59

165 4 3
                                        

𝐒𝐡𝐢𝐥𝐨𝐡

Nandito kame sa kwarto ko at pinag uusapan ang mga nangyari.
Nabanggit ko din sa kanila na may nag DM sakin na Poser account at binibring up nito yung nakaraan.
As always galit na galit ang dalawa kong kaibigan

"wag ka munang gagamit ng phone ng isang linggo Shiloh ha" paalala ni Michaela

"hey it's really fine, really."

"no, hindi pwede hanggat hindi humuhupa ang Shithy Issue" sabi nya pa

"Shithy Issue?" i looked at her with my puzzled gaze

"Duh! Shiloh and Timothy issue?"

"ang Shity naman ng combination Michaela" sabi ni Willowdean

"i know right!"

"ewan sa inyo. Parang sinabi nyong hindi kame bagay ng my loves ko" kunwaring nag tatampo kong sabi.

"gurl bagay kayo okay? Ang Shity lang ng sitwasyon nyo ngayon. right Willow?" inirapan ko lang silang dalawa dahil kung ano ano na ang sinasabi nila.

"do I really need to give you my phone?"

"yes gurl. Kaya hand it to me na" nilahad na nya ang kamay nya kaya Napa buntong hininga akong binigay yon.

"pano pag nag Chat si Timothy?" i asked

"don't worry ako bahala."

Nag tagal pa sila sa kwarto ko ng tatlong oras bago maisipang umuwi na. Gusto pa nga nilang mag Sleep over kaso Biglang tumawag ang Mommy ni Michaela kaya bukas nalang daw sila matutulog dito samin.
Nang maihatid kona sila sa gate ng bahay namin ay pumasok nadin ako sa loob ng bahay. Ako lang mag isa ngayon sa bahay dahil may mga importanteng ginagawa ang mga kasama ko dito.

Huminga ako ng malalim bago tignan ang Family picture namin na naka sabit sa dingding ng sala.
Para lang itong normal na family picture mula sa normal na pamilya kung titignan ng ibang tao, pero hindi para sakin.

I smiled bitterly habang pinag mamasdan isa isa ang mga taong nasa picture. "Pamilya ko ba talaga kayo?" nasabi ko nalang bago punasan ang mga luhang tumulo.
Hindi kona mapigilan ang sarili ko at Napa hagulgol na ako sa sala ng bahay namin. Nag sabay sabay na kase ang mga nangyayari at hindi kona kayang pigilan ang mga luha ko.

Nang mahimasmasan ay nag tungo ako sa kusina para uminom ng tubig.
Kumain nadin ako bago mag tungo sa kwarto ko at na pag pasyahan ng matulog.

Nagising ako dahil sobrang ingay sa labas ng kwarto ko. Nag sisimula nanaman sila wala na namang bago. Tinignan ko ang wall clock ko, it's 10 in the evening.

Tinakpan ko ang ulo ko ng unan ngunit baliwala padin, rinig na rinig ko padin ang mga sigawan nila sa labas kaya na pag pasyahan kong umalis nalang ng bahay kahit anong oras na. Kinuha ko ang jacket ko bago lumabas ng kwarto

"Wala kang silbing bata ka! Nag kulang ba kame ng pag papalake sayo at ganto ang asal mo samin?!" sigaw ng Papa ko, kaya Napa takip nalang ako ng tenga.

"Simon ano ba! Wag nating idaan sa init ng ulo. Kaawa na ang anak mo!" sabi naman ng Mama ko habang humahagulgol

"Tangina! Pwede bang tumahimik na kayong Dalawa?! Ang Sakit nyo sa tenga!" sabi ng kapatid kong may pasa sa muka. Sinuntok ata ni Papa

"Putangina mo talaga!" kumawala si papa mula sa yakap ni mama kaya Napa upo sa sahig ang ina ko. Natumba naman ang kapatid ko dahil Sinuntok sya sa muka ng taong namumuyos na ngayon sa galit. Napa upo naman ako dahil hindi kona talaga kinakaya, na nginginig nadin ang mga kamay ko dahil sa sobrang takot sa mga nangyayari.

Pestering Timothy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon