~ "I like You Drake."
(XANDER'S POV)Ilang minuto lang nagising na din si Dianne.
"Teka wag ka tatayo!" sigaw ko. Baka kasi malaglag yung kumot. Pero tumayo pa din sya kaya..
"AAAAAAAAHHHHHHH!!!! ANONG GINAWA MO SAKIN?!!!!" O___o
"W-wala ah. Eh kase nam-"
"Pervert!! OHMYGOLLY!!"
"Hey! It's not what you think! Saka pervert?! Nagmalasakit na nga ako tapos pervert?!"
"Pagmamalasakit ba yung hinubaran mo ako?!"
"Hinubaran kita kase basa ka. Tapos ang taas ng lagnat mo 40 degrees celcius, inisip ko baka magkapulmonya ka. Tapos ganyan ka magalit?! Wala kang utang na loob. Saka ayoko rin makita yang katawan mo. Di ka naman sexy. Tss." Nakakainis sya talaga.
"Argh! I hate you!"
Tapos pumasok sya sa may room nya, tapos mga 10minutes lumabas na siya. Nakapajamas na sya at nakasweater. Tapos may inabot siya sakin.
"Boxers atsaka jersey shorts and t-shirt. Yan yung pinakamaluluwag kong damit."
"Nagsusuot ka ng ganito?" O___o
"Oo, dito sa bahay. Bakit? Palibhasa fashionista di na pwedeng magsuot ng Superman shirt?" Tapos humiga sya sa may couch.
Pumunta na din ako sa CR tapos nagshower and nagbihis. Yung jersey shorts maikli. Potek. Okay na 'to kesa wala diba. Napangiti ako, may pagkaweird talaga 'tong maldita na 'to.
Paglabas ko nakapikit na sya.
"Wala ka talagang kasama dito?"
"Wala. Pinaparusahan ako ng sira-ulo kong kuya. Pati allowance ko, binawasan. Haaay."
"Eh paano 'to? Wala kang kasama eh may sakit ka?"
"Sanay ako. Pag may sakit ako. Iniiwanan lang nila yung mga meds sa kwarto ko. Sanay ako mag-isa."
"Nakakagulat nga eh. Nagkakasakit ka din pala. Hihi."
"Bakit anong tingen mo sakin? Superhuman?"
"Di ah. You're a witch."
Ooops! Foul yun Xander. Tanga ko! Tumingin sya sakin ng masama, yung parang kapag laser gun lang yung mata nya, patay na ako. Napabatok tuloy ako sa sarili ko.
"Marunong ka magluto?"
"Hindi."
"Anong kinakain mo?"
"Kung di ako kakain sa labas. Noodles na lang. O kaya itlog, hotdog, di naman ako marunong magsaing kaya toasted bread na lang." Oh. Di sya maarte sa pagkain ha.
"Ha?! Ano namang sustansya ang makukuha mo diyan sa mga kinakain mo? Kaya pala wala kang bilbil-" Ooops! Strike two! Napatingin sya ulit sakin tas binato ako ng couch pillow.
"Chi. Pervert! Pero ang totoo, ilang araw na kase akong di kumakain." Bakit ganun? Parang wala lang kung sabihin nya yun. Akala mo kung sino syang maldita, pero nakakaawa naman pala sya. Bakit ganun?
"Alam mo. Plastik ka. Kung pumorma ka sa school akala mo, mga branded pa mga damit at gamit mo. Nang-aaway ka ng iba kase ayaw mong kaawaan yung sarili mo. Gusto mo isipin na mas kawawa sila kesa sayo."
"Nagsusuot ka ng magagandang damit kahit di ka naman komportable, tapos di ka kumakain kasi ayaw mong tumaba. Magpakatotoo ka nga. Psh."
"Di dahil sa ayoko tumaba 'no. Malungkot lang kumain ng nag-iisa ka."
BINABASA MO ANG
A Witch's Lovestory
Teen FictionSi Dianne Dela Fuente, the Campus Queen Bee/Witch ang kinatatakutan ng lahat sa Fuentabella University. Maldita, Atribida at Bratinella, yan and tumatak na ugali nya sa lahat ng estudyante. Matagal na siyang may gusto kay Drake Sarmiento, the Campus...