~ THE LUNCHBOX
(XANDER'S POV)Kinabukasan, maaga akong pumunta sa school gym. Saturday ngayon, syempre umuwi muna ako, every saturday ang practice namin sa basketball. Varsity kami eh, team captain pa ako.
Mga 7am sharp, kumpleto na kami lahat sa gym. Kung ako lang masusunod ayoko magpractice ngayon, maliban sa nakakatamad, di pa ako nakatulog ng maayos. Ikaw ba naman may katabing babae sa kama diba? Shet.. Lalake pa din ako. Argh! Focus! I need to focus!
"Dre.. May problema ba?" lumapit sakin si Drake. Napatingin ako sa isang bench, nakita ko si Anne. Oo nga pala, official na sila.
"Ah wala 'to, puyat lang."
"Puyat makipagbahay-bahayan sa condo ni Dianne."
Tinignan ko ng matalim si Ed, minsan may kadaldalan talaga 'to eh. Medyo kumunot yung noo ni Drake. Siguro nagtataka sya.
"Ahh.. Wala lang yun, nagpasama sya sakin eh, pinagbigyan ko na since magkaibigan naman kami."
"Di ba parang sobra na yata? Lalaki ka pa din Xander, babae yun. At isa pa, parang pinagsasamantalahan mo yung kahinaan nya."
Parang naiinis si Drake sakin, pwes nakakabanas din sya. Saka ano bang problema nya kung dun nga ako natulog?
"Buhay ko 'to pare, at if ever man, pareho kaming single so walang masama, bakit kaya hindi na lang yung GIRLFRIEND mo ang pagaksayahan mo ng oras at pagtuunan mo ng pansin." Tatalikuran ko na sana sya pero hinawakan nya yung braso ko.
"Pinsan mo ako kaya concern lang ako sayo."
"Bitawan mo ako!" Sabi ko at tinabig ko yung kamay nya.
"Iba ang concern sa panghihimasok Drake." Heto na naman kami, madalas talaga kami magkainitan ni Drake eh.
Binunggo ko sya saka ako tuluyang umalis. Syet. Nakakainis sya. Nagsimula na yung practice game, at ayun, halatang nagkakainitan kami sa court. Parati nya akong dinudumbo. Syempre gumaganti ako. Psh. Syet siya.
Napansin ko na napatayo si Anne sa bench na kinakaupuan nya. Napapansin na yata nya yung nangyayari kaya naman tumigil na ako. Pero para talagang nananadya si Drake eh. Bwisit!
Di ko naman sinasadya pero napalakas yata yung pagsiko ko sa kanya kaya bigla sya natumba.
*pfft! Pfft!*
Sumipol si coach kaya napahinto kami, pero tumayo si Drake tapos biglang,
"G*go ka!"
Sinapak nya ako. Napaatras naman ako bigla. Pumutok yung labi ko pucha! Umawat naman sila coach saka yung mga teammates namin.
"You two Sarmiento's what's happening with you?!!"
"Nakita nyo naman diba coach? Napakaragid nya!"
"Ikaw ang nauna Drake. Psh."
"Teka nga diba?! Drake, basketball is a physical game, you should know that. Ikaw naman Xander, ikaw ang team captain diba? Dapat ikaw ang nagpapakita ng magandang ehemplo di yung magsasapakan kayo sa court pa!! You both, you're suspended for 1month!" Syet oh. Sabi na eh. Tiningnan ko ng masama si Drake, ano bang problema ng gagong 'to?
"Everybody. Dismissed." Pagkasabi ni coach nun, umalis na din sya kaagad, si Ed naman lumapit agad sakin.
"Dre.. Ano bang nangyari?"
Umiling lang ako, kung tutuusin ayoko na palakihin pa yung issue sa pagitan naming dalawa. Minsan lang kase kung magalit si Drake. Isa sya sa pinakapasensyosong tao na kilala ko, minsan nga naiisip ko na wala syang emosyon eh. Pero iba ngayon, galit na galit sya sakin.
BINABASA MO ANG
A Witch's Lovestory
Teen FictionSi Dianne Dela Fuente, the Campus Queen Bee/Witch ang kinatatakutan ng lahat sa Fuentabella University. Maldita, Atribida at Bratinella, yan and tumatak na ugali nya sa lahat ng estudyante. Matagal na siyang may gusto kay Drake Sarmiento, the Campus...