Chapter 3: The Changes

81 14 0
                                        


JAMES' POINT OF VIEW

SINUKLAY KO nang maigi ang aking buhok. Malambot ito at hindi na kailangan pang ayusin nang todo, pero ewan ko ba sa sarili ko. Habang tumatagal, napapatagal din ang pagharap ko sa salamin.

Para sa sarili ko 'to, 'no. Not for someone else. Why it sounded defensive in my head?

I turned my head to the door as it swang open. Nagpakita ang mom ko sa pambahay niyang suot. Wala siyang lakad ngayon. Housewife siya kaya't palagi siyang nag-i-stay sa bahay unless she had to go out for grocery shopping and to hang out with her friends.

Wala namang problema kahit gumala siya kung kailan niya gusto. Boring kaya ang buhay kapag nasa bahay ka lang araw-araw. Choice lang niyang ikulong ang sarili.

"James, kanina pa nakahanda si Brix at hinihintay ka," sabi niya. "He may not spill it out, pero sa isip no'n, todo na siya reklamo. Grabe pa namang magpahalaga sa oras ang kapatid mo."

Alam na alam ko na 'yon. Minsan nga, para nang business man si Brix na gahol sa oras. Wala yatang time na wala 'yong ginagawa. Matatalino nga naman.

"Bababa na rin ako, mom." Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang daliri. Malay ko ba, baka may tumayo or what.

Hindi siya kumilos sa kinatatayuan. She started to look at me in a weird way. Bahagya pang tumaas ang kanyang kilay. "James, do you like someone?"

Halos mapangiwi ako. "Mom? What made you think - Oh. Mom, gusto ko lang magmukhang maayos, okay? Wala nang ibang dahilan ang pag-aayos ko."

Para naman akong babae nito na ini-imbestigahan ng magulang. Nag-aayos ako para sa babae? Seriously?

"You sure? Totoo ba 'yan, James? I hate liars, you know that."

"Yeah, I know that, mom. And I'm not a liar."

Stubborn lang ako, hindi sinungaling. Naging direkta nga ako sa nararamdaman ko kay Stephanie kahit alam kong masasaktan ko siya, eh.

She stared at me for with her poker face. After a few seconds, she gave me a sweet smile. "Okay, good. These days kasi, you've been acting weird, James. Napapadalas na ang pagtingin mo sa salamin. Magulo lang kaunti ang buhok mo, aayusin mo agad. Halos ipampaligo mo na rin ang pabango. So I thought that maybe ... someone stole your heart already."

I wanted to deny it. Pero habang iniisip kong mabuti, totoo ang sinabi ni mom. Nahihirapan akong lumayo sa salamin, iwasang pigilan ang paghawak sa buhok ko at huwag magpabango nang magpabango. Para na nga akong ewan, eh!

Ugh!

"Mom, I think you're just looking at it too much." Kahit may point siya, pipiliin kong mangatuwiran. "I don't like anyone, okay? I'm not planning to like anyone, either. I just ... love myself enough - t-that's all! I'm doing it all for myself! Self-love lang po 'to."

I sounded defensive again. Kung nasa korte ako, baka i-conclude agad na nagsisisungaling ako.

"Okay, okay," she said as she nodded her head repeatedly. "Sorry if I misinterpreted your actions, James. Nagkamali lang ako ng akala. Basta kapag may nagugustuhan ka na, ako ang unang makaaalam, ha? Sa akin ka unang magsasabi. Are we clear?"

Tumango ako. "Of course, mom."

Sometimes, I couldn't help but wonder why she always told me that. Siguro'y dahil "never" pa akong nagsabi ng crush o natitipuhan ko. Bukod doon, they'd always believed that the first is the most special. Kaya sa pang-una ko, gusto niyang siya ang unang taong makakaalam.

Pagkababa, the first thing I saw was my little brother's serious face. Ang hirap talagang ipinta ng mukha niya, gwapo pa naman. "Next time, huwag mo na ulit akong paghitayin nang ganito katagal. Otherwise, I would really leave you without thinking twice. Kuya."

Forever with You (Under Editing And Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon