Chapter 5: Friends?

58 12 0
                                        


James' Point of View

TODAY WAS Saturday. Naisip kong puntahan si Gavin sa bahay nila, na ilang lakaran lang mula sa 'min.

Every time I didn't have anything to do, I would always visit him. Panonood ng movies, pagsi-cellphone, at pagkukwentuhan ng kung ano-ano lang ang ginagawa namin doon.

I found my mother sitting on the couch. She was watching her favorite show about cooking. Mukhang nag-e-enjoy ito sa panonood dahil bukod sa nakangiti ay nasa show lang ang kanyang atensyon.

"Mom, pupunta po ako sa bahay nina Gavin. Medyo nabo-bore po kasi ako rito," sabi ko.

"Sige lang, James. Umuwi ka lang sa tamang oras. Hindi pwedeng abutin ka ng gabi roon," she replied, her eyes still on the TV.

"Opo. Aalis na po ako."

Paglabas ko, ang una kong nakita ay ang isang babaing nakatayo sa harapan ng aming bahay. She turned to me, and our eyes met.

She smiled. I unconsciously stared at her gorgeous lips. Those perfect lips always formed a perfect smile. At sino ba ang nag-iisang babaing kilala ko na may gano'ng klase ng ngiti?

Stephanie...

"James! Hi!" Masigla ang kanyang boses. Halatang masayang-masaya siyang makita ako.

"Hi." Lumapit ako sa kanya. May hawak siyang cellphone. Nakita ko sa screen nito ang litrato ng isang bahay. Nanliit ang aking mga mata. I looked closer at it. And I was right! Bahay namin 'yon. "Bakit mayroon kang litrato ng bahay namin?"

Napatingin siya sa hawak niya at agad na itinago 'yon sa kanyang likuran. She looked down. "Um... Ano... Um..."

Nagsalubong ang aking mga kilay. "What? Wait, are you stalking me? Bakit kailangan mo pang alamin kung saan ako nakatira? Bakit mo 'ko pinuntahan dito?"

"Um... James..."

"Look at me in the eye at sagutin mo ang mga tanong ko. Kailan mo pa ako sinimulang i-stalk? Ha?"

Ginawa ko ang lahat upang hindi ko siya mapagtaasan ng boses. Kahit naiinis ako sa mga sandaling ito, hindi ko pa rin nalilimutang babae siya at may ginawa siyang mabuti sa akin.

Gusto ko na talaga siyang sigawan. Gusto ko siyang takutin upang hindi na niya ito ulitin. Pero ayoko siyang saktan. Palagi kong sinasabi sa kanya na hindi ko siya gusto nang hindi man lang iniisip ang mararamdaman niya. Kahit matatag siya at mukhang hindi nasasaktan sa tuwing sinasabi ko 'yon, gusto ko pa ring magdahan-dahan.

Ayokong magsisi sa huli.

Tiningnan niya ako. Halatang kinakabahan siya. Iniisip ba niyang sasaktan ko siya sa ginawa niya?

"James, I'm not stalking you. Ito ang first time na pumunta ako rito."

"Eh, ano'ng tawag sa ginagawa mo?" She looked down again. "Look at me. Don't look down."

Sinunod niya ang sinabi ko. "I... I'm sorry talaga. Gusto lang naman kitang bisitahin. Maniwala ka, James, 'yon talaga ang totoo. At saka... we're friends, aren't we? Hindi ko ba pwedeng bisitahin ang kaibigan ko?"

My eyebrow rose. "Friends?"

Kailan ko siya naging kaibigan?

"Bakit? Hindi ba?"

I didn't answer her question. "'Yong litrato sa cellphone mo? Saan mo 'yan nakuha? Sino ang nagsabi sa 'yo ng address ko?"

She looked away and whispered to herself, "Sasabihin ko ba?"

"Sabihin mo sa akin kung sino."

"Si... ano..." I raised an eyebrow. "It's your friend, Gavin."

"Ano?"

Forever with You (Under Editing And Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon