[1] Know her

417 12 1
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.


Anak ng! Sinabi ng wag hahawiin ung kurtina ng kwarto ko eh. Wala na gggrrrrr. Bumangon nalang ako at pumunta ng banyo para maghilamos at magtootbrush. Pagkatapos ko maghilamos lumabas na ako ng kwarto ko, wala akong pakielam kung magulo man ang buhok ko basta nakapaghilamos na ako at nakapag tootbrush ok na. Pumunta kaagad ako sa kusina para kumain.



"Manang ano pong breakfast?"



"Ito anak, bacon, hotdog, egg and ay dyos miyo ano kaba namang bata ka. Dapat nagsuklay kaman lang ng konti tignan mo yang buhok mo buhaghag. Di ka naman ganyan nung nandito pa ung--"Pinutol ko na kung ano man ang sasabihin nya sa akin.



"Manang wag mo na ngang pakialaman ung buhok ko. At please wag na po nating pag-usapan ang nakaraan." Sabi ko sa kanya at umupo na.



"Hay naku! Ikaw talagang bata ka oh" Sabi nya sa akin." Nga pala Cassa--"



"Manang ilang ulit ko po ba sasabihon sa inyo na CJ nalang po ang itawag nyo sa akin."



"Ah sige, nga pala sila ma'am at sir eh maagang umalis, gusto kapa sana nilang hintayin magising kaso late na daw sila kaya di na nakapagpaalam sayo." Sabi ni manang sa akin.



"Tss. Lagi naman eh." Sabi ko ng mahina.



"Sige dyan ka na anak ng makapaglinis na ako dito sa bahay." Tinanguan ko nalang sya para senyalis na pwede na syang umalis.



So pagkaalis ni yaya kumain nalang ako ng breakfast dahil maliligo pa ako at papasok sa iskwelahan. Nga pala nagtratrabaho si mama sa isang companya, member sya ng marketing department. Si papa naman ay isang Professor. Kaya maaga talaga silang umaalis. Sanay naman na ko sa kanila, sa tagal ba naman na ginagawa nila yan di paba ako masasanay. Routine na nga sa amin yan eh. By the way ang tunay ko nga palang pangalan ay Cassandra Jhasminne D. Ocampo pero ang pinapatawag ko sa kanila ay CJ. 4th year highschool na ako sa Fuentes High University. Hindi to school ng mayayaman na akala nyo. Simple lang itong private school na mura ang tuition fee.



Pagkatapos ko kumain naligo na ako at nagsuot ng uniform. Nagtootbrush, nagsuklay at bumaba na para maglakad papunta sa school. Malapit lang naman ang school sa bahay namin kaya diko na kailangan na magtricycle. Pagkapasok ko palang sa school naghawian na ang mga tao at yumuko. Sanay na ako sa mga yan, mas gusto ko naman yung nilalayuan nila ako at takot sa akin para walang nangengealam sa buhay ko.



Nagdirediretsyo na ako papunta sa classroom ko. Padabog kong binuksan ang pinto at pumasok na, ang kaninang magulo na mga student ay tumahimik na. Pumunta na ako sa upuan ko at ipinatong ang ulo ko sa dalawang kamay ko. Ganyan naman ako dito sa room tahimik, pwera lang kung nandyan na si

Ms. Siga meets Mr. PerfectWhere stories live. Discover now