~MEET THE WICKED GODDESS
(DIANNE DELA FUENTE'S POV)
FINALLY! THIS IS THE DAY! Makikita ko na ulit ang aking Prince Charming na si Drake! WAAAAH! I can't wait to see him na, it's been 2mos since we last met, summer vacation you know. ^_^ Grabe I'm dying to see him na.
"Tabi!"
Sabi ko habang naglalakad sa pavilion and I said it with an authority, takot lang nila 'no kaya lahat ng tao sa pavilion nagsitabihan. They gave me the way. I am the Queen of this Campus, so they should respect me. As I walk at the pavilion, they seemed to see a Goddess of Beauty. Ako ang Aphrodite sa school na 'to at Ako ang PINAKAMAGANDA DITO! Wala ng iba!
Oh well. Sa araw-araw kong pamumuhay sanay na ako sa ganitong treatment. Lahat ng kalalakihan, naglalaway sa kagandahan ko. At ang mga kababaihan naman, nangimamatay sa inggit at pinapangarap mapunta sa kalagayan ko. Tulad na lang ngayon.
Yung ibang mga babae nagbubulungan pa, nakakainis! Ano bang problema nila? Alam kong maraming galit sakin dito, kase maliban daw sa KAGANDAHAN ko MALDITA raw ako. I don't have friends either. They don't deserve to have me, I'm COOL and I have my image.
Marami lang talagang insecure sakin. Nagstop ako dun sa apat na babaeng nagtsitsismisan, mukhang ako yung pinagkukwentuhan nila eh. They having a coffee session. May hawak silang tig-i-isang kape.
"She's really a slut, you know.."
"Kaya nga eh, tapos kung makapagreyna-reynahan dito, akala mo kung sino." Sabi nung isang cheap na babae. Nagpanting na yung tenga ko ha.
"HAHAHAHAHA!" They laughed in chorus.
"Ehem?"
Lahat sila nagulat noong makita ako lalo na narinig ko pa yung pinag-uusapan nila. I hate it anyway, backstabbers, chismax. Nagpanting lang talaga yung tenga ko sa huling sinabi nila.
"Oh? Parang nakakita kayo ng diwata? Oh masyado lang kayong nagulat sa kagandahan ko. Ituloy nyo lang, nakikinig ako."
*silence*
Napayuko sila sa sinabi ko..
"Oh baka naman pwedeng makisali sa chismisan nyo? Mukhang ako naman pinag-uusapan nyo eh."
Talagang namumula na sila sa kahihiyan, gusto nila masampolan ng KAMALDITAHAN ko eh. First day of class, bubuena manuhan ako. Sige, push nila yan. Pagbibigyan ko sila.
"Do you know me?"
Di pa rin sila sumasagot. Nakakainis lang. Parang di nila kilala kung sino ang nasa harapan nila. Pwes magpapakilala ako.
"Listen to me people!" I said while clapping. I want to catch everyone's attention. I love attention that much diba?! And ayun, lahat naman sila nagsitinginan.
"Hetong apat na 'to, narinig kong pinag-uusapan ako.."
"Sabi netong isa, I'm a slut. Sabi netong isa, I'm pretending to be the queen. Let me clear things to you, bitches." Yeah, i'm rude right? Well I don't care.
"Do you know me?!"
I shout while cupping the face of the ugly one. Yung nagsabing slut ako. Kilala ko sya eh. Nasa honor list sya at columnist din ng School newspaper. Di ko lang alam ang pangalan nya pero natatandaan ko sya, dahil sa eyeglasses nya. Yeah. She's a nerd.
"Y-yes Miss." Sagot niya. Nanginginig na sya, wala pa nga akong ginagawa.
"Yun naman pala eh. Well, let me ask you. If having these face like mine is being a slut, then ano ang dapat itawag sa pagmumukhang meron ka?!" Sigaw ko sa kanya. Napapikit sya, hinablot ko yung kapeng hawak nya at sinaboy ko sa pagmumukha nya. Yung mga co-students namin sa pavilion, halo-halo ang reaction, may naririnig ako na tumatawa. May mga napa-OWW. Mainit pala yung kape, bad for her.
BINABASA MO ANG
A Witch's Lovestory
Teen FictionSi Dianne Dela Fuente, the Campus Queen Bee/Witch ang kinatatakutan ng lahat sa Fuentabella University. Maldita, Atribida at Bratinella, yan and tumatak na ugali nya sa lahat ng estudyante. Matagal na siyang may gusto kay Drake Sarmiento, the Campus...