The CONFRONTATION
(Xander's POV)Isang linggo na rin ang nakakalipas na hindi kami nag-uusap ni Dianne. Magkatabi kami pero hindi kami nag-iimikan. Buti pa nga noon kasi kahit papaano nagsasalita siya kahit puro kamalditahan yung lumalabas sa bibig niya. Pero okay na rin ngayon na hindi kami nag-uusap.
Inaantabayanan ko pa rin lahat ng kilos niya pero wala pa naman siyang ginagawang masama kay Anne, lately naman madalas sumama si Anne samin ni Ed dahil busy raw si Drake. Buti na nga lang nasuyo ko si Anne na wag akong iwasan eh at buti na lang rin umalis na si Dianne sa buhay ko, at si Drake naman, ewan ko kung saan siya busy, kunsabagay may mga orgs siya na hindi kami magkasama.
"Xander.. Wala daw si Drake.. Sabay tayo uwi ha.." Si Anne at nakangiti siya.
"Oo sige. Gusto mo daan muna tayo sa mall. Kain tayo. Libre ko."
"Sige.. Hehe." Sagot niya at marahang natawa.
"Pero teka.. Asan raw ba siya? Dumadalas yata siyang busy ah."
"Ewan ko ba. May meeting raw silang mga photographer eh."
Talaga ba? Parang wala naman akong narinig doon. Ako kasi ang editor in chief ng school newspaper kaya wala akong maaalala na nagset ako ng meeting at isa pa kasama si Ed sa mga photographer. Wala man lang siyang nababanggit sakin, sigurado akong kung meron man icoconfirm niya ako agad. Something weird's happening to Drake. But the good thing is masarap sa pakiramdam yung ganito. Buti nga sinuyo ko si Anne, at hindi niya naman ako iniwasan, lately nga bumabalik yung closeness namin. Pagkatapos ng klase namin, agad kaming pumunta ni Anne sa mall, wala si Ed kaya kaming dalawa lang, naglalakad-lakad kami una pumunta kami sa mga boutique, nakapili si Anne ng ilang accesories at binili niya yun, tahimik lang ako. Wala lang siguro ako sa mood makipagkwentuhan at isa pa parang bored ako ngayon. Pagkatapos nagyaya siya sa isang malapit na fast food chain para kumain.
"Anne.. Ako na ang pipila rito, ang gawin ko maghanap ka na ng vacant table para mareserved na, mahirap na mukhang punuan ngayon."
"Okay.. Sa taas na ba o dito na?"
"Mukhang may bakante pa naman doon oh." Tinuro ko sa kanya yung isang bakanteng table sa tabi noong dalawang couple na malapit sa bintana. Pero nalaglag ang panga ko sa nakita ko, agad ko tinignan si Anne at bakas sa mukha niya ang matinding galit. Pupunta na sana siya sa table na yun pero hinawakan ko yung braso niya na ikinatigil niya.
"What are you thinking?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya imamanage ang ganitong sitwasyon.
"I'll just give her what she deseves.." Yun lang at nabitawan ko na siya. Tinignan ko ang papalayong image niya at papalapit naman kila Drake at Dianne. Nagtatawanan silang dalawa habang kumakain. I can't move, maski ako hindi ko alam ang gagawin, basta ang naiisip ko ngayon nayayamot ako sa kanilang dalawa. Kaya ba gusto akong iwasan ni Dianne, kaya ba palaging absent in action si Drake? They're cheating on us. I mean on Anne.
"What's the meaning of this?" Tanong ni Anne na ikanabigla nilang dalawa. Napatayo si Drake at hinarap si Anne samantalang walang reaksyon si Dianne. Tss.. Kahit kailan ang sama talaga ng ugali niya. Imbis na ipakita niya na nakokonsensya siya dahil nahuli na sila sa akto umaasta pa rin siyang parang wala lang. Bitch.
"Anne.. Look.. I can explain -"
"You don't have to explain anything to her Drake.." Sabi ni Dianne at lumipat ang tingin ni Anne sa kanya na kasalukuyang nakaupo pa rin.
"First.. We're not doing anything. Magkasama lang tayong kumakain."
"Liar!!" Sigaw ni Anne na umagaw sa atensyon ng lahat ng tao rito pero composed pa rin si Dianne. Pero nakakapagtaka, madalas pinoprovoke pa lalo ni Dianne si Anne para magalit ito, at hindi niya dinedeny kapag may ginagawa siya.
BINABASA MO ANG
A Witch's Lovestory
Teen FictionSi Dianne Dela Fuente, the Campus Queen Bee/Witch ang kinatatakutan ng lahat sa Fuentabella University. Maldita, Atribida at Bratinella, yan and tumatak na ugali nya sa lahat ng estudyante. Matagal na siyang may gusto kay Drake Sarmiento, the Campus...