Solace
I SEARCHED for Rose, but I still can't see her. Naisip kong baka nasa canteen sila, kaya nag-focus na lang muna ako sa pagtugtog ng gitara habang tinuturuan ni Jhoden. I know how to play guitar but I am not that good kaya here's Jhoden to help me improve my skill. Kaso sumama naman itong mga kasama niya sa likod.
Mayamaya pa, narinig ko na ang boses ni Lianne kaya ibinalik ko na kay Jhoden ang gitara. Nagdala kasi si RC kaya ayon, hiniram namin. That's when I knew na marunong pala si Jhoden maggitara, anggaling nga e.
Nagpaalam na ako kayna Jhoden, at pinuntahan sina Lianne at Rose na kababalik lang galing sa labas. I playfully walked to meet them, welcoming them with my warm smile.
Kailan ba ako natutong maging jolly nang ganito?
"Hey! Saan kayo nagpunta?" I asked Rose, inangkla ko rin ang aking kamay sa kaniyang braso. Rose is tallest among the three of us. She has straight dark brown hair, a pointed nose, full lips, and she is morena. She's petite and looks like a beauty queen.
"Sa C.R." maikli niyang sagot.
Kapwa kami napatingin kay Lianne nang bigla siyang tumayo sa pwesto niya at umalis. Pumunta siya kabilang circle ng classmates naming mga babae.
I pouted. "Bakit hindi niyo ako sinama?"
Hinawakan ni Rose ang aking kamay tapos tinawag niya si Lianne. "Lin, 'punta lang kami sa canteen, ah?" Tumango naman si Lianne pero hindi naman ngumiti. I wonder bakit hindi siya nagsabing sasama siya.
Dali-dali akong hinila ni Rose papunta sa labas ng room at tumungo sa C.R. Heh! Akala ko ba sa canteen?
"Bakit?" tanong ko.
"May tampo sa iyo si Lianne," saad ni Rose at ni-lock ang pinto ng C.R. "Nagtampo sa 'yo dahil kay Jhoden." Napataas naman ang aking kilay dahil sa rason nito. Talaga? Is she serious?
"Bakit hindi niyo ako sinama kanina?" pagtatanong ko na naman. Nag-iisip ako na baka may galit na sila parehas sa akin. I've been so good naman sa kanila, e.
Rose sighed. "Kasama mo kasi si Jhoden, mukhang nag-e-enjoy ka pa tumugtog ng gitara. Isa pa, si Lianne ang nagyaya tapos hindi naman kita mahagilap agad. Alam mo naman, laging nagmamadali 'yon."
Bumaba ang aking tingin. Lumalayo na ba ang loob ni Lianne dahil may bago akong kaibigan? Hindi ko naman sila ipagpapalit ni Rose. They are my first homies here, at walang papantay sa kanila.
Rose tucked her hair behind her left ear. "Last week, noong umalis ka na lamang bigla sa room, sinundan ka talaga namin. Hindi ka nga lang namin nalapitan dahil nakita naming kasama mo si Jhoden." Tumingin siya sa ibang dako. "Iba ang naiisip ni Lianne kaya nagtatampo siya sa iyo."
"Hindi ko naman kayo ipagpapalit sa ibang mga naging friends ko ngayon, ah?"
"Pero hindi naman kasi friend lang 'yong kay Jhoden. Alam mo namang crush na crush ni Lianne 'yon, e."
YOU ARE READING
ANF #1: Yesterday and Tomorrows ⚓
RomanceAlways, Now, and Forever Series 1 of 4 "You are my yesterday and all of my tomorrows, Ivy." The innocent and understanding future attorney, Yveanne, was an academic achiever who had nothing on her mind but to succeed and always be at the top of ever...