations.

Pumikit ako. Nag-antay nang matagal. Mas lalo kong idiniin ang pagkakapikit nang mga mata ko. Nang biglang nakaramdam ako ng isang malambot na bagay na tumama sa mukha ko!

"Haha!" Narinig ko na lamang ang mapang-asar na tawa ni buwitre. Agad akong nagbukas ng paningin at nakita kong hawak-hawak nito ang throw pillow na ibinato ko dito kanina. Tuso talaga. Hindi pwedeng malamangan! Inirapan ko naman ito.

"Tumayo ka na dyan at samahan mo akong kumain ng hapunan." Utos nito sa'kin. "Akala mo naman makaka-score ka na ng kiss sa'kin. In your dreams, Ella." Mayabang nitong dugtong at tumalikod na ito sa'kin.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sahig at sinundan ito palabas ng pinto. Ang hindi nito alam, binelatan ko siya ng full force pagkatalikod nya sa akin!

Ella's First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon