after 4 years...Bj
nasa simbahan na kami ngayon, 2 years na ang nakalipas ng magpropose ako kay Francine,kasama yung family niya yung family ko at ngayon ang araw ng kasal namin
kanina pa kami nandito at wala pa kaming natatanggap na message nung driver kung nasan na sila Francine,kanina pa malakas ang kabog ng puso ko
"pupunta pa po ba si nanay,tay?" tanong sa akin ni jeff
"pupunta yon,baka natraffic lang" sagot ko
naghantay pa kami ng ilang minuto at binasag ni Iza ang katahimikan at lumapit siya sa akin na umiiyak bago ibigay yung phone niya sa akin
nanghina ang tuhod ko at napaluhod na lang ako narinig ko ang pag iyak ni ninang ces ,lumingon ako at niyakap na lang ni ninong riri si ninang ces
"tay,anong nangyayari?" tanong ni jeff
bumuhos ang luha ko ng yakapin ko siya,hindi ko alam kung pano ko sasabihin pero nasabi ko din
"na-naaksidente yung sinasakyan ng nanay mo, dead on arrival" sagot ko at umiyak na din sa akin si jeff
"puntahan natin si nanay,tay! hindi pa siya patay!" sagot ni jeff
"jeff, wala na" sagot ko
nakapunta naman agad kami sa hospital kung saan natagpuan namin yung katawan ni francine, iniwan muna kami nila
"nay, sabi mo sa akin bibigyan mo pa ako ng kapatid diba? sabi mo pa sa akin nay hindi na tayo maghihiwalay pa nila tatay? bakit mo po kami iniwan, nay gising na" sabi ni jeff
"jeff,shh tahan na, shh" pagpapatahan ko kay jeff
"tay,gisingin mo si nanay" sabi niya sa akin
"jeff, hindi na natin yon magagawa, mahirap din para sa akin pero kailangan natibg tanggapin, hindi ba sabi ni nanay na dapat brave ka lagi kahit anong mangyari? tapos lagi niyang sinasabi na nandito lang siya lagi sa puso natin? lalo na nung nasa ibang bansa pa siya, stop na bud, shh lets pray na lang for your nanay" sabi ko at pinunasan ang luha niya gayon din ang luha ko
ilang araw din ang nakalipas at nailibing na namin din si Francine, walang araw din na hindi namin siya dinalaw ni Jeff, at sa gabi habang yakap ko lagi si jeff lagi siyang umiiyak at maski ako ganon din
ngayon nandito ako sa puntod ni Francine
"gaya pa din netong nakaraan, umiiyak pa din si jeff gayon din ako, ang aga mo din kasi kami iniwan, francine, h-hindi ko na kayang mag mahal dahil nasayo na yung buong puso ko eh, kaya nung iniwan mo kami parang nawalan din ako ng saysay sa mundong to pero maraming salamat pa din dahil binigay mo sa akin si jeff, dahil sa kaniya lumalakas ang loob ko, mahal na mahal kita" sabi ko at biglang lumakas ang hangin
hindi man kita nakitang ihatid ni ninong sa altar nung ikakasal tayo pero nakita naman kitang ihatid ni ninong sa altar nung wala ka na
mahal na mahal kita sobra sobra Francine
Jeff
"Tatay, nasan na ba kayo? mamaya na yung pagwapo niyo diyan, malalate na ako sa moving up namin" tawag ko kay tatay
pagkabukas ng pinto ay nakita ko na namumula ang mata ni tatay
"hahah, tatay naman bakit ka naman po umiiyak?" tanong ko
"mag se-senior high ka na kaya, wag ka munang mag jojowa! nako mumultuhin ka talaga ng nanay mo" sabi ni tatay, simula nang mawala si nanay hindi na siya nag asawa pa, hindi na siys humabap pa ng iba, mas nag focus na lang siya sa akin at lagi niyang sinasabi na nakikita niya si nanay sa akin kaya hindi na siya talaga nag asawa,
si tito dean ayon kinasal na kay tita jema may 2 years old na silang anak na lalaki, si tita iza nakatuluyan niya si tito jovert kapatid ni tito Jacob, si tito Jacob naman asawa niya si tita Tanya, at yung anak non na si Janiya yun yung nililigawan ko, pero siyempre alam ni tatay, basta bawal lang talaga kami mag jowa habang hindi pa kami nagtatapos kaya ligawan stage muna kami haha, at si tito Raphael..siya pala yung bumangga sa sasakyan ni nanay nung ikakasal sana sila ni tatay, naghiganti kasi si tito Raphael lalo na nung nalaman neto na hindi sila tito Jacob at nanay ang nagkatuluyan, kaya matagal niyang plinano yon kahit may iba na non si tito Jacob, nakulong naman din siya pero napatawad na din siya ni tatay
si tita mj naman hindi sila nagtagal ni tita pongs pero ayos naman sila in good terms na din, may boyfriend sila parehas ni tita pongs,tas yung mga kaibigan nila sila sila din nagkatuluyan
Si tita Meliza kay tito Zayvier, tita cheska kay tito Julius naman, si tito Mav kay tita Celine, si tita katie and si tito kelvin may isa na silang anak at babae,baby pa naman, si tita Keyla and tito carter na may anak na lalaki naman and si tita Myra and tito Alvin na kakakasal lang
"With Highest Honor, Valdez, Jefferson Frederick M."
"PAMANGKIN KO YAN WOAH!" natatawang umakyat kami ni tatay sa stage dahil sa sigaw ni tito Dean, siya kasi kasama namin,inakabayan lang ako ni tatay at ng kuhanin niya na yung medal ko ay sinuot niya sa akin iyon
kinalaunan si tito Dean naman ang sumama sa akin paakyat sa stage naka 4 yata kami ng akyat haha
at after moving up ay siyempre may picture kami ni Janiya, 2 years ang tanda ko sa kaniya pero magkabatch kami
"Let's party na!" sabi ni tito Dean at nung gabi nga na yon ay nagsaya lang kami,hindi lang kay tatay alay ko ang mga medalya ko kung hindi dahil din kay nanay
"anak ok ka lang?" tanong ni tatay tumango naman ako
"kung kasama lang natin ngayon si nanay,tay isa din siya sa sumama sa akin sa stage kanina" sagot ko
"kasama naman natin lagi ang nanay mo eh,kahit saan tayo magpunta kasama natin siya, and I know she's proud kasi magaling ka,matalino ka at higit sa lahat mabait kang bata, basta anak nandito lang lagi ako,kami ng mga tita mo and tito mo proud na proud kami sayo,I love you anak" sabi ni tatay
"I love you po tatay"
BINABASA MO ANG
HOPIA PAMILYA (ad,jb,jd)
FanfictionHopia na kung hopia atleast may ship😝 Hindi po to real story and gagawin ko po sa story is one family lang po sila ok? Well kung tutuusin meron din namang ginagawang pamilya silang anim kaya try ko din gawan ng story try lang po eto don't expect na...