TimothyNandito kame ngayon sa bahay nila Kris at nag papalipas lang ng oras. Kauuwi lang kase namin galing University at ayaw pang mag siuwi nitong mga kaibigan ko. Idinamay pako sa pag bubulakbol.
"hoy, Gago!" mura ni Kael dahil mukang matatalo nanaman sya ni Kris sa kanilang nilalarong Playstation.
"once a looser always a looser" pang aasar pa nitong isa.
"time first!"
"anong time First? Time freeze yon tanga"
"Ganon din yon"
"mga bata ano ang gusto nyong snacks?" biglang tanong Logan Kaya nag sitawanan ang mga ito.
"mga bata amputek"
"father figure yan?"
"para kase kayong mga bata."
Naputol ang usapan nila nung tumunog ang phone ni Kris.
"wait, sagutin ko muna" sabi nito at tumayo na mula sa pag kakaupo sa sahig. "hey, Shiloh. What's wrong?" rinig pa naming sabi nito bago sya pumunta sa kusina para doon ipag patuloy ang pag uusap nila ng tao sa kabilang linya.
"hoy Teo, tara laro?" aya ni Kael kay Teo na kanina pa na nanahimik. Hanggang ngayon kase ay hindi pa nagigising si Ruth. Dapat nga ay nasa hospital yan ngayon para mag bantay pero nahigit naman dito ng mga kumag, at Mag tatampo daw sila pag hindi sumama si Teo ngayong araw.
Dumadalaw dalaw din kame don paminsan minsan kapag may free time.
"ask Timothy"
"Timo-"
"don't want" sinabi ko agad Kaya napasimangot nalang si Kael bago kame samaan ng tingin.
"parang hindi mga tropa" sabi pa nito bago tumingin kay Logan.
"o baka ikaw din ayaw makipag laro sakin?" tatawa tawa namang lumapit si Logan sa kanya at naupo katabi nito.
"yown! Kaya sayo ako mang Logan eh"
Nag simula na silang mag laro at lumabas na din si Kris mula sa Kusina.
"sinong tumawag?" pag chichismoso ni Kael.
"Pinsan ko. Pinapauwi ako next weekend"
"sama!"
"ano ka sinuswerte? Mamaya ligawan mo pa pinsan ko pag nakita mo eh"
"ganyan naba ang tingin mo sakin?"
"oo."
"grabe kana bro, napaka over protective cousin mo naman. Hindi naman ako ma ngangagat, gusto ko lang talaga pumunta sa hometown mo" inirapan pa nito si Kris bago ulit mag salita "pati may nililigawan ako no, kaya ba't ko pa pag tatangkaan yang pinsan mo? Eh sa bebe ko lang sapat na"
"daldal mo, mag laro ka nalang dyan."
Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa at naisipang mag bukas ng instagram. Dito lang ako nalalagi dahil bihira lang ako mag Facebook. Bukod kase sa 200+ na friends ko doon ay tanging mga katarantaduhan lang nila Kael ang mababasa ko pag nag iiscroll ako.
Wala din akong profile sa fb at naka private din yon Kaya piling mga tao lang talaga ang nakakaalam na may Fb ako.
Pinindot ko ang maliit na profile ko sa Instagram Kaya napunta ako sa wall ko na kung saan ay mukang nadagdagan nanaman ng followers.
I clicked my resent uploaded picture nung Isang araw at bumungad sakin ang nag lalakihang numiro ng mga pumuso at mga nag comment dito.
Isa isa kong binasa ang mga yon at may isang comment ang pumukaw ng pansin ko.

BINABASA MO ANG
Pestering Timothy
General FictionShiloh & Timothy Flying Letters Series #2 🖇️Completed ©slpycat 2022