Chapter 7

27 0 0
                                    

Lia's PoV

"MAY THE BEST MAN WIN"

Tatlong araw na matapos ang araw yon.....at tatlong araw na ring

****
"Lia ako na magbubuhat ng bag mo"
Marco

"Ang alam ko sa kabilang building ang pasok mo ngayon! Anong ginagawa mo dito?! Eh ang layo non!!..Ceres baby ako na sa libro mo"
Yuan sabay inagaw ang libro ko

"Sa pagkakaalam ko Hilaw na Intsik magkaklase tayo! Kaya parehas lang tayo ng building....tsaka bat libro ang kinukuha mo di mo ba alam na. Mas mabigat ang bag dahil.mas marami itong laman kaya wag kang epal dyan!!

Nasa gitna po nila ako...di ko nalang po sila pinapansin kahit kapansin pansin po kami

"Hoy MARCO POLO pwede ba pumasok ka nalang!"

"Pero matagal na akong nakapasok"
Marco

"AT LUMABAS KA! Kaya nagsara ito at na-lock samantalang ako na nakatanaw lang sa bintana ay nagpupumilit itong basagin para makapasok sa loob"
Yuan

Uhhhh...di ko sila makuha..anong pasok?

"Lia ako na kasi sa bag mo"
Marco

"Ceres ung books"

At pilit po nilang inaagaw ang gamit ko at sa totoo lang inis na inis na ako sa kanila!! Dahil nagsisigawan silang dalawa sa tapat ng tenga ko

Arrgghh!!! ....konti nalang...malapit na ako sa classroom...konting tiis na lang!.

"LI-"

"-CE"

"AISSHHH!!"

Napatakip ako sa tenga ko at tumigil sa paglalakad at nagulo ko ang buhok ko...ang INGAY NILA sobrang INGAY NILA

"PWEDE BA TANTANAN NIYO NA AKONG DALAWA!!MAGULO NA ANG BUHAY KO PAPAGULUHIN NIYO PA!!YUNG IBA NA LANG PWEDE??!!"
****

akala ko hindi ako magagalit sa kanila at makakapagtimpi pa para mas maayos...pero kahapon sumabog ako!!!Tatlong araw ng gonon ang eksena..pero kahapon sumabog ako!! Alam niyo ba yung ingay na pumasok sa dalawang tenga mo tas diretcho sa ulo mo kaya kahit sa pagtulog mo naririnig mo parin ung ingay at sigawan nila!!..GANON YUN!!

Sana maging maayos ngayong araw...
I hope so....

Habang naglalakad ako sa entrace ng school nakita ko ung isa...ngumiti lang siya at kumaway...walang 'Ceres!!!Baby!!' Napangiti ako...mukhang di siya manggugulo ngayon at pagharap ko sa kanan nakita ko yung isa...ngumiti lang siya at walang 'LIA SANDALI!'
napangiti na namn ako mukhang tatahimik ang araw ko ngayon

Maya maya nakita ko silang dalawa papalapit sa akin.TSK. akala kp pa naman ay tatahimik n ang araw ko binilisan ko ang paglalakad at dahil silay mga kapre ay mabilis nila akobg naabutan

Nang naramdaman ko na sila sa kaliwa at kanan ko.....parehas lang silang nagkakalutkot ng nag nila at di nagsasakita...Hmmm....mukhang mas maayos na to kaysa magsigawan sila at mabingi ako

Napabuntong hininga ako at napapikit..pagdilat ko

"Goodmorning"

*plak*

"Ang Ganda mo ngayon Ceres baby...kasing Ganda ng umag"

*plak*

Hindi nga ako mabibingi mabubulag naman ako!!...naka white board po silang dalawa!!

"Lia wag mong pansinin yan"
White board ni Marco

*plak*

"Ceres ako na sa bag mo"
White board ni Yuan

Does Forever Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon