Chapter 7: Promises

30 13 0
                                        


James' Point of View

NAGLALARO AKO ng Mobile Legends, o mas kilala sa tawag na "ML", sa aking cellphone. Sobra talaga akong nag-e-enjoy sa paglalaro kaya hindi ko na alam kung gaano na ako katagal naglalaro rito.

"James! Pupunta rito si Stephanie. Samahan mo 'yong driver natin na sunduin siya." My mother already opened my door and saw me using my phone before I could hide it.

"Ah, mom..." I tried to give her a smile.

Bakit ngayon pa dumating si mom? Ang ganda na no'ng laro, eh.

She walked to me and said, "James, nakita ko na 'yon. Hindi mo na kailangang itago pa 'yang cellphone sa likuran mo." I forced a laughter. Inalis ko na rin sa aking likuran ang itinatago ko. "Ang aga-aga pa tapos 'yan na agad ang ginagawa mo? James, sa darating na pasukan, high school student ka na. Tapos na ang elementary days mo, anak. Binata ka na and you should act like one. Maging mature ka na. Do you know what is your brother doing right now? He's reading a book, nag-aaral siya. Mas matanda ka sa kanya at dalawang taon pa ang agwat ninyo, pero mas mature pa siya mag-isip at kumilos sa 'yo. Malaki ka na, James, at hindi ko na dapat ito sinasabi sa 'yo, but I have to. Ayaw ko sanang sabihin ito sa 'yo, pero kailangan mo itong marinig."

Ang nagawa ko lang ay yumuko.

"Ayusin mo na ang sarili mo at susunduin mo pa ang kaibigan mo," sabi nito at saka lumabas sa aking kwarto.

I looked at the screen of my cellphone. Natalo na ako! Bigla kong naisip si Stephanie. Kung hindi ko na sana siya kailangang sunduin, e di hindi na sana kailangang pumunta ni mom dito sa kwarto ko at hindi niya ako nahuli. Hindi rin sana niya ako kailangang sermunan pa. Kasalanan niya ito!

Sinundo ko siya sa bahay nila. Naabutan ko siyang nakatayo sa labas ng kanilang bahay. She was smiling like this was the happiest day in her life. Sobrang laki ng pinagkaiba ng mga itsura namin dahil kung ang mukha niya'y may matamis na ngiti, ang mukha ko nama'y may magkasalubong na mga kilay.

"Hi, James!"

Hindi ko siya binati pabalik.

She tilted her head and stared at my face. Cute. "Are you okay? Or are you sick today?"

"I'm not okay nor sick."

"Eh, bakit? Parang may nangyaring hindi maganda, ah. Ano ba ang problema?"

"Pwede ba akong maging honest sa 'yo, Stephanie?" Nagtaka siya dahil nagtunog ako na parang galit, ngunit tumango pa rin siya. "Kahit kahapon pa lang ako nagsimulang ihatid at sunduin ka, nagsisimula na akong mainis. 'Yong pagpunta mo sa bahay nang walang katapusan at halos araw-araw? It's okay with me. Pero hindi okay sa akin na gawin 'to, ang sunduin at ihatid ka sa bahay n'yo na para mong boyfriend. Do you know that because of this, natalo ako sa nilalaro ko and mom scolded me? Pero kung hindi na sana kita kailangang sunduin, hindi ko kailangang huminto sa paglalaro at hindi rin ako masesermunan."

Hindi siya tumugon. Nakatitig lang siya sa aking mukha.

"Dahil 'yon sa 'yo," sabi ko pa.

She looked away. She stayed that way for a few moments before she looked at me again and... smiled? Pero 'yong ngiti niya, hindi matamis kundi mapait. I even saw her swallow hard.

"Um... I'm sorry, James. Ano... Tama ka, dahil nga talaga 'yon sa akin. Sorry." She looked down. "Sorry..."

Para naman akong biglang nagising. James, ano na naman ba ang ginawa mo? "Nasaktan ba kita?"

She lifted her head and looked at me. May ngiti pa rin sa kanyang labi, ngunit ngayo'y matamis na ulit ito. "Hindi, hindi naman ako nasaktan. Totoo naman kasi ang lahat ng sinabi mo." She paused for two seconds. "Sige, sasabihin ko kay tita na hindi mo na ako kailangang sunduin pa. Napakasaya ko talaga dahil nandiyan ka para ihatid at sunduin ako. Pero hindi ko alam na... hindi ka pala natutuwa at naiistorbo na kita. Pasensya na talaga at naging selfish ako, hindi man lang kita inisip."

Forever with You (Under Editing And Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon