Chapter 7

69 9 0
                                    

Trigger Warning: Sexual Abuse

Chapter 7

Collided

Tulala pa rin ako hanggang sa tuluyan ng nawala ang aircraft. Ilang segundo lang ay bumagsak na naman ang ulan.

Kaagad akong napalingon sa pintuan nang may marinig akong putok ng baril at hiyaw ng tao. Mabilis pa sa alas kwatro na pumunta ako sa pintuan para matingnan kung anong nangyari sa labas.

Pagtingin ko, only hallway with no people.

"T-tabang! Tabangi ko ninyo!" I heard the cry of a woman's voice.

Agad akong lumabas nang marinig 'yon. Sinundan ko ang humahagulgol na tao. Tumakbo ako papunta sa hagdan, pag-ikot ko… halos lumuwa ang aking mga mata nang makita ang duguang babae. The woman's leg was dripping like a faucet, but blood was dripping down her leg.

Kaagad akong tumakbo patungo sa kanya. Muntik na siyang matumba, pero nasalo ko naman siya kaya diretso siyang bumagsak sa mga bisig ko.

"Anong nangyari sa 'yo?!" Malakas na pagkakasabi ko.

Marahan siyang nag-angat ng tingin sa akin. Nasalubong ko ang kanyang pulang mata habang tumutulo ang kanyang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. Doon ko lang napansin na siya pala 'yung babae na nanghihingi ng tulong sa akin, she is the one I saw on the first day we entered the Kampo Islamiya.

Bumagsak ang tingin ko sa aking braso nang humigpit ang kanyang hawak doon.

"Ilayo mo ako rito…" nagmamakaawang sabi niya.

Tumango-tango ako bilang pagsangayon.

"Yasmine!" Napalingon ako sa likod niya nang may sumigaw.

Wala pang limang segundo, sumulpot ang lalaking nakahawak sa tiyan niya at halatang nanghihina habang nakakunot ang noo. Nanlaki ang mga mata ko nang itinutok niya ang kanyang baril sa kinaroroonan namin. Mabilis pa sa kabayo na hinila ko ang babae nang paputukan niya kami.

Napapikit ako ng mga mata nang marinig ang putok ng baril na tumama sa gilid ng semento.

"Yawa!" Malakas na mura ko.

Shuta! Muntik na kami ro'n!

I pulled the woman away from there. Wala akong pakialam kung anong nangyari sa binti niya, ang importante ay makalayo kami rito nang buhay. Tumakbo kami at paika-ika pang tumakbo ang kasama ko dahil sa sugat niya sa binti. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang kwarto. I opened the door and then pulled her inside. I locked the door to prevent the dangerous man from entering.

"Umupo ka muna rito." I commanded the woman while pointing at the bed.

Sinunod niya naman ako at tinulungan ko pa siyang umupo. Kinuha ko ang blanket at saka ito ginawang protection sa sugat niya upang mapigilan ang pagtulo ng dugo.

"Hawakan mo ito nang mahigpit." Sabi ko at saka tumakbo ako patungong bintana. Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang sliding window.

Napakagat ako nang pang-ibabang labi.

"Yawa mani oy!" Nanggigigil na saad ko dahil mas lalo pang lumakas ang ulan.

Sumilip ako sa labas ng bintana, hindi naman ako nabasa dahil may rain cover naman ang bintana.

May nakita akong isang puting sasakyan na naka-park. I immediately ran towards the woman when it entered my mind what to do.

"Ka—" I stopped speaking when I heard the man's husky voice.

"Yasmine! Buksan mo ang pinto!" Napalingon kami ni Yasmine sa pintuan.

Dinilaan ko ang pang-ibabang labi ko saka kinagat sa takot na nararamdaman. The man started knocking as loudly as possible.

The Collision of Love (Terrorist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon